Bakit ba puro na lang kamalasan ang inaabot niya?

"May baba dito! Ipara mo sa kanto! Peste! Sakay-sakay wala naman palang pamasahe! Sayang porma at ganda mo 123 ka sa bus! Bababa!"

Gusto ni Jane magpalamon sa lupa habang naglalakad siya palabas ng pampasaherong bus, randam niya ang mga titig ng mga tao sa loob. Bakit parati na lang siyang napapahiya? Bakit parating kamalasan na lang ang inaabot niya?

Nang makababa ng bus, walang direksyong basta na lang naglakad si Jane. Bakit puro hirap na lang ang kinahaharap niya? Mula pagkabata niya, hanggang ngayon, laging ganon. Nihindi niya matandaan kung sino ang tunay niyang mga magulang, basta ang alam niya ay lumaki siya sa kumbento.

Malayo. Malayo-layo na din ang nalalakad ni Jane ng biglang bumuhos ang ulan, ulan na hindi nagpatigil sa paglalakad niya. May mas ikamamalas pa ba siya ngayong araw?

Oo, meron. Mula sa Pamantasan kanina, hanggang ngayon sa paglalakad niya sa gitna ng Taft sa malakas na ulan, wala pa siyang kain, wala pa siyang sapat na kain.

Hindi na alam pa ni Jane kung ano pa ang dapat niyang maramdaman. Pagod sa para sa araw na ito, sa paglalakad, gutom at ang mga hinanakit niya sa mga pangyayari ngayong araw.

Naninikip ang dibdib niya sa tuwing maaalala ang mga kamalasang inabot niya ngayong araw, mga kamalasang natanggap at pinagdaanan niya.

Hindi namalayan ni Jane na lumuluha na pala ang mga mata niya at ang ulang bigla na lang bumuhos kanina ang naging kakampi ng mga mata niya sa pagtago ng mga pangahas niyang luha.

Tahimik na humihikbi si Jane habang patuloy na naglalakad sa kahabaan ng Taft Avenue.

***

"FUCK! You did what!?"

"I sent her home, you don't need a secretary for that meeting anyways—" napatigil sa pagsasalita si Vria ng padabog siyang tumayo mula sa pagkakaupo sa sofa ng pribadong kwarto nito dito sa loob ng solaire. Kinailangan niyang kaladkarin ang babae dito para mapigilan ito sa pagtawag nitong Hermes sa kaniya kanina.

"You don't know what I need! Shut the fuck up! The next time you'll interfere in my life, I'll put in place!" Duro niya kay Vria bago nagmamadaling lumabas ng kwarto nito.

Hindi alam ni Hermes kung bakit at para saan pero binalot siya ng pag-aalala para kay Jane sa mga oras na iyon. Pagdating niya ng parking lot ng Solaire ay agad niyang narinig ang malakas na buhos ng ulan sa labas. Nagtatagis ang mga ngipin niyang akmang sasakay na siya sa loob ng sasakyan niya ng maalala ang isang bagay. Agad-agad na bumalik si Hermes sa loob ng Solaire.

***

He doesn't know why but worry is consuming him at the moment as he drives his car toward's Jane's address, address na nakuha niya pa sa opisina niya, sa resume na ipinasa nito nang mag-apply ito sa kumpanya niya. Malakas pa din ang ulan o baka nga mas lumalakas pa iyon, at habang patagal ng patagal at palakas ng palakas ang ulan mas lalong nadadagdagan ang kaba at pag-aalalang nararamdaman ni Hermes para kay Jane sa mga oras na iyon. He hit the gas accelerating his car.

Hindi alam ni Hermes kung bakit kusang bumagal ang pagmamaneho niya ng makalagpas siya ng DLSU Manila, palakas ng palakas ang tibok ng puso niya hanggang sa may matanaw siyang balingkinitang babaeng naglalakad sa gilid ng kalsada.

Despite the blurry glass of his car due to heavy rain, Hermes was able to tell that it is Jane. Before he could even park his car, Jane lost her balance and fell unconscious on the ground.

"JANE!!!" He called out with horror on his baritone voice.

***

NAALIMPUNGATAN si Jane ng maramdaman ang kiliti sa kanang bahagi ng kanyang leeg, binuksan n'ya ang mga mata para lang matigilan ng makita si Tyler na nakayakap sa kanya habang mahimbing na natutulog sakaniyang tabi at pilit na sinisiksik ang gwapo nitong mukha sa leeg n'ya.

Luring The Cold Hearted Billionaire.Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora