A Thousand Years (p1)

46 7 33
                                    

This story is dedicated to
mingshinxi

"How to be brave
How can I love when I'm afraid to fall
But watching you stand alone
All of my doubt, suddenly goes away somehow"

***

*312 notification*

Binuksan ko ang cellphone ko nang mapansin ko ang sabog na notif nito.

Halos sa mga group chats namin sa wattpad ang mga notif.

Akmang papatayin ko na ang cellphone ko kaso bigla kong napansin ang mga sunod sunod na chats doon sa isang group chat.

"Truth or Dare."

"Truth."

"Kung magpropropose ka dito sa group chat? Sino papakasalan mo?"

"Kung magpropropose man ako dito si Binibining Candy na ang papakasalan ko."

Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko ang pangalan ko sa Groupchat. Well hindi ko real name, nickname lang.

Bakit ako nadamay dito? Atsaka sino ba itong lalaking ito na ang lakas ng loob na ako ang piliin niya na pakasalan?

"Ayieee ate candyyyy!"

"Waah kilig!"

"HAHAHAHA"

Sunod sunod na namang chat ang nakita ko.

"Bakit nadamay ako dyan?" bigla kong tanong sakanila.

"Ate candy papakasalan ka daw ni Dan." sabi nung isang member nung group chat.

Tapos sunod sunod na naman na chat ang sumalubong sa akin. Ang ingay grabe!

Kinabukasan...

Pagkagising ko agad agad kong chineck ang cellphone ko. As usual sabog na naman ulit ang notifications ko. Halos group chat lahat, kaso napukaw yung atensyon ko doon sa isang lalaki na nag direct message sa akin.

Kahapon pang gabi yung chat niya.

Sino ba ito?

Binuksan ko yung message niya na "Hello, pwedeng makipag-usap?" sus. Nakikipag-usap kana eh.

"Oo naman." sagot ko sakanya. Well hindi kasi ako snobber, super friendly ako.

Tumayo muna ako sa higaan ko at iniwan yung cellphone sa kama.

Pumunta ako sa kusina para kumuha ng almusal at ang favorite kong hotdog ang iniluto ni Mama.

Pagkatapos bumalik ulit ako sa kwarto habang daladala ko ang nakaplatong hotdog at kinuha yung cellphone ko.

Napag-isipan ko na pumunta sa terrace at magpahangin doon habang nag-a-almusal.

"Good Morning!" Bigla na naman ulit nagchat yung lalaki sa akin kaya nag good morning back din ako sakanya.

My PlaylistWhere stories live. Discover now