Scream 19

1.1K 79 16
                                    

SILENT SCREAM
By Its_Daphii

Dedicated to Silent Scream production <3

----

Marian's POV

Habang nakatanaw sa mga nangyayari sa baba, hindi ko maiwasang mandiri. Kitang-kita ko kung paano putulin ang iba't ibang parte ng katawan ng mga kaibigan ko pero hindi ko man lang sila magawang tulungan.

Unti-unting nagiging pula ang tubig ng pool dahil sa dugo ni Pamela. Pinapanood ko lang sya habang sya ay nalulunod. Narinig kong bumukas ang pinto ng rooftop at nadatnan ko si Kath na palabas na rito.

"San ka pupunta?" Tanong ko.

"Tutulungan ko sila." Sagot naman nya.

"Ano ka teh? Superhero? Delikado masyado teh." Singit ni Rein sa pagitan ng usapan namin.

Nginitian lang kami ni Kath at saka lumabas na ng rooftop. Kahit takot na takot ay sumunod ako sa kanya.

"Marian?! Ikaw rin?!" Sigaw sakin ni Rein.

"Anong gusto mong gawin ko Rein? Pinatay nya ang isa sa mga kaibigan ko. Ayokong mawalan pa ng isang kaibigan!" Tumakbo nako palabas at dali-daling pumasok sa elevator. Nadatnan ko ang gulat na gulat na si Kath dahil siguro hindi nya inaasahan na susundan ko sya.

"Akala ko matitiis mong makita sa ganun sitwasyon sila Cindi." Ani Kath.

"Mahina ako. Pero dahil sa ginawa nya sa mga kaibigan ko ang magbibigay ng lakas sakin para labanan sya." Saad ko.

Dumiretso kami ni Kath sa lugar kung nasaan sila Marwin at ang mga killer. Napatingin sila sa direksyon namin nang dumating kami.

"Meron pala tayong mga bisita." Saad ng killer na nagpahirap sa mga kaibigan ko.

"Hindi mo man lang ba kami i-wwelcome, Ej?" Ani Kath habang nakangisi.

"Hahahaha! Welcome sa inyo. Nagustuhan nyo ba ang palaro ko?" Tanong ng killer.

"Gustong-gusto. Sa sobrang pagkagusto namin, parang gusto ka na naming patayin." Kath.

"Whoah. Hahahaha. Nakakatakot." Sarcastic na sagot ng killer.

Nakita kong napayukom ang kamay ni Kath at susugudin na sana ang killer nang pigilan ko sya.

"Kath. Kumalma ka." Saad ko. Kumalma naman sya at nakita nalang namin na nakalapit na ang killer kay Cindi.

"Bbye..Cindi. Hahahahahah!" Tinulak nya si Cindi sa pool at kitang-kita ko kung paano malunod ang kaibigan ko.

"Cindi!" Sigaw ko. Napatingin ako sa killer at ngayon naman ay nasa harapan sya ni Hikari.

"Sige. Subukan nyong lumapit. Mawawalan pa kayo ng isang kaibigan." Aniya.

"Aaaaaaaaaarrrghhhhhh!!! Tama na!! Ayoko na!!!!" Rinig naming sigaw ng isang killer. Hawak hawak nito ang ulo nya na para 'bang nababaliw. Napaupo pa sya sa sahig at maya-maya ay kumalma na. Tumayo sya at kinuha ang palakol nya at saka dahan-dahang naglakad papalapit samin.

"Wag mo na silang intindihin, EJ. Ako na ang papatay sa kanila." Saad nito.

"Ano, Andrei? Papatayin mo rin ako?" Tanong ni Kath.

"Traydor ka. Kaya kailangan mo nang mawala." Sagot nito at mabilis na tumakbo palapit samin

"Marian. Takbo na." Saad ni Kath.

"Ano? Ayokong iwan ka dito!" Ako.

"Pero kailangan! Takbo na!" Sigaw nya kaya umatras nako at mabilis na tumakbo palayo. Hindi ko na sya nagawang lingunin dahil sa bilis ng pagtakbo ko.

"Marian?! Bat ka tumatakbo?!" Nakasalubong ko si Rein sa daan na mukhang papunta sa pool kung nasaan ang mga killer.

"Halika na Rein! Kailangan natin magtago!" Saad ko.

"O 'bat tayo magtatago?! Kala ko ba strong ka?!" Bulyaw nya sakin.

"Basta! Tara na!" Sigaw ko at dumiretso sa isang building na pinaka-malapit samin.

Pumasok kami sa isang kwarto at saka ito nilock.

Napaiyak nalang ako nang maalala ko si Cindi at Pamela.

Hanggang sa huli, mahina parin ako.

Mj's POV

Suot-suot ang costume namin ay lumabas kami ng kwarto at nag-ikot-ikot sa Resort para i-enjoy ang nangyayaring event. Sobrang ganda ng pagkaka-organize sa event na'to. May nadaanan pa kaming mga nakasuot ng katulad ng costume namin at kunwaring pinuputol ang mga binti at braso ng mga biktima nila. Ang galing lang. Parang totoo. Hahahaha.

"Babe. Nagugutom nako." Saad ko kay Nicole kaya't dali-dali naming hinanap ang kainan dito sa Resort. Pumasok kami sa isang building at mukhang walang ka-tao-tao dun kaya't dumiretso kami sa kusina para kumain. Pagdating namin dun ay may nadatnan kaming nakaupo sa isang table habang kumakain. Tinanggal ko muna ang maskara ko para naman makausap ko sya nang maayos.

"Uhm. Excuse me? Kanino kami oorder ng pagkain dito? Wala kasing waiter?" Tanong ko kaya't napalingon sya sa amin ni Nicole.

Nanlaki ang mga mata nya at dali-daling tumayo at saka umatras.

"W-Wag kayong lalapit. Sasaksakin ko kayo ng tinidor." Tinaas nya pa ang tinidor na hawak nya at bigla nalang kumaripas ng takbo palayo. Hays. Ang weird?

Dinielle's POV

Pinatulog ko nalang muna si Jennie sa kwarto at saka lumabas ng building. May narinig akong sigaw sa di kalayuan kaya tinignan ko ito at nakita ko nalang ang pugot na ulo ni Kath sa gilid ng swimming pool. May dalawa 'ring killer na nagtatawanan dahil sa pagkamatay ni Kath at sa mga nakataling katawan ni Marwin at Hikari.

Tinalikuran ko nalang sila at saka naglakad palayo. Ayokong makita ang kung ano mang gagawin nila sa dalawa ko pang kaklase.

Kinuha ko ang blade sa bulsa ko at saka paulit-ulit na nilaslas ang pulso ko. Kahit ilang beses kong sugatan ang sarili ko ay di parin ako mamatay-matay. Dumiretso nalang ako sa kwarto ni Jennie para bantayan sya. May binabalak ako ngayong gabi at kailangan ko ng pahinga.

----

Paggising ko ay nadatnan kong wala na si Jennie sa tabi ko. Shit. Nasan na yung babaeng yun? Chineck ko ang bawat sulok ng kwarto at nagbabakasaling nandito lang sya sa loob ngunit hindi ko sya makita. Hays. Kung saan-saan na naman nagpupupunta ang babaeng yun.

Napangiti ako nang may maalala ako. Alam kong magiging safe sya kahit saan sya magpunta.

Lumabas nako ng building at napansin kong madilim na. Chineck ko ang oras sa phone ko. Alas-sais na pala ng gabi. Sobrang dilim na agad at mukhang uulan pa.

Dumiresto ako sa pool area at mabilis na hinubad ang pantaas at pambaba ko. Agad akong tumalon sa pool na punong-puno ng dugo at saka nag-swimming.

Ito naman talaga ang pakay namin sa Resort na'to. Ang magpakasaya.

Nag-pa-lutang-lutang ako sa pool kasama ang mga bangkay ng kaklase ko.

"Uy guys! Paunahan mag-swimming hanggang dulo. Ang matalo manlilibre ah! Hahaha!" Saad ko at saka nakipag-laro sa kanila. Kinuha ko ang pugot na ulo ni Marwin at ginawa itong salbabida pero lumulubog lang ito. Aish.

Umahon nako sa pool at nakita kong may killer na papalapit sa direksyon ko. Dali-dali kong kinuha ang kutsilyo sa dala kong bag at tinapat ito sa puso ko.

Hindi mo ko mapapatay.

At tuluyan nang nagdilim ang lahat.

End of chapter 19

--

A/N

Opo. Si Lloyd yung nasa kusina na nadatnan nila Mj. Hahahaha. Incase lang kasi baka mamaya isipin nyo si Jennie yun. Lols. Nagugutom rin si Lloyd, hindi lang si Jennie. Haha.


Silent ScreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon