“Wag nga kayong magulo.” Inirapan lang sila ni Bea. “Akin na yung three-fifty nang matapos na.”

“Ang sungit mo naman. O, eto na.” Inabot ni Lester yung 350 pesos kay Bea. “Yung masarap na masahe ah!”

“Ikaw Dj, anong nabunot mo?” -Seth

“Master and angel.” Tapos biglang nanlaki yung mata niya. “SEVEN THOUSAND PESOS?! Anong kalokohan ‘to?!?”

“T-teka. Hindi ko rin alam yan.” Lumingon ako para magtanong sa isang member. “Ate Thessa, ano po yung master and angel coupon?”

“Ganito yan, ikaw yung angel at siya naman yung master.” Sabi niya sabay turo kay Daniel.

“Hindi ba dapat devil and angel kapag ganun??” Singit ko. Tinitigan lang ako ng masama ni Daniel.

“Basta simula bukas, kung anuman ang hilingin ng master, ibibigay ng angel. Isang linggo ang duration ng coupon na yan. Kaya seven thousand pesos dahil one thousand pesos per day ang services ng angel.”

“Ano?! Kailangan ko siyang pagsilbihan sa loob ng isang linggo?!” O_________O

“Yup!” Tumingin siya kay Daniel. “Congratulations! You just won our grand coupon. That’ll be seven thousand pesos!”

Napangiti na lang si Daniel. Hindi ko gusto yung ngiti niya. Yung evil smile na naman yung nakita ko. Kinuha niya yung wallet niya tapos naglabas siya ng pera at inabot yun kay ate Thessa. Hindi ako makapaniwala. May 7000 pesos siya sa wallet niya?! Ano ba yung 100 sa kanya? BARYA?!

“This is exciting. See you tomorrow, Kathryn!” Kinindatan ako ni Daniel sabay alis.

This can’t be happening to me!!! I’m Batman’s Property…

AGAIN!

Grabe lang! Ganito na ba ako kamalas at pagmamay-ari na naman ako ng Daniel Alcantara na yun?! Sobrang sira na yung buhay ko! Hindi pa nga nagtatagal masyado yung pagkalaya ko sa kanya tapos bukas alila na naman niya ako?? HUHUHUHUHU. Why is this happening to me?! T_____________T

Kinabukasan, biglang may tumawag sakin na unknown number pagkatapos ng Philo class namin.

“Hello?”

“Nasan ka? Pumunta ka sa tambayan ngayon na! ‘Wag mong sayangin yung isang libo ko ngayong araw!”

“Daniel??” Nahalata ko na agad yung mapag-utos niyang pananalita. “Pano mo nalaman number ko?”

“Magaling ako eh. Bilisan mo na hoy! ‘Wag kang tumakas sa trabaho mo. Kapag wala ka pa within 5 minutes, babawiin ko yung pera ko!” Tapos binabaan na niya ko. ‘Di rin masyadong bastos noh? Kahit kailan talaga. Hindi na magbabago yung Batman na yun. Hmp!

“Ano na girl? Hindi pa rin nawawala yung masamang espiritu na sumapi sa Daniel na yun?” Tanong ni Bea sakin.

“Nako ‘te, habambuhay na yung ganun! Hay nako, nakakaloka talaga siya! Una na ko ah? Binigyan ako ng time limit eh. Epal talaga.”

Nagmadali akong iwan si Bea at tumakbo na ako papuntang Rada. Isipin niyo galing pa akong Urdaneta. Nakakainis! Sobrang haggard ko na. Bakit kasi kailangang within 5 minutes pa?? Hindi ba pwedeng 10 minutes?!

Pagdating ko sa tambayan nila, nakita ko si Daniel na nakatingin sa relo niya na parang nagbibilang pa.

“Four minutes and thirty-seven seconds. Hmm. Not bad.” Aba, anak ng tokwa! Inorasan pa talaga ako?! “Meron ka pang twenty-three seconds para magpahinga.. Ayan, eighteen seconds na lang.”

Hinintay pa niya talagang matapos yung 18 seconds bago siya nagsalita ulit. Napatitig na lang ako sa kanya in disbelief.

“Gusto ko ng kahit anong pasta. Bilhan mo kaming lahat. Pati iced tea, yung large na. Bilis!” Utos niya.

Lumapit ako sa kanya tapos pinakita yung right palm ko.

“O, ano yan?” -Daniel

“Pera mo. Akin na.” Binigyan niya ako ng 500 pesos tapos umalis na ako.

Biglang lumapit sakin si Katsumi habang palabas ako ng pintuan. “Kathryn, samahan na kita.” Tiningnan ko lang siya. “Hindi mo yun mabubuhat lahat.”

Ngumiti ako. “Sige.”

Tinulungan ako ni Katsumi sa pagbuhat ng mga pinabili ni Daniel. Bumalik na kami sa tambayan nila pagkatapos nun. Pagdating sa tambayan..

“Bakit apat lang ‘to?” Tanong ni Daniel sakin.

“Eh diba apat lang naman kayo?”

“Nasan yung sa’yo? Hindi ka kakain?” WOW. As in wow! Ngayon lang ako nakarinig ng concern mula sa kanya. Totoo ba ‘to?! Hindi ako naka-react dahil na-shock talaga ako sa sinabi niya. “Baka sabihin mo hindi kita pinapakain. Mabait akong master. Kailangan inaalagaan din yung angel ko, diba?” Sabi niya sakin sabay kindat.

Wtf. Anong problema nito? Bigla bigla na lang siyang magkakaron ng concer ngayon? Eh wala naman ‘tong pakialam sakin dati!

“Hay nako. Ako na nga bibili ng pagkain mo! Diyan ka lang.” Sabi niya sabay alis. Seryoso, anong nangyayari sa mundo ngayon??

Bumalik na si Daniel after a few minutes. Pagbalik niya, may dala siyang burger, fries, pati chicken with rice. Tapos nilapag niya yun lahat sa harap ko.

“O ayan ah! Magpakabusog ka. Ubusin mo yan lahat. Ayoko ng may tira. That’s an order.”

Nanlaki yung mata ko sa nakita ko. O______O  “Niloloko mo ba ako? Ang dami kaya nito! Hindi ako malakas kumain!”

“Wala akong paki. Basta ubusin mo yan.”

HOMYAGAAAD. Are you kidding me?!? Wala man lang panulak?! Natawa na lang sina Seth at Lester sakin. My gaaaaaaaad. This is torture! Huhuhuhuhu. Don’t tell me isang linggo kaming ganito?! Someone save me please. T___________T

I'm BATMAN's PropertyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon