Too Much To Ask (p1)

66 6 23
                                    

This story is dedicated to
Mikastick_101

"And tell me there are things that you regret
'Cause if I'm being honest I ain't over you yet"

***

"Mikaela! Gumising ka na nga dyan. Hinihintay ka na ni Justin." nag-unat-unat muna ako bago tumayo.

Para akong zombie na naglalakad sa aking kwarto, at dahan dahan kong binuksan ang pinto.

"Mommy, pahingi ngang kiss." sabi ko dito habang nakapikit pa din. Ganito ako lagi, super sweet sa mommy ko.

"Mommy, kiss mo na ako. Alam ko hindi pa ako nag-toothbrush pero hindi naman ako bad breath." angal ko sakanya kasi hindi niya pa ako hinahalikan sa cheeks.

"Really?"

Napamulagat ako sa boses na narinig ko. Hindi si mommy ang nasa tapat ko ngayon!

"Justin? Anong ginagawa mo dito?" gulat na tanong ko sakanya. Tinaas niya lang yung kilay niya at pinakita niya yung oras sa phone niya.

Tinignan niya ako ng matalim at naglakad siya papunta sa living room namin habang nakatingin doon sa orasan na nakasabit doon.

Waaah lagot ako kay Justin! 8:00 A.M nga pala ang klase namin ngayon! At 7:32 A.M na!!!!

Lagot ako sakanya kapag nalate kami sa school.

Agad agad kong kinuha yung uniform at yung hygiene kit ko at nagmadaling pumasok sa C.R at naghilamos.

Bahala na, wala na munang ligo ligo ngayong araw. Malalate na kami at malalagot ako kay Justin kapag nangyari iyon.

Humarap ako sa salamin at inayos ko yung buhok ko. Para na akong bruha kaya naman mabilis ko itong sinuklayan gamit ang daliri ko.

Lalabas na sana ako sa loob ng C.R kaso napansin ko na wala akong kaamoy-amoy kaya naman hinanap ko agad yung perfume ni Mama sa hygiene kit niya na nasa C.R

"Pahiram muna nito Mommy huh? Ayokong nangangamoy ewan sa tapat ni Justin." sabi ko sa sarili ko.

Oo matagal ko ng crush si Justin. And Bestfrie-- childho--neighbor nalang nga!

Oo kapit bahay ko si Justin at hindi ko alam kung bestfriend ko ba siya o childhood friend. Basta close lang kami.

Ay joke! Hindi ko din alam kung close kami eh. Basta nag-uusap lang kami---este ako lang pala ang laging kumakausap sakanya.

Napakasungit niya kasi at hindi siya masyadong nagsasalita.

And... Lagi niya akong kasabay pumapasok sa school dahil obligasyon niya 'yon. Wahahaha.

Gusto kasi ni Mama niya na lagi kaming sabay pumasok. Bet na bet ako ni Mama niya para maging future Daughter-in-law niya. Waaah.

Paglabas namin sa bahay. Bumungad sa akin yung bike niya.

Waaah heto na yun! Aangkas na ako sa bike niya.

Sumakay na nga siya doon sa bike at akmang sasakay na din ako kaso bigla niya itong pinaandar dahilan para mapaupo ako sa sahig.

Tinignan niya ako at ngumisi ng nakakaloko tapos pinaandar na niya ulit yung bike niya.

Grabe diba? Never niya pa akong pinasakay doon sa bike niya. Kaya heto ako ngayon tumatakbo at hinahabol ko siya.

Hingal na hingal ako nang makarating kami sa tapat ng gate ng school namin. Inayos ko yung sarili ko at pinunasan ang pawis na tumutulo sa mukha ko.

My PlaylistWhere stories live. Discover now