Scream 11

1.3K 99 14
                                    

SILENT SCREAM

----

Kath's POV

Naunang lumabas si Andrei ng kwartong pinasukan namin kanina at nagpahuli naman ako. Iniwan ko ang palakol sa loob ng kwarto dahil masyado itong mabigat at hindi ko 'to kayang dalin. Kinuha ko na lamang ang itak at sinilid ito sa bulsa ng coat ko kung sakali 'mang malagay ako sa panganib.

Dumiretso ako sa magubat na parte ng Resort dahil alam kong dito maraming magtatago lalo na't liblib ang lugar na'to.

Hinubad ko ang maskarang pinasuot sa'kin ni Andrei dahil masyado itong mainit sa mukha at hindi ako makahinga ng maayos. Inilawan ko ang mga dinadaanan ko at nag-babaka-sakali na meron akong makitang kaklase ko na nandito lang sa gubat at nagtatago. Narinig kong may kumaluskos sa isang puno kaya naman pinuntahan ko ito at bigo ako dahil wala nakong nakitang tao na nandun.

Nakarinig ako ng yapak ng tao na tumatakbo mula sa likod ko kaya dali-dali akong lumingon at nakita ko si Rein na tumatakbo palayo sa'kin. Hinabol ko sya hanggang sa makalabas kami sa gubat at nakita kong pumasok sya sa building na pinanggalingan ko kanina.

"Aaaaaaaaahhhhh!!! Help help! Hinahabol ako ng killer!" Sigaw nya at pumasok sya sa elevator nitong building.

"Rein! Sandali!" Sigaw ko sa kanya ngunit nang makalapit nako sa elevator ay nagsara na ito at tuluyang nang umakyat pataas. Tumigil sa 3rd floor ang elevator kaya sigurado akong doon sya nag-punta para magtago.

'Nang makabalik ang elevator sa lobby ay dali-dali akong pumasok dito at pinress ang button papuntang 3rd floor.

Shit. Akala pa ata ni Rein isa ako sa mga killer dahil sa suot at maskarang hawak ko.

Rein's POV

Nagtago aketch sa isang kwarto sa 3rd Floor. Sobra nang kinakabahan ang golden heart ko ngayon. Huhuhu. Ito na ba ang katapusan ko? Paano na kami ni Fafa Aki?

Nilock ko ang pinto at kumuha ng isang upuan para ipang-harang dito. Ayoko 'pang mamatay! Gosh!

"R-rein?" May narinig akong tumawag sa dyosa kong pangalan kaya tumingala ako at nakita ko ang chakang mukha ni Marian na nakatitig sakin.

"Marian! Huhuhuhu!" Lumapit ako sa kanya at saka sya niyakap ng mahigpit.

"Marian kilala ko na yung pumapatay! Si Kath! Si Kath yung pumapatay!" Saad ko sa kanya.

"H-huh? P-paano mangyayari yun? E diba patay na si Kath? Atska anong nangyari sayo? Bakit parang galing ka sa pagtakbo?" Tanong sakin ni Marian.

"Ang dami mo namang tanong mamsh! Nakita ko nga sya! Nakasuot  sya ng itim na coat tapos hawak-hawak nya yung maskara nyang pang-demonyo! Nung nakita ko sya tumakbo nako palayo tapos nakita kong hinahabol nya ko! Huhuhu!" Kwento ko.

"Ibig sabihin nasundan nya tayo dito?" Aniya.

"Ahmm. Oo. Parang ganun. Pero huhuhu mamsh! Im so scared!" Niyakap ko ulit sya dahil sa sobrang takot na naffeel ko ngayon.

"S-sandali. Hindi ako makahinga." Saad nya.

"Bakit mamsh?! Omg! Mamamatay ka na ba?! Wag muna mamsh!" Saad ko sa kanya na tila ba nag-aalala.

Sino nang makakasama ko pag namatay pa sya diba? Huhuhuhu.

Narinig naming kumalampag ang pinto kaya't napatingin kami dito.

"Rein papasukin mo ko!" Sigaw ni Kath mula sa labas. Tuluyan nang kinabahan ang golden heart ko dahil sa mga happenings lalo na ngayong nanganganib ang life ko.

"Rein! Papapasukin mo ko o sisirain ko 'tong pinto?!" Sigaw ni Kath.

"Ayoko 'pang mamatay 'no! Kung gusto mo patayin mo nalang sarili mo!" Sigaw ko mula dito sa loob ng kwarto.

"Rein hindi ako kalaban! Kakampi nyo ko! Papasukin mo ko may kailangan ako sabihin sayo!" Aniya.

Lumapit si Marian sa pinto at tinanggal ang mga upuan na nakaharang dito. Mukhang balak nyang buksan ang pinto at papasukin si Kath. Pero bago nya pa buksan ang doorknob ay pinigilan ko na sya.

"Marian ano ba! Hindi natin alam niloloko lang pala tayo nyan! Marami nang mapag-panggap ngayon!" Saad ko.

Ngunit hindi nya ko pinakinggan at tuluyan nya nang binuksan ang pinto. Nakita ko si Kath na humahangos at parang pagod na pagod dahil sa pagkakahabol nya sakin. Pumasok sya dito sa loob ng kwarto at tsaka nilock ang pinto.

"Rein.. Marian. Natutuwa akong makita ulit kayo." Saad nya. Hinug nya si Marian at pagtapos ay lumapit sya sakin para i-hug din ako ngunit umatras na'ko bago nya pa magawa iyon.

Nakira kong lumungkot ang mukha nya at para na syang naiiyak. Ang galing nyang umacting ha. Infairness.

"Guys. Hindi nila ko kasabwat." Kath.

"Nila?" Tanong ni Marian.

"Oo. Nila. Hindi lang isa ang pumapatay. Marami sila." Sagot ni Kath.

"At isa ka na'ron." Pag-sabit ko sa usapan nila.

"Hindi. Maniwala kayo. Hindi ako kasama sa grupo nila. Pumunta ako dito para tulungan kayo at nakita ko si Andrei.. isa si Andrei sa mga pumapatay." Saad nya.

"Omg! Si Fafa Andrei?! Hala. Crush ko pa naman yun." Saad ko. Isa pala si Fafa Andrei sa killer. Sayang naman. Hot pa naman nya. Mas hot nga lang si Fafa Aki. Hihi.

"Oo. Si Andrei. Niyaya nya ko na maging isa sa kanila. Naisip ko ito lang ang tanging paraan para mahanap ko kayo at ang iba nating kasamahan. At para narin malaman ko kung sino pa yung ibang pumapatay." Ani Kath.

"Ano nang gagawin natin Kath?" Tanong ni Marian.

"Alam ko na kung paano makalabas sa Resort na'to. Kailangan nyo nang umalis at hahanapin ko naman ang iba. Sumunod kayo sakin." Aniya.

Mukha namang katiwa-tiwala si Kath. Sumunod kami sa kanya at dumiretso kami sa elevator. Pinindot ni Kath ang button pero ayaw nito gumana. Parang sinadya yon para hindi magamit nang tuluyan ang elevator.

"Shit. Patay tayo neto." Saad ni Kath.

"Bakit, Kath?" Tanong ko.

"Mukhang pinatay ang system ng elevator at mukhang may nakakakita sa ginagawa natin ngayon." Sagot nya.

Bumalik na naman yung kaba sa golden heart ko. Akala ko makakatakas na kami sa Resort na'to pero hindi pala. Huhuhuhu. What to do?

May inilawan si Kath sa taas at nakita namin ang isang cctv.

"Tangina. Takbo." Kath.

"Huh? San naman kami pupunta?" Tanong ni Marian.

"Dumiretso kayo sa rooftop nitong building. Magtago kayo dun. Ako nang bahala sa mga mangyayari. Takbo na!" Saad ni Kath.

Dumiretso kami sa hagdan at umakyat papuntang rooftop. Sinara agad ni Marian ang pinto nang makarating kami dito sa taas. Hays. Kailan ba matatapos 'to. Hindi ko na'to keri.

Naupo nalang kami sa isang sulok. Sana naman hindi kami puntahan dito ng killer. Huhuhuhu.

End of Chapter 11

---

Silent ScreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon