Binalingan ko muna ng tingin ang tatlo bago ko napagpasyahang bumaba muna para uminom ng malamig na tubig. Dahan-dahan akong bumaba sa kama ko tsaka ko sinilip ang oras sa maliit na relo na nakapatong sa lamesang katabi ng kama ko. Alas tres na pala ng madaling araw. Isinuot ko ang tsinelas ko tsaka ako dahan-dahang lumabas ng kwarto ko. Kagaya dati ay madilim na paselyo ang unang bumungad saakin. 

Hindi na ako nag abala pa na buksan ang mga ilaw dahil pumapasok din naman sa buong bahay ang liwanag na dala ng malakas na pagkulog sa labas. Nang makababa na ako sa hagdan ay dumeretso na ako agad sa kusina para kumuha ng tubig. Napahinto lang ako sa akma kong pagpasok sa kusina ng makita ko ang pigurang nakatayo ngayon sa dulo ng lamesa. Tignan mo nga naman. Mukhang maaga pa atang mang e-epal sa buhay ko ang babae na 'to ah. 

Hindi ko nalang siya pinansin at nagpatuloy nalang ako sa paglalakad para kumuha ng tubig. Sa tingin ko ay hindi narin naman ako makakabalik sa pagtulog kaya magtitimpla nalang rin ako ng kape. Hindi siya umimik at tahimik niya lang din akong pinanuod. Himala, ang tahimik ata ng babae na 'to ngayon. Narealized niya naba na mali ang disesyon niyang pumasok sa paaralan na'to? Hindi pa nga siya nakaabot ng isang linggo dito eh.

Nang matapos ako sa pag timpla ng kape ay naglakad nalang din ako papunta sa pintuan. Mabuti naman pala ata mukhang wala sa mood mag epal ang babae na'to ngayon. Akmang lalabas na sana ako ng pintuan kung hindi lang siya nagsalita. Okay fine. I'm wrong.

"Akala ko pa naman professional ka pagdating sa misyon mo Salvatore. But it turned out, you're just flirting with the Alpha. Hmm. I'm pretty sure the head of Zapero Organization will be very disappointed once they find out." Saad niya na ikinairap ko nalang. Sigurado akong kay Azeya na naman niya nakuha ang tsismis na 'yan. Nilingon ko siya tsaka tinaasan ng kilay.

"So?" Bored na saad ko na ikinabura ng ngiting nakapaskil sa mukha niya. "Pakihanap ng paki ko. Nawawala na naman e'." Sigunda ko tsaka siya inirapan.

"I will ruin all your plans, Salvatore." Galit na saad niya and this time, ako naman ang napangisi. Galit na siya agad? Ilang salita pa nga lang ang kumawala sa bibig ko eh.

"Okay," Oh. Baka may pumalag na naman diyan. Sinabi ko ng ipinanganak akong walang pakialam sa mundo kaya hindi ko na kasalanan kung bakit ganito ako magsalita. I got my parents' genes to be blamed for that. Dahil nga wala akong balak patulan pa ang isang 'to ay tinalikuran ko nalang siya. 


"A day without a deadly adventure. This is hell." Bulong ko habang nilalaro ko ang tatlong dagger na hawak ko ngayon. Kagaya ng palagi kong ginagawa tuwing gabi ay nakaupo na naman ako ngayon dito sa mataas na puno kung saan nakikita ko ang border line ng Night Blood Village at ng Skyline Village. This is my duty as the guardian of this hell kaya naman kahit wala namang madugong labanan na nangyayari ngayon sa pagitan ng mga bampira at tao ay kailangan ko paring mag bantay.

"Mukhang wala namang pasaway na bampira ngayon. Makauwi na nga lang." bumaba na ako mula sa pagkakaupo ko sa sanga nitong punong kahoy tsaka ako tahimik na naglakad ulit pabalik sa Skyline Village. Habang naglalakad ay hindi ko mapigilang hindi mapabuntong hininga. This day sure is dull and plain. No vampires. No bloody game. No deadly adventures. My own definition of hell. Tsk.

Napahinto ako sa paglalakad ng matanaw ko hindi kalayoan ang madilim na tunnel na lagusan papuntang Night Blood Village. Bakit kaya hindi na naman lumabas sa lungga niya ang lintik na Kleinhaus na 'yon? Gusto niya ba na ako nalang palagi ang sumugod sa lungga niya? Hindi ko din nakita ang ni kahit anino ng President na 'yon ngayong araw. Galit kaya siya dahil hindi ko siya sinunod kagabi na layuan si Sebastian?

Nang makauwi ako ay tulog na ang lahat. Patay narin ang mga ilaw kaya dumeretso nalang din ako sa kwarto ko. Napairap ako ng mapadaan ako sa kwarto ni Vera. Today is her first day of class and sadly, wala akong nabalitaan na kamuntik ng pumatay sa kaniya sa unang araw niya hindi kagaya no'ng nangyari saakin no'ng first day ko dito. Ang lame naman ng buhay niya.

NIGHT BLOOD UNIVERSITYWhere stories live. Discover now