Chapter 6

380 11 0
                                    

Spin The Bottle

Lumabas na kami ni Dane matapos ang sandamakmak na pagtatalo

Ang ending, naka skaters skirt ako at white tshirt na may tatak na "Boyfriend? No. Wifi? Yes please."

Mga damit talaga nito ni Dane puro kalokohan eh.

Baka maturn off sakin si Puti dahil sa damit.

Wait----

Ano ba yung sinabi ko?!

Huhu. Mali. Hindi talaga yan. Hindi kay Puti. Hindiii.

Basta.

Tapos naka sneakers na black ako dahil black ang palda ko.

Tapos finish tail nya ako, pero messy.

Tapos binigyan nya ako ng lip and cheek tint, para daw pumula ang cheeks ko.

Tapos binigyan nya ako ng lotion, para magstay glowing ang kutis ko. I applied it kanina.

"I like you. Araw araw bibihisan kita. You look like a doll, dapat ayusan ka para sumobra ang ganda mo." Saad ni Dane, napairap nalang ako .

Dumating kami para magbreak fast. Nasa upuan na sila, and nakita ko ring malagkit ang titig sa amin ng mga tao dito.

Maybe dahil sa porma?

Err

"Anong meron?" Patrick asked when we officialy seated.

I can see in my peripheral view ang titig ni Puti at ni Lian sa akin, they are both staring to me with feelings or curiousity.

Nakita kong lumipat ng upuan si Puti papunta sa tabi ko.

Bali ganto pagkakaupo namin.

Harry-Lian-Denver-Patrick
Table
Puti-Me-Dane

Nakaupo palang kami dahil si Miss Mary ay magsasalita pa.

Naka lagay sa upuan ang kamay ko ng maramdaman kong may humawak.

Napatingin ako sa kamay ko at inangat ang tingin ko sa kanya.

Si Puti.

I just smiled, hinawakan ko rin ang kamay nya.

Maybe, I should just go with the flow.

"Good morning, staffs and volunteers. Ang activity natin today is feeding program. Pupunta tayo sa school dito at bibigyan ng feeding ang mga magaaral. At magdadala rin tayo sa bawat bahay nila." Masayang saad ni Miss Mary.

"Hahatiin namin kayo. Tutal ginrupo na namin kayo, mas mapapadali ang mga proyekto natin dito. At mas magkakaroon kayo ng oras para magexplore." Dagdag ni Sister Mildred.

"1, 2, 3, 4, 5, and 6, sasama kayo sa amin sa paaralan upang mamigay ng pagkain sa mga magaaral. Habang ang 7, 8, 9, at 10 ay ang magbibigay ng mga starter pack na pagkain sa mga magaaral at magbibigay ng mga pangaral sa kanila. Basta ang pagpapangaral ay hindi dapat lumampas sa limitasyon, dapat ay magkaroon pa rin tayo ng respeto." Saad ni Miss Mary kaya nakakain na kami.

Matapos kumain ay nagtungo kami sa truck upang kumuha ng mga goods.

Yung limang lalaki ay may bitbit na tagiisang kahon, at dahil sa hindi papatalo ang bida bidang si Patrick. Nag bato bato pik pa sila para malaman kung kaninong kahon ang unang uubusin, una kay Harry, Puti, Denver, Lian at Patrick.

Sising sisi si Patrick na sinuggest nya pa ang larong iyon.

Nagtungo kami sa bahay malapit sa ilog.

Malamang kasi walang pupunta doon dahil liblib at nakakangalay ang papunta paroon, pero nagtyaga kami. Plinano ko na rin ito kahapon.

Matapos ang pamimigay at pagbibigay ng tips sa kanila ay bumalik na kami.

Nang maghapon na ay napagpasyahan ni Patrick na maglaro, at dahil bored din naman kaming lahat ay pumayag kami sa laro nya.

Spin the bottle daw. Para daw mas makilala namin ang isat isa.

"Kung kanina tatapat tong cap, sya ang uutusan at mula sakin ang magdadare paclockwise. Game?"

Tumango nalang kami, pinaikot ni Patrick ang bote at tumama ito kay Dane.

"What a perfect start." Sarkastikong saad nya tapos si Patrick naman ay tuwang tuwa. Pinili ni Dane ang magtruth.

"May gwapo ba sa aming lima?" Napataas ang kilay ni Dane sa tanong ni Patrick.

"Meron." Confident na saad ni Dane.

"Sino?" Excited na tanong ni Patrick.

"Base sa mechanics na binanggit mo kanina, one question per spin. Kaya isa lang. Oki?" Baaars. Thats mah Dane.

Nanghinayang si Patrick kaya inispin nalang ni Dane at tumama kay Denver.

"Sinong crush mo?" Walang alinlangan tanong ni Dane.

"Ikaw, Dane Dela Cuesta." Walang alinlangang sagot ni Denver.

"May aminang naganaaaap!" Sigaw ni Harry kaya natawa kami.

Napasulyap ako sa katabi kong si Dane na namumula.

"Ligawan na yan!" Saad ni Patrick ba ikinatawa ng marami.

Maski si Puti na laging seryoso, ay natawa.

Kinain na ni Denver lahat ng hiya nya, atleast nakakamin sya ng ayos.

Inispin ni Denver ang bottle at tumapat kay Lian.

Ako na ang magdadare or magtatanong.

He picked Dare.

"Sa aming lahat, yung pinakagusto mo, hug that person. Kahit lalaki, yapos bespren ganon." I said.

Tumayo siya at nagtungo sa akin saka ako niyapos.

Wtf.

Nagulat ako at napatingin kay Puti na halatang gulat na gulat rin.

"Ikaw ang pinakagusto ko, Azalea." Saad nya tapos niyapos ulit ako.

I cant move, nakita ko nalang na lumabas si Puti ng room, papahangin daw.

Donna what to do!!!

Wanted: Perfect Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon