Scream 16

1.1K 91 21
                                    

SILENT SCREAM

Rank #25 in horror

Dedicated to BtsXJanseen

----

Hikari's POV

Alas syete na ng umaga. Andito parin kami sa imburnal. Tinitigan ko ang nanghihinang si Ar. Wala pakong sugat maski isa kaya hindi ko alam kung ano 'bang nararamdaman nya.

"G-guys.." Ani Ar Ar na tila ba hinang-hina.

Napatingin naman sila Cindi sa kanya. Pare-parehong nanghihintay sa sasabihin nya.

"Iwanan n-nyo nako dito.." Pagpapatuloy nya. Walang nagsalita ni isa sa'min kaya't nagpatuloy sya sa pagsasalita.

"M-mamamatay na rin naman a-ako.." Aniya.

"Ar wag mong sabihin yan. Mabubuhay ka. Sabay-sabay tayong makakaalis dito." Saad ni Marwin.

Binigyan nya lang kami ng isang ngiti. Isang ngiti na para 'bang namamaalam.

"Tanggap ko na.. hindi ko na kaya. Hinang-hina nako. G-guys.. mahal ko kayo.. iwanan nyo nako dito.." Kitang-kita ko ang hirap sa mukha ni Ar. Naging kaibigan ko narin sya sa mahabang panahon. Sobrang sakit sa'kin na makita sya na nag-kaka-ganito.

Nagkatinginan kaming apat. Hindi namin alam kung ano 'bang dapat gawin.

"W-wag kayong mag-alala.. andito lang ako. Palagi.." Saad nya. Muli nya kaming binigyan ng isang ngiti at saka pumikit.

"Ar?" Ani Cindi. Hindi na muling bumukas ang mata ni Ar at nang hawakan ko ang pulso nya ay wala nakong maramdamang tibok dito.

"Wala na si Ar. Wala na yung kaibigan na'tin." Saad ko habang maiging nakatingin sa bangkay ni Ar.

Walang umimik nang pagtapos kong magsalita. Ang hirap tanggapin na may isa na namang nawala samin dahil sa pesteng killer na gusto kaming patayin lahat. Niyakap ni Pamela ang bangkay ni Ar at saka nagsalita.

"Ar Ar. Mamimiss kita.. mamimiss ka namin.. pano na yan? Wala ka na.. wala nang kukuha ng magandang litrato sakin. Enjoy ka lang kung san ka pupunta ah? Mahal ka namin Ar.." Ani Pamela. Pinigilan ko ang luha ko sa pag-tulo. Nasasaktan ako.

Ilang minuto kaming nasa tabi ni Ar. Sinusulit ang natitirang oras na kasama namin sya. Maya-maya pa ay nag-yaya na si Marwin na maglakad ulit. Mabigat sa loob ko na iwanan nalang ang bangkay ni Ar Ar dito sa imburnal pero kailangan.

Hinalikan ko sya noo at saka tumayo na at naglakad palayo.

Maililibing ka namin sa maayos na libingan, Ar. Pangako.

Habang naglalakad kami ay sobra kaming naging maingat sa bawat hakbang namin dahil medyo madulas na sa parteng nilalakaran namin. Maya-maya pa ay may natanaw kaming liwanag kaya dumiretso kami doon.

"Dead end na, guys. Ito na yung daan palabas." Saad ni Marwin.

"Omg! Makakalabas na tayo! Gosh!" Ani Cindi.

Medyo maliit ang lalabasan namin kaya kailangan naming tumungo para tuluyan kaming makalabas.

Pinauna namin ang mga babae at saka naman kami sumunod ni Marwin. Sobra akong natutuwa dahil sa wakas ay makakatakas na kami sa taong gusto kaming patayin. 

Paglabas ko ng butas ay pinagmasdan ko agad ang lugar na pinaglabasan namin.

Puro puno lang ang nakikita ko--at iilang bahid ng dugo sa lupa.

Kung hindi ako nagkakamali, ito ang magubat na parte ng Resort nila Aki. Hindi pala talaga kami makakaalis sa Impyernong 'to.

Rose Ann's POV

Hawak-hawak ang kutsilyo na nakuha ko sa daan, pinagsasaksak ko ang nakakaawang si Prince.

Nagtatalsikan sa'kin ang sumisirit nyang dugo. Lalo akong natuwa kaya binaon ko pa ang kutsilyo sa katawan nya. Isa syang traydor kaya kailangan nya nang mamatay.

Nang malagutan na sya ng hininga ay tska ko tinigil ang pagsaksak sa kanya. Tumayo ako at naghanap ng cr para maghugas ng kamay.

Nang may matanaw akong cr na medyo malapit sa kinalalagyan ko ay dumiretso ako dun at nagulat ako nang makita ko ang pugot na ulo ni Lexie sa sahig. Nakakalat din ang pira-piraso ng utak nya pati na rin ang kanyang dugo. Tinitigan ko ang bangkay nya at hindi ko maiwasang mandiri dito.

Pumunta nalang ako sa lababo at dali-daling naghugas ng kamay. Maya-maya pa ay may narinig akong kumaluskos mula sa isang cubicle kaya kinuha kong muli ang kutsilyo sa bulsa ko at binuksan ang bawat pinto ng cub.

"Shiela?" Saad ko nang marating ko ang huling cubicle at madatnan ko si Shiela na takot na takot na nakaupo sa bowl.

"R-Rose Ann.." Aniya nang makita nya ko. Napatitig sya sa kutsilyong hawak ko at pagtapos naman ay sa damit kong puro bahid ng dugo.

"Ah eh mali ka ng iniisip! Hindi ako killer! Pinatay ko lang si Prince dahil gusto nya kong patayin!" Saad ko.

"B-Bakit? Bakit ka naman nya papatayin? Isa ba sya sa killer?" Sunod sunod nyang tanong.

"Hindi ko alam. Pero may sinasabi sya, kailangan nya daw gawin yun para mabuhay. Kaya bago nya pako mapatay, inunahan ko na sya."

"G-Ganun ba.." Ani Shiela at saka tumayo.

"Oo.. ikaw? Bakit puro bahid ng dugo ang damit mo?" Tanong ko.

"Mahabang usapan." Sagot nya at saka lumabas ng cubicle.

"Wala ka 'bang balak lumabas dito?" Pahabol kong tanong sa kanya. Hindi ko makita ang ekspresyon ng mukha nya dahil nakatalikod na sya sa'kin.

"Hindi ako lalabas dito hanggat alam ko na delikado sa labas. Muntik nakong mamatay kagabi at ayoko na ulit mangyari yun." Sagot nya

Hindi nako umimik at dumiretso nalang sa pinto. Ayokong pakielaman ang diskarte nya.

"San ka pupunta?" Tanong nya.

"Magpapakamatay." Sagot ko nalang sa kanya.

Tuluyan akong lumabas ng cr at dumiretso sa isang building na tinuluyan naming magkakaklase. Nagugutom nako. Wala pakong kain simula kahapon.

Pagpunta ko doon ay nagtaka ako nang makita ang mga nakakalat na bote ng beer sa lamesa. May mga pagkain din na para 'bang ginawang pulutan.

Sino naman kaya ang kumain dito?

Sobrang gulo ng lamesa. Ewan ko ba. Parang dinaanan ng gera itong kusina.

Nag-halungkat lang ako ng pagkain nang maramdaman kong may tao sa likod ko kaya naman dali-dali akong lumingon at nakita ko ang taong naka-maskarang pang-demonyo. Lumapit sya sakin habang hawak ang palakol nya. Ngumisi ako at saka nilabas ang kutsilyo sa bulsa ko.

Narinig kong tumawa ang killer at saka nagsalita.

"Palaban ka parin Rose Ann. Wala ka paring pinagbabago." Saad nya.

Kilala nya ko?

Tuluyan na syang nakalapit sa'kin at tinaas ang palakol na hawak nya.

Saksaksakin ko na sana sya nang itapat nya sa leeg ko ang palakol at tuluyan na ngang nagdilim ang lahat.

End of Chapter 16

---





Silent ScreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon