Scream 7

1.5K 106 8
                                    

SILENT SCREAM
By Its_Daphii

---

Chapter 7

Cindi's POV

"Cindi. Nag-aalala na talaga ako kay Marian. Baka kung ano nang nangyari sa babaeng yun." Ani Pamela.

Nandito kami sa isang lumang kwarto ng building na pinasukan namin. Tanging lumang cabinet lang ang nasa kwarto na'to at wala nang iba pa.

"Pam. Sigurado naman akong ligtas yun si Marian. Tsaka nararamdaman ko, nasa maayos syang kalagayan." Paninigurado ko kay Pamela.

"Cindi naman e! Hanapin natin si Marian. Sige na!" Naiiyak nyang saad sakin.

"Mahal ko si Marian, ok. Syempre kaibigan na'tin yun e. Pero anong magagawa ko? Mahal ko rin naman ang buhay ko. Ayoko pang mamatay." Sagot ko.

Nakita kong lalong lumungkot ang mukha ni Pam. Tumayo sya at sumandal sa cabinet.

"Hays. Paano ba tayo makakatakas dito?" Tanong nya.

"Hindi ko rin alam." Ako.

Natahimik kaming dalawa. Parehong nakatingin sa kawalan. Nakita kong kinakalikot nya ang cabinet hanggang sa nabuksan nya ito.

"Cindi. Tignan mo." Tawag nya sakin.

"Ano yun?" Tanong ko habang nakakunot ang noo.

"Basta. Pumunta ka nalang dito." Aniya.

Tumayo ako at tumabi sa kanya.

Walang laman ang cabinet kaya kitang-kita ko ang butas nito pati narin ang pader na parang nagmukha na itong maliit na daan.

"Hindi ko alam kung saan ang labas ng butas na'to pero mukhang makakatulong sa'tin 'to palabas." Ani Pamela.

"Sigurado ka ba dyan?" Kinakabahan kong tanong sa kanya. Binigyan nya lang ako ng ngiti at nagsimulang pumasok sa loob ng butas. Wala nakong nagawa kundi ang sumunod nalang sa kanya.

Kaizer's POV

"Tangina mo! Pakawalan mo kami dito!" Sigaw ko sa lalaking dumakip sa'min. Di ko alam kung paano ako napunta sa loob ng kwartong 'to pero ang natatandaan ko lang, hinampas nya kami sa ulo ng isang matigas ng bagay.

Naka-bilog kaming tatlo habang nakatali sa sari-sarili naming upuan habang ang lalaking dumakip naman sa'min ay nasa gitna.

"Tangina ka! Sino ka ba?! Anong kasalanan namin sayo?!" Sigaw ni CK habang tumutulo pa ang dugo sa ulo nya dahilan ng pagkakahampas sa kanya ng malakas.

Tumawa lang ang lalaking naka-maskara at saka nagsalita.

"May bombang naka-tanim sa building na'to." Saad nya.

Walang nagsalita ni isa sa'min kaya nagpatuloy sya sa pagsalita. Hindi ko makilala ang boses nya dahil sa maskara na suot nya at mukhang may ginagamit pa sya para magmukhang malalim ang tono ng boses nya.

"Tatanggalin ko ang mga tali nyo. At simple lang. Sa loob ng limang minuto kailangang mawala ang dalawa sa inyo at isa lang ang matitira. Syempre kung sino ang matira, sya ang makakaalis dito ng buhay." Aniya.

Nagkatinginan kaming tatlo nila Ck at Jam. Pare-parehong kinakabahan sa mga mangyayari.

"Paano kung buhay parin kaming tatlo sa loob ng limang minuto?" Tanong ko.

"Edi sasabog kayo kasama ng building na'to! Hahahahaha!" Tumawa sya na parang demonyo. Napalunok ako sa sobrang kaba.

"Sige! Papatulan namin ang laro mo!" Ani Jam.

Silent ScreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon