I shook my head and stand up to fix the bed. It's okay, Danzelle. You can trust him. You'll be safe.

You just have to go with the flow.

___________________________________

Pagkalabas ko ng kwarto may naririnig akong ibang boses. Boses ng babae. "... right away, sir. Na-contact ko na po yung mga na-hire kong magbabantay nung bagong bahay. They'll be here in an hour." Nagtago ako sa likod ng pader at sinilip yung usapan ni Zedri at nung babae sa salas.

"Thank you so much, Irene. I am really lucky to have you." Sabi ni Zedri tapos napahinga siya ng maluwag.

Bigla namang nalukot yung tyan ko sa narinig ko. I don't even know why. Basta ang mga pumapasok sa utak ko ay may relasyon yung dalawa. Girlfriend niya yung babaeng kausap niya. Bakit parang nadismaya ako bigla? Alam ba niyang dito ako tumutuloy kay Zedri? Napailing ako. Babalik sana ako sa kwarto kaso bigla akong nakita ni Zedri.

"Hey, don't be scared. Come." Pagyaya niya sa akin. Nakita kong lumingon din yung babaeng kinakausap niya. I hesitate for a moment, but then he called me again. "Danzelle. Come here."

Feeling ko para akong bata na sobrang hiya sa sarili dahil sa bisita. Pero no choice na ako kundi lumapit sa kanila. Dahan-dahan akong pumunta papalapit sa kanila, and I'm trying not to meet their gaze. Nanatili lang sa sahig yung paningin ko.

"Irene, here's Danzelle. She's the one that I'm talking about." Sabi ni Zedri. Unti-unti kong tiningala yung Irene at nakita ko kung paano siya ngumiti. "And Danzelle, meet my secretary, Irene." Unang nagbigay ng kamay si Irene at inabot ko naman ang sa akin para sa isang handshake.

So, secretary lang pala?

Sabay kaming kumain ni Zedri habang si Irene naman ay nakaupo sa sala at busy sa cellphone niya. "Danzelle." Tawag ni Zedri sakin kaya tumingala ako. Muntik ko nang malaglag yung kutsara ko nung makita ko yung mga mata niya.

Mga mata niyang parang natatakot. "I will make you happy." Sabi niya tapos hinawakan niya yung kamay ko. I felt my cheek burn and I know I'm already blushing. Yumuko ako.

I will make you happy. It seems impossible to happen, yet I still hope it would. Someday.

Haunted PastWhere stories live. Discover now