A Thousand Years (p1)

Start from the beginning
                                    

"Nag-aalmusal ka na?" tanong nito na para bang alam niya ang ginagawa ko.

"Hmm oo." sagot ko.

"Anong almusal mo?" chat niya sa akin.

"Hotdog." sagot ko.

"Ahhh. By the way, nakita mo yung sagot ko doon sa truth?" chat niya ulit sa akin.

"Oo, nagulat nga ako eh. Atsaka bakit ako?" tanong ko sakanya tapos out of curiosity naisipan kong tignan ang profile ng lalaking nagcha-chat na ito.

Well, hindi naman siyang mukhang scammer or what. Mukha naman siya matino.

Pero nung una akala ko babae siya. Kasi mukhang babae yung profile niya sa malayo.

Danielle. Danielle pala ang pangalan niya.

Danielle:
Ang sweet mo kasi and napaka-friendly mo.

Roselle:
Since birth ganito na talaga ako hahahahaha.

Danielle:
Kaya nga ikaw nagustuhan ko eh. Hahahaha.

Nabulunan ako ng makita ko yung chat niya sa akin. Hinampas hampas ko ang chest ko kasi wala akong tubig na dala dito.

Danielle:
Gusto mong tubig?

Nagulat ako doon sa chat niya kasi parang alam niya na nabulunan ako. Kaya naman napatingin tingin ako sa paligid. Baka tagadito lang itong lalaking ito tapos nakikita niya pala ako dito.

May nakita akong lalaki na nakaupo doon sa terrace nila. Naka-earphone ito habang nakapikit siya. Mayroon din isang lalaki banda sa left ko. Nag-e-exercise siya.

Roselle:
Bakit mo tinanong sa akin kung gusto ko ng tubig?

Danielle:
Wala. Baka kasi nabulunan ka sa sinabi ko sayo kanina.

Ayon! Yun pala ang meaning niya. So ibig sabihin hindi siya taga dito? Matanong nga.

Roselle:
Taga saan ka?

Danielle:
Sa puso mo.

Roselle:
Hindi na uso yan uy! Hahaha.

Danielle:
Sa Manila ako.

Makalipas ang ilang araw. Lagi ko nalang siya nakakausap sa chat. Hanggang sa dumating sa point na ka-video call ko na siya. Hindi ko alam pero parang nahuhulog na ako sakanya.

Ang sweet, mabait, at may good sense of humor kasi siya.

Mas lalo akong kinabahan noong bigla ulit siyang nagchat sa akin.

Danielle:
Pwedeng manligaw?

Ito ang tanong na mahirap sagutin lalo na kapag hindi mo gaanong kilala ang taong nagugustuhan mo na.

Ayaw kong sabihin na "Oo naman." dahil ayaw kong masaktan. Ayaw kong masaktan ulit gaya ng dati. Takot na akong magmahal.

Danielle:
Hmm. Kahit wala kang sagot, liligawin pa din kita.

Roselle:
Paano?

Danielle:
Dito sa chat.

Hindi ko alam kung ano ba ang mangyayari if papaligaw ako sakanya. Well na sa akin naman ang sagot eh. Manliligaw lang naman siya diba?

Ilang araw na ang nakalipas. Tuloy pa rin ang panliligaw niya sa akin. Gumawa pa nga siya ng sarili niyang kanta at nag voice mail siya sa akin. Gumawa din siya ng story sa wattpad at naka-dedicate pa ito sa akin.

Okay! Kinikilig na ako pero kailangan kong kontrolin ang sarili ko. Malay mo diba? Baka ang dami niya palang nililigawan sa chat. Baka hindi ako nag-iisa.

Lumipas ang isang taon. Nanliligaw pa din siya. Hanggang dumating sa punto na sa tingin ko seryoso talaga siya. Kaya naman isang araw sinagot ko na.

Danielle:
Yes na yan ah! Wala ng bawian! Sinagot mo na ako! Hahaha.

Roselle:
Oo hahahaha.

Danielle:
I love you bebe!

Roselle:
Bebe? Saan naman nanggaling yung tawagan na iyon?

Danielle:
Galing sa bebe mo.

Kaso, sadyang mapaglaro talaga ang pag-ibig. Kung saan nandoon ka na sa point na mahal mo na siya, doon pa may darating.

Danielle:
Girlfriend niya ito. Pwede ba wag ka nang magchat sakanya?

Halos madurog ang puso ko nang mabasa ko iyon. Kaso hindi ko mapigilan ang sarili ko na umasa na baka may pag-asa pa.

Roselle:
Ikaw ah! April ngayon! Baka april fools lang ito.

Danielle:
Ang kulit mo no? Girlfriend niya nga ito and ginawa ka lang niyang rebound noong nag-break kami.

Hindi ko alam pero bigla nalang akong naiyak. Ganito nga siguro kapag mahal mo na ang isang tao. Ang hirap palang sumugal sa isang relasyon na hindi mo alam kung may ipanlalaban ka ba. Ang hirap palang magmahal sa taong nakilala mo lang sa social media.

My PlaylistWhere stories live. Discover now