"Seriously, Hyrreti? Magugunaw na ang mundo wala ka paring alam sa mga nangyayari sa paligid mo!" Naiiling na sermon saakin ni Demiana tsaka niya tinanguan si Xy para sabihing siya na ang magsabi saakin ng balita.

"Ano pa nga bang inaaahan mo sa babeng 'yan? Ni hindi nga niya alam noon na magkakaruon pala ng audition for guardian of the night e'. Gumamit ba naman ng ballpen bilang pandepensa." Natatawag pang-eepal naman ni Xy na ikinatawa nalang din ng dalawa. 

"There will be a new student coming. We don't know if it's true or not but base on the rumor spreading, she's highly qualified in the X list too." Nangunot ang noo ko sa narinig. A new student? She? That means a girl? Whoa! That really is big news. Kaya pala kanina pa nag bubulongan ang mga estudyante na nandito din sa Dining de Night dahilnarin  siguro sa balita na 'yon. Napailing ako saka ko seryusong itinuon ang paningin ko sa kinakain ko.

Mukhang may idea na ako sakung sino ang magiging bagong estudyante ng impyerno na 'to ah. That old man, he really is a short temper af, huh? I told him not to meddle in my mission, didn't I? Pero mukhang hindi talaga nakikinig ang matnda na iyon. If ever na hindi siya sumunod sa usapan namin, hindi ako mag dadalawang isip na isunod siya sa mga lahi ng bampira na 'yon. 



"Ayan! Diyan na lalabas ang multo!" Tili ni Demiana habang nakasiksik siya kay Veine ngayon.

Napailing nalang ako tsaka ko ulit walang gana na itinuon ang paningin ko sa pinapanuod naming horror movie ngayon. Wala naman sana sa plano ko ang samahan silang manuod kaso ang tatlo na 'to. Pagtulongan daw ba akong hilahin palabas ng kwarto ko kanina. Wala na tuloy akong nagawa kundi ang makisali sa kanila. Tsk. 

"Lame." Saad ko ng bigla nalang sumulpot sa eksena ang multo na sinasabi niya. Napatili naman silang tatlo tsaka sabay na napatakip sa mga mata nila. Seriously? Bakit ito pa ang pinapanuod nila kung tatakpan lang din naman pala nila ang mga mata nila? 

"Ugok naman kasi. Bakit natingin sa harapan e' nasa likud naman palagi ang multo." Isinandal ko nalang ang ulo ko dahil nagsisimula na akong mapikon sa pinapanuod namin. Kaya ayaw kong nanunuod ng mga ganitong uri ng palabas e'.

"Hoy! Hyrreti umalis kana at maglibot—-"

"Oo na!" Tumayo na ako tsaka ko kinuha ang jacket ko. Kahit tapos na ang bloody week ay kailangan ko paring maglibot tuwing gabi dahil nga sa role ko bilang guardian ng eskwelahan na 'to.

Tahimik akong nag libot-libot sa border ng Skyline Village. Wala naman akong bampira na nakasalubong. Napabuntong hininga ako ng mahagip ng paningin ko ang madilim na tunnel na siyang nagsisilbing lagusan papuntang Night Blood Village. 

'Nakabalik na kaya ang paniki na iyon?' Napailing nalang ako sa naisip. Why would I even care? It's been two weeks already at hindi man lang siya nagpakitao nagparamdam man lang. Mukhang hindi nga isang simpleng bagay lang na mawalan siya ng kontrol sa sarili niya. As expected from a royal blooded vampire like him. Hindi talaga siya kagaya ng mga nrmal lang na bampira.

Magpapatuloy na sana ako sa paglalakad nang mapahinto ako dahil bigla nalang sumulpot sa harapan ko ang isang babae na kagaya ng dati ay nakangiti na naman ngayon ng abot tenga. Tinaasan ko siya ng kilay. Anong ginagawa dito ng babaeng 'to? 

"It's been a while, Salvatore." Bati niya na hindi ko na tinugonan. I just give her a questioning look dahil wala ako sa mood magsalita ngayon. Well, palagi naman akong wala sa mood magsalita.

"Let's talk somewhere else," Hindi na ako nakatanggi pa ng lumapit siya saakin tsaka niya hinila ang siko ko. Sa isang iglap ay nandito na kami kaagad sa loob ng isang hindi gano'n ka kalakihang bahay. Inilibot ko ang paningin ko at namangha ako sa disenyo ng bahay na 'to. Maliit lang ito ngunit halatang mamahalin ang mga bagay na makikita sa bahay na ito.  Ibinaling ko ang paningin ko kay Lauvrene ng maglakad siya papunta sa isang kulay pulang sofa tsaka siya naupo doon bago siya ulit tumingin saakin.

NIGHT BLOOD UNIVERSITYWhere stories live. Discover now