Too Much To Ask (p2)

49 5 12
                                    

Nandito kami ngayon ni Angela sa park ng school. Nakaupo kami sa mga swing at nag-iisip ng plano para mag level up na ang relationship namin ni Justin.

"Alam ko na! Kung kayang papagselosin natin siya? Kunware pinaguusapan namin ni Miguel na i-lock ka namin sa Gym kasama yung si Brix! Yung isang kaibigan ni Justin na basketball player din. Late kasing uuwi yon ngayon kasi lilinisin niya yung mga bola." sabi nito tapos napangiti ako sa idea niya.

"Kaso may problema. Papayag naman kaya si Miguel sa plano natin?" nakayukong tanong ko tapos hinampas niya yung likod ko. "Ano ka ba! Akong bahala. Matitiis ba ako ni Miguel?" sabi nito tapos ipinatong niya yung baba niya sa dalawang palad niya at nag-beautiful eyes pa ito.

"Huwag mo na ulit gagawin yan sa susunod ah!" diring diring sagot ko sakanya. Kyaah.

"Uy effective kaya 'to para maging crush ka rin ng crush mo." sabi nito tapos nagtawanan nalang kami sa isa't - isa.

And oo nga pala, kasalukuyang nanliligaw si Miguel kay Angela ngayon.

"Okay, punta ka nalang sa gym mamaya huh? Kunware busy kang gumagawa ng kwento para sa susunod na update mo sa wattpad at napag-isipan mo na sa gym ka tumambay para magsulat." sabi nito tapos nag thumbs up na ako sakanya at sabay na kaming pumasok sa klase.

After class....

Heto naaa! Heto na yung plano namin na mapaselos si Justin.

"Justin!" sigaw ko sakanya nang palabas na siya sa classroom.

Huminto siya sa paglalakad at tinignan niya ako. "Pwedeng sumama sa'yo sa gym?" tanong ko dito.

Kumunot naman yung noo niya at tinignan niya ako na para bang tinatanong niya kung bakit?

"Hmm, gusto kong tumambay ngayon sa gym para makapag-update ako sa wattpad. Atsaka yung next na chapter kasi sa story ko eh tungkol sa basketball eh. Para naman may idea akong makuha." paliwanag ko dito tapos tumango naman siya at nauna na naman siyang naglakad sa akin.

Habang naglalakad ako, naiisip ko na ang mga mangyayari! Kyaah, magseselos kaya siya? Ano sa tingin nyo? Hehehe.

Biglang naudlot yung mga day dream ko nang bigla akong natapilok. Dahilan para madapa ako sa hallway. Bwiset! Ang tanga nung hallway!

Akmang tatayo na sana ako kaso nakita ko yung tuhod ko na dumudugo. Waah! Nasugatan yung flawless skin ko!

Nabigla nalang ako sa susunod na nangyari kasi lumapit si Justin sa akin at pinunasan niya yung dugo doon sa white uniform niya at may inilabas siyang color blue box na nanggaling doon sa bag niya.

Binuksan niya yung box at puro band aid lahat ang nandoon. Grabe, kung hindi ko lang kapit bahay ito iisipin ko na isa siyang nurse sa hospital wahaha!

Kumuha siya ng band aid at inilagay niya ito sa nasugatan kong tuhod. May text pang design na nakalagay doon sa band aid. "Is it too much to ask for me?" basa ko doon sa nakasulat tapos napatingin siya sa akin.

Napaubo siya at tumayo na tapos nauna na naman siyang naglakad sa akin.

Tumayo na din ako at paika-ika akong naglalakad. Grabe first time kong masugatan sa tuhod. Huhu.

Napatigil ako sa paglalakad ng tumigil din ito. Naglakad siyang papalapit sa akin at bigla siyang bumaba.

Napatingin ako sa ginawa niya. Kyaaah! Bubuhatin nya ba ako sa likuran niya?

"Sakay na." tipid na sabi nito tapos sumakay na nga ako sa likuran niya.

Jusko! Feel ko sasabog na ang puso ko!

Natapos na ang maliligayang araw ko ng makarating na kami sa gymnasium. Ibinaba niya ako doon sa bench at pumunta na siya doon sa court.

Hinubad niya yung polo shirt niya at nagpalit ng jersey. Syempre habang nagpapalit siya ng damit.... Titingin na ako wahahaha! First kong makikita yung katawan niya joke!

Napaiwas ako ng tingin nung nagtama ang mga mata namin. Nahuli niya ba ako?

Pagkatapos nun, naglaro na nga siya ng basketball at patingin tingin ako sa paligid. Wala akong nakikitang Angela at Miguel.

Tapos wala din si Brix.

Napansin ko din na kaming dalawa lang sa Gym. Paano ko siya mapapagselos?

Angela nasaan ka na ba?

Nabigla nalang ako ng biglang nagsara yung pintuan ng gym. Tapos naging madilim sa loob.

Waaah! Anong nangyayari?

Biglang nagvibrate yung phone ko at nakita ko ang message na galing kay Angela.

'Sorry bestfriend, yung plano ko talaga ay ikulong ko kayo ni Justin. Yung kayong dalawa lang! Take care!
:)'

Waaah bff. Bakit mo ginawa ito? Bakit mo naisip ang napakagandang planong ito? Kyaaah!

Biglang may umilaw na flashlight doon sa court. Sa tingin ko si Justin iyon kaya naman lumapit ako agad sakanya.

"Plano mo ba ito huh?!" galit na tanong nito sa akin. Waah! Bakit siya nagagalit?

First time nyang magalit sa akin.

"Ano? Isa na naman ba ito sa mga plano mo? Ganoon ka ba kadesperada sa akin?" sunod sunod na tanong niya dahilan para mapaluha ang mga tanga kong mata.

Bakit ba ako umiiyak?!

"Oo na! Plano ko ito! Bakit? Is it too much to ask to love me back? Is it too much to ask kung ano ang meaning ng mga pinapakita mong actions sa akin? Yes masungit ka. Pero bakit sobrang caring mo sa akin? Is it too much to ask for your answers? Kasi alam mo. Umaasa ako na baka may gusto ka sa akin. Ewan ko ba! Napakatanga ko dahil sobrang umaasa ako sa'yo since elementary!" I shouted. Wala na akong pakialam kung may makarinig man sa amin dito.

Bigla siya napatikom ng bibig at akmang lalapit siya sa akin para punasan ang mga luha ko kaso inilayo ko ang sarili ko.

"Is it too much to ask to wait?" Napatigil ako sa pag-iyak nang marinig ko ang mga salitang iyon sakanya.

Wait?

Is it too much to ask to wait daw?

Ngayon lumapit siya sa akin at pinunasan niya yung mga luha ko.

"Hey! Is it too much? You know what, I don't want you, cause I need you. I don't like you, cause I love you. Nangako ako sa Mama mo na makapagtapos muna tayo ng college bago kita ligawan. I wanted to court you so bad but may pangako ako sa Mommy mo. I always wanted to hug you, kiss you, hold your hands, and walk beside you. Pero kailangan kong umiwas sa'yo para mapagkatiwalaan ako ng Mommy mo na kaya kong maghintay sa tamang panahon. Now, is it too much to ask to wait? Wait for the right time. Wait until we graduate?" Sabi nito dahilan para magkaroon na naman ng fire sa puso ko.

Hindi talaga siya sumasablay na pakiligin ako!

"Yes it is too much to ask. Pero kaya kong maghintay until we graduate." sagot ko sakanya then pinisil niya yung cheekbones ko.

Bad!

THE END.

My PlaylistWhere stories live. Discover now