Scream 2

2.8K 162 50
                                    

SILENT SCREAM

---

Chapter 2

Marwin's POV

Dala-dala ang camera ko, patuloy parin ako sa pag-vvideo nitong resort na tinuluyan namin. For sure magugustuhan ng mga viewers ko ang vlog na i-uupload ko mamaya. Ang creepy naman kasi talaga dito sa resort na'to. Parang pinag-iwanan na ng panahon. Siguro kung hindi lang 'to nalilinis, magmumukha 'tong Haunted Resort.

"Hi guys! Welcome to my youtube channel! And nandito tayo ngayon sa Miya Resort kung saan napili namin pag-bakasyonan ng mga kaklase ko."

Inangat-angat ko yung camera para ipakita yung buildings sa likod ko.

"Ayan. Sobrang scary talaga dito! Minsan guys try nyong bumisita sa Resort na'to para maramdaman nyo rin yung nararamdaman ko ano." Tumawa ako sa harap ng camera.

"Hoy Marwin! Tara na. Mag-llunch na video ka pa rin ng video dyan." Tawag sakin ni Hikari.

Tignan mo 'tong hapones na'to. Kitang nag-vvlog ako, sigawan ba naman ako.

Sinave ko nalang muna ang video na ginawa ko at tinago ang camera ko sa bag. Sumunod nalang ako sa kanya patungo sa building namin at nakita ko na nasa mahabang lamesa na ang mga kaklase ko.

"Ayan na pala si Marwin e. So kumpleto na tayo?" Aki.

"Hindi pa. 30 tayong lahat. 26 lang bilang ko." Jennie.

"Uhm. Si Lloyd. Wala pa si Lloyd." Marian.

"Oo nga 'no. Tska sila Kath wala pa. Hindi pa ba sila nakakarating hanggang ngayon? E kasunod lang natin yung sasakyan nila kanina ah." Tanong ng president naming si Phara.

"Kakagaling ko lang sa labas kanina. Hindi ko nakita yung sasakyan nila." Sagot ni Marian.

"E hayaan nyo na mga mamsh! Baka naman nag-walwal lang kung saan-saan! Alam nyo naman yern si Kath, ang hilig mag photoshoot diba!" Sagot naman ni Rein.

"Sabagay. E si Lloyd? Asan yun?" Tanong ko.

"Nagpa-iwan sa bus. Ayaw daw nyang bumaba. Tinotoyo na naman." Marian

"Hay nako hayaan nyo na! Kumain na tayo. Nagugutom nako e. Hehehe." Sabat ni Hikari.

Napailing nalang ako. Kahit kailan talaga.

---

Shiela's POV

"Aba! Sino kaya yung napatae sa upuan nya habang nag-llecture si Sir. Arven? Hahahaha!" Tawang tawang saad ni Rein.

"Hoy! Hindi ako napatae nun! Napautot lang ako pero di ako tumae!" Sagot naman ni Hikari.

"Manahimik nga kayo! May kumakain pa o! Hahahaha!" Napapatawa narin ako dahil sa usapan nila.

"Mas grabe naman yung kay Xyritch. Sumabit yung palda sa gate hahahaha! Nabutas tuloy!" Sabat ni Marwin.

"Hoy! Napaka mo! Kasalanan ko ba na ganun yung gate ha!" Sigaw ni Xyritch kay Marwin.

"Kasalanan mo kasi di ka umilag! Hahahahah!" Marwin

Napatawa nalang kaming lahat dahil sa sagutan nilang dalawa.

"Nga pala, Fafa Aki! Bakit parang hindi na masyadong nagagamit 'tong resort nyo? Sayang. Ang pretty pa naman." Tanong ni Rein.

"Malayo kasi sa siyudad kaya hindi na masyadong dinadagsa ng mga tao. Tsaka nawala narin yung ibang buildings na katabi ng Resort namin kaya nalugi rin kami." Sagot ni Aki.

Silent ScreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon