"Your secretary looks hungry Mr. Montega— "

"She's not."

Napakagat ng pang-ibabang labi niya si Jane ng mabilis pa sa alas-quatrong sumagot si Tyler. Nakakahiya!

"Wait here." Sabi sa kaniya ni Tyler na tahimik niyang kinatango.

"Y'all can go to the deck first. I'll follow you for a moment." Kausap nito sa mga lalaki bago muli siyang hinarap. Hinintay muna nitong makaalis ang mga lalaki bago nito hinuli ang kanang pulsuhan niya at hatakin siya pabalik sa mga stool ng iba't ibang pagkain.

Napalunok si Jane nang may mamuong kongklusyon sa utak niya, "I-I'm not— "

"Hermes! —"

"Fuck!" Malakas mura ni Tyler bago pabagsak na binitiawan ang kamay niya. "Stay here." Pinal na utos nito sa kaniya bago siya iniwan para lumapit sa babaeng nakakulay itim na dress na sumigaw kanina.

Hermes? Naputol ang katanungan sa isipan ni Jane ng mapagtantong iyon din ang babaeng pumasok sa opisina ni Tyler kahapon. At marahil iyon din ang babaeng kahalikan nito noon sa loob ng opisina nito.

Agad siyang nakaramdam ng panliliit ng makita ang magandang anyo ng babae kasabay non ang paninikip ng dibdib niya nang mapanood kung paano ito hatakin ni Tyler papasok sa loob ng isang pinto.

Anong gagawin nila? Bakit kailangan niya akong iwan dito?

Tumingala si Jane para pigilan ang nagbabadyang pagtulo ng mga luha niya. "'Wag kang iiyak, okay pa diba? Okay ka pa."

***

Napatingala si Jane mula sa pagkakayuko. Nakaupo siya sa sulok ng mga stool, hinihintay na balikan siya ni Tyler, napatingala siya nang may isang pares ng itim na stilettos ang huminto sa harapan niya. Napalunok si Jane at dali-daling napatayo ng makitang ang babae iyon na kasamang pumasok ni Tyler sa isang kwarto kanina. Nahihiyang muling yumuko si Jane para hindi masalubong ang mataray na mga mata ng babae. Maganda ito, at sumisigaw ng karangyaan ang postura ng babae, walang-wala siya dito.

Ito ba ang mga tipo ni Tyler? Babaeng gaya nito nasa marangyang estado ang pamumuhay, hindi gaya niyang kulang na lang ay isang kahig isang tuka.

"Go home, if meron ka man non. He doesn't need you anymore here, he has me. Kung may kailangan siya, ako na ang magbibigay. Your boss doesn't need you here anymore so better go back home na lang."

Kagat-kagat ang pang-ibabang labing marahang tumango si Jane habang pigil ang mga luhang gustong tumulo mula sa kaniyang mga mata.

The woman's presence is scaring her, she's too intimidating.

"Good." Anito. Akala ni Jane ay aalis na ang babae pagkatapos non, pero parang binuhusan siya ng malamig na tubig ng kunin nito ang atensyon ng isang janitor at sa lakas ng boses nito ay kulang na lang lahat ng tao sa loob ng mall ay pagtinginan siya.

"Clean her standing place once she leaves. She looks like she'll leave a dirt everywhere she stayed, so cheap." The woman looked back at her after approaching the Janitor. "The way you look at him, says it all. He's mine, and he will never be someone else's guy. Better stop dreaming. Sekretarya ka lang, umakto kang sekretarya."

"Sekretarya ka lang, umakto kang Sekretarya"

"Hoy miss! Kanina pa 'ko salita ng salita dito! Magbabayad ka ba o hindi?!" Napatalikwas ng tingala si Jane sa konduktor ng Bus nang sigawan siya nito.

Napakurap-kurap siya ng makitang nasa taft avenue sa tapat ng STI college na ang bus, dali-dali niyang kinalkal ang bag niya para hanapin ang pitaka niyang pinagdadasal niyang sana ay may laman pa. Dumagundong sa kaba ang dibdib ni Jane ng mapansing wala ang wallet niya sa bag niyang dala. Mukhang nakalimutan niya yon sa school bag niyang nasa opisina ni Tyler. Kagat-kagat ang pang-ibabang labing nag-angat ng tingin si Jane sa konduktor ng bus, agad namang napapalatak ang konduktor ng maintindihan ang kislap ng mga paiyak na niyang mga mata.

Luring The Cold Hearted Billionaire.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon