Two Ghost (p2)

45 7 27
                                    

Nakamukmok lang ako dito, hindi ko naman alam na hindi pala kami natutulog. Wala akong magawa kundi tignan nalang sina Mommy and Daddy habang magkayakap na natutulog.

Nagulat nalang ako ng biglang bumungad sa harapan ko si Miguel. "Tara date tayo!" pambungad na sabi nito.

"Ano? Ngayon na? Teka... Ganito yung suot ko eh." sabi ko tapos tinignan ko ang suot ko.

Kulay puti na plain white dress. Mukha akong white lady.

"Anong mali dyan? Kaya nga ghost tayo ngayon eh. Atsaka wala naman sa susuoting damit kapag may date ah. Basta ba kasama mo ang taong mahal mo okay na okay na yun." sabi nito tapos hinila na niya ako.

Akmang lalabas na sana kami sa loob ng kwarto ko kaso bigla siyang huminto.

"Mommy, Daddy. Pagpapaalam ko muna ang cute nyong anak. Mag-dadate po muna kami." bulong nito sa natutulog kong mommy and daddy.

Natawa nalang ako sa ginawa niya at hinila na nga niya ako palabas.

Nandito kami ngayon sa isang restaurant. Kitang kita namin ang mga taong buhay pa na maagang nag-da-date sa restaurant na ito.

Nakaupo kami ngayon sa isang upuan na wala pang nakaupo.

"Bakit tayo pumunta sa restaurant? Eh hindi naman tayo makakakain ng totoong pagkain. Ghost nga tayo diba?" tanong ko sakanya tapos ngumisi nalang siya.

"Order please!" sigaw nito sa buong restaurant at nagtaas pa siya ng kamay. Natawa nalang kaming dalawa kasi walang pumansin sa amin.

Paano nga naman may papansin sa amin eh di nga nila kami nakikita eh.

"Ordeeeer!!" malakas na sigaw niya.

Tawa lang ako ng tawa dito. Tapos nagulat nalang ako ng may lumapit nga na isang waiter sa amin at isa din siyang ghost na tulad ko. "Kailangan ko ng 150 customer para magising na din ako." sabi nung lalaking waiter sa amin.

Woah! Ang galing!

"Akala mo walang papansin sa akin no?" sabi nito tapos nag wink pa siya sa akin.

"O-order-in ko lahat ng menu nyo ngayon. Mukhang malakas kumain ang kasama ko eh." sabi nito sa waiter tapos umalis na nga yung ghost na waiter para gawin na ang order namin.

Hindi pa natatapos ang isang minuto. Padating na nga yung waiter at ang dami niyang dalang pagkain.

Kyaah! Food is life!

Sa sobrang dami ng pagkain na nakahapag sa mesa, hindi ko na alam kung ano ang uunahin kong kakainin.

Tinignan ko si Miguel at kinakain na niya yung spaghetti kaya naman nakigaya na din ako. Spaghetti na muna ang una kong kinain.

Noong maubos ko na, akmang kukunin ko na sana yung manok para next ko na siyang kakainin kaso lang bigla nalang akong tinignan ni Miguel.

Kinabahan ako sa titig niya.

Naiilang din ako.

Ano ba ito?

Inilapit niya yung mukha niya sa mukha ko at nagulat nalang ako ng pinunasan niya yung labi ko gamit ang daliri niya. "Ang dumi mong kumain." sabi nito at nginitian na naman niya ako.

Bakit ba lagi kang ngumingiti?

Mukha ka tuloy anghel!

Pagkatapos namin kumain, pumunta ulit kami doon sa park. Dahil maaga pa, maraming mga bata ang naglalaro sa park.

May nagtitinda din ng ice cream kaya naman napalunok ako. Gusto ko ng ice cream eh.

"Meron din bang ghost na nagtitinda ng icre cream?" tanong ko sakanya tapos napangiti na naman siya.

My PlaylistDove le storie prendono vita. Scoprilo ora