If I Cried A Thousand Tears (p2)

27 5 16
                                    

"May sakit ako."

"May stage 3 leukemia ako, tignan mo. Wig lang ang suot kong buhok ngayon. Hindi ko alam kung kailan ako mamamatay. Malay natin diba? Baka matigok na ako bukas."

"Iyon ang dahilan kung bakit hindi ko tinitigil ang pagkagusto ko kay Storm. Kasi bakit ko pa pipigilan kung minsan lang ito mangyayari sa buhay ko? Baka kapag tinigil ko ang pagkagusto ko sakanya....ay magsisisi lang ako kapag malapit na akong mamatay. Madalang ko lang maramdaman ito kaya susulitin ko na bago ako mawala."

"Atsaka alam mo, gusto ko sana siyang makasama sa carnival. Malapit na birthday ko kaya sana makasama ko siya kahit na malabo."

Kanina pa paulit-ulit na naalala yung mga sinabi ni Lorraine sa akin. Hindi ako makatulog dahil sa sinabi niya.

Bakit ngayon ko lang nalaman na may sakit pala siya?

Tama nga si Lor. Bakit nga ba niya titigilan na mahalin si Storm kung mamamatay din naman siya sa bandang huli? Pero paano nalang ang mga taong nagmamahal sakanya? Ako? Paano nalang ako?

"Rain. Hindi mo alam kung hanggang kailan mo pa makikita at makakasama si Lorraine. Bakit hindi ka gumawa ng hakbang para mapasaya siya diba?" sabi ko sa sarili ko. Tsk. Para akong ewan dito na kausap ko ang sarili ko.

Agad agad akong tumayo sa kwarto ko at naisipang pumunta sa kwarto ni Storm.

"Kuya." tawag ko dito tapos lumingon siya sa akin. So hindi pa siya natutulog?

"Kuya. May pabor sana ako sayo." umpisa ko sa usapan tapos umupo siya sa higaan niya. "Ano?" tanong nito.

"Kuya, si Lorraine. Pagbigyan mo sana siya sa kaarawan niya." sabi ko dito tapos napapikit nalang siya.

"Ayoko." madiin na sagot niya. Napasinghal nalang ako. "Kuya may sakit si Lorraine. Sana mapagbigyan mo naman siya." sagot ko sakanya.

"Rain. May sakit din ako. Pwede akong mamatay bukas, o baka mamaya. Ayokong ma-attach kay Lorraine kung alam ko din naman na sa bandang huli ay iiwan ko din siya." sagot nito tapos may pumatak na luha sa mga mata niya.

Yes. May sakit din si Kuya Storm. May brain cancer siya kaya nga minsan may sleeping problem siya at minsan may memory loss siya.

"K-kuya. G-gusto mo si Lorraine?" hirap ko man itanong sakanya ay kinaya ko. Ayokong marinig ang sagot niya.

Tumahimik lang siya tapos humiga na siya ulit sa kama.

Naguguluhan na ako. Silenced means 'yes' diba? Diba? May gusto si Kuya kay Lorraine? Haha.

May gusto sila sa isa't-isa.

Mas masakit pala ang nararamdaman nila kaysa sa nararamdaman ko.

Totoo nga si Lorraine. Wala naman akong mapapala sa pagkagusto ko sakanya.

Lorraine's Birthday

"Rain! Tara samahan mo ako sa carnival." biglang tawag sa akin ni Lorraine habang naglalakad ako sa daan.

"Huh? 4:00 pm palang. Hindi pa nakabukas ang carnival niyan." sabi ko sakanya kaso wala na akong nagawa kasi hinila na niya ako.

Nasa tapat na kami ng carnival tapos pinapasok na kami kahit na maaga pa. Eh mukhang malakas itong kasama ko sa mga nagpapa-andar ng perya eh.

"Suki nila ako kaya ganyan." sabi nito.

Sumakay kami doon sa roller coaster at yung crazy hammer. Pagkatapos nag bump car din kami. Then sumakay kami ng carousel at octopus.

My PlaylistWhere stories live. Discover now