Feels Like Home (p2)

45 5 1
                                    

"Mabuti nalang nakita kita ulit. At mabuti nalang namukhaan ko pa ang mukha mo kahit na madumi ka ng tignan." aniya tapos umupo ulit siya sa tabi ko. Bakit ba ang hilig niyang ilapit yung mukha niya sa mukha ko?

Napaatras ako ng konti sakanya. Magsasalita sana ako kaso lang biglang tumunog yung tyan ko.

Napangiti siya sa narinig niyang tunog. "Gutom na si Baby." sagot nito dahilan para mamula na naman ulit ang mukha ko.

"May niluto akong lugaw doon. Tara mag-almusal ka na muna." sabi nito at hinila niya ako papunta doon sa maliit niyang kusina.

Maliit lang ang espasyo ng bahay niya pero swak na swak ng tumira dito.



"Hmm. Bakit pala naging ganyan hitsura mo? Noong nakita kita napakaganda mo tapos nung nakita ulit kita kanina... Mukha ka nang pulubi?" tanong nito habang kumakain akong lugaw. In fairness, masarap yung lugaw. Magaling siyang magluto.

"Naglayas ka sa inyo no?" tanong nito ulit kasi hindi ko sinasagot ang mga tanong niya. Focus ako sa lugaw. Ang sarap kasi.

"Kung ganon. Pwede ka munang tumira dito kahit isang linggo lang. Kaso kailangan mo ulit umuwi sa mga magula---"

"Wala akong magulang. Namatay na sila since 8 years old palang ako. And kung babalik ako sa Tita ko, wag na. Masakit na masyado ang mga pasa na binibigay nya sa katawan ko. And hindi ako makakapag-aral kapag doon pa ako tumira. Isipin mo yung mga sahod ko pang tuition niya sa mga anak niya. Babalik ka pa ba nun?" putol ko sa sinabi niya tapos tinignan niya akong mabuti.

"Huwag kang mag-alala, aalis naman ako. Gusto mo ngayo---"

"Huwag ka ngang pabebe. Dito ka nalang tumira hanggang kailan mo gusto. Tutal wala rin naman akong kasama dito." sagot nito tapos nginitian niya ako at tinignan niya ang buong bahay.

"Welcome home!" bati niya sa akin at binigyan niya ako ng malawak na ngiti.

Hala? Bakit pinapatuloy niya ako sa bahay niya ng ganun kasimple lang.

"Oo nga pala, doon ka sa isang kwarto. Wala pang natutulog dun." sabi nito tapos hinila niya ako papunta doon sa isang kwarto.

Medyo masikip nga lang ito compare doon sa isang kwarto na sobrang lawak.

Noong papasok na ako doon sa kwarto. May biglang pumasok na nga bata na sobrang dumi ang kasuotan.

"Mina, Debi, Luke. Hindi kayo diyan! Si Ate???" tanong nito habang hinihintay niya yung sagot sa tanong niya.

"Cray" tipid na sagot ko.

"Si Ate Cray niyo ang diyan! Doon kayo sa kabilang kwarto." sabi nito sa mga bata tapos pinalabas niya ang mga ito. "Pasensya na ah. Sila pala yung mga batang nakita ko sa daan na umiiyak kasi nahiwalay sila sa mga Magulang nila." explain niya sa akin tapos kumunot naman noo ko.

Hindi kaya kidnapper ito?

"Uy, wag mong iisipan kidnapper ako. I'm not okay? Kasalukuyan ko ngang hinahanap mga magulang nila. Actually lima ang mga iyan. Yung dalawa nahanap ko na and tinutulungan din nila akong maghanap." paliwanag niya at napatango naman ako.

Napakabait naman ng nilalang na ito.

May ganito palang lalaking nag-e-exist sa mundo? Wala talagang imposible!

Lumapit sa amin yung batang babae na sa tingin ko Mina ang pangalan niya. "Kuya Vince? Ang ganda po ng Girlfriend niyo." sabi nito at bumungisngis.

Napakamot naman sa noo si Vincent tapos tinignan niya ako.

Lumapit na din yung dalawang lalaki na sina Debi and Luke. "Hello Mommy!" sabay nilang bati sa akin dahilan para mapatawa ako. Napansin ko din na kambal pala yung dalawang lalaki.

May pinagkaiba lang na nunal sa noo. Yung isa meron, yung isa wala.

"Ayiee may kasama nang mommy si daddy!" hirit nung may nunal tapos tumawa silang lahat.

Bata pa sila kaya okay lang.

"Luke, ikaw talaga!" sabi ni Vincent at naghabulan sila sa loob ng maliit na bahay.

Napangiti ako sa nakikita ko.

Kinalabit ako ni Debi at sinabi niya na habulin ko daw siya kaya hinabol ko nga siya. Naghabulan kaming lahat sa maliit na bahay at kiniliti namin ang mga bata habang punong puno ng tuwa at sigla ang loob ng bahay.

"Kuya Vince, habulin mo kami ni Ate Cray!" sabi naman ni Mina at ngayon kami naman ang hinabol ni Vincent at nag-a-acting silang mga zombie kasama sina Debi and Luke.

"Waahhh!" sigaw ni Mina at napakabilis niyang tumakbo. Humingal ako at nagstop sa pagtakbo dahilan para mahabol ako nina Debi, Luke at Vincent.

"Rawr! Zombie ka na mommy!" sabi ni Debi at kinagat niya yung kamay ko.

Kinagat naman ni Luke yung kabilang kamay ko at sinabi niya din na zombie na daw ako.

Lumapit naman si Vincent sa akin na tumatawa. "Kuya Vince, bite mommy Cray so that she will be a real zombie!" sabi ni Debi. Hanep magaling pala silang mag-english.

Pero ano daw?

Biglang naglaho yung ngiti doon sa labi ni Vincent nung narinig niya iyon. Tinignan niya akong seryoso at ngayon magkaharapan na kami.

Nakatingin kami sa isa't - isa na animoy kami lang ang tao dito. Naririnig ko nalang ang mga hagikgik at bungisngis ng mga bata.

Sobrang bilis ng pangyayari at hindi ko namalayan na tumama ang mga labi namin sa isa't - isa.

Nanlaki ang mga mata ko at nakita ko si Mina sa likuran ni Vincent na tumatawa at nag peace sign sa akin.

Tinulak niya pala si Vincent papunta sa akin dahilan para mahalikan niya ako accidentally.

"Yiee zombie na si Mommy! Mina ikaw na next!" masayang sabi ng inosenteng bata na si Luke at nagtatalon pa siya sa tuwa habang kami ni Vincent ay hindi makatingin sa isa't - isa.

Parehong namumula ang aming mga mukha.

Tinignan ko sila at nakangiti silang lahat.

It feels like home to me. It really feels like home.

THE END

My PlaylistWhere stories live. Discover now