Chapter 48- The secret unfolds

Magsimula sa umpisa
                                    

" Sabi nila kapag mahal mo ang isang tao, mananatili ka sa tabi niya kahit gaano kahirap at kahit gaano kasakit. Na mapapatunayan mo daw na mahal mo ang isang tao sa mga panahong nasa tabi ka niya nung kailangan ka niya. Naniniwala ka ba dun?" tanong ko sa kanya.

" Naniniwala ako, kaya nga unti- unting natanggap ng puso ko na hindi na ako ang mahal mo. Kasi ilang beses akong nagdasal na yakapin mo ko sa mga panahon na kailangan kita. Pero nasan ka, wala ka. Pinili mo na maging mag-isa ako"sabi niya.

" Ako kasi naniniwala na ang pagmamahal ay isang sakripsyo. Hindi masusukat ito sa mga panahong nasa tabi ka niya, kundi sa mga panahong tiniis mong lumayo sa kanya para sa kapakanan niya. Sa mga mga panahon na mababaliw ka kakaisip kung okay ba siya kasi kahit gaano mo hilingin na makasama siya, hindi pwede. Sa mga panahon na nagbabantay ka lang sa malayo at unti-unting dinudurog ang puso  mo habang nakikita mong may sumasalo sa kanyang iba sa tuwing nadadapa siya. Hindi kita masisisi kung pagdudahan mo ang pagmamahal ko sayo, hindi ako magagalit kung ipagpapalit mo ko sa iba pero gusto ko lang malaman mo na sa mga panahon na malayo ako sayo nasasaktan din ang puso ko."

" Hindi kita maintindihan Efreem" sabi niya.

Tuluyan na akong lumuhod sa harapan niya, hinawakan ko ang mga kamay niya. 

" Mahal na mahal kita Lorrien at pinatunayan ko yung sa isang sakripisyo." sabi ko sa kanya.

Tumingin ako sa mga mata niya, panahon na para masabi sa kanya ang totoo. Ang tagal kong tinago sa kanya ang tunay na kadahilanan, siguro nga hindi ako maiintindihan ng iba. Sasabihin nila na ang tanga tanga ko at mali ang pinili ko pero noong mga panahon na iyon, nung mga panahon na magulo ang lahat, ito ang tingin ko na makakabuti sa lahat.

" I don't want to hurt you I just made a choice" sabi ko sa kanya.

" Kinausap ako ng doctor, sinabi niya na malubha ka na daw at hindi magtatagal baka hindi na kayanin ng puso mo. Takot na takot ako nun Lorrien, ayokong mawala ka. Ayokong mamatay ka." sabi ko 

" Hindi ko alam ang gagawin, hindi alam to ng parents mo kasi hindi ko sinabi. Ako lang may alam, ako lang ang nagdadala ng bigat."

" Tapos sa sobrang kalungkutan ng daddy mo napabayaan niya ang kompanya niyo, unti- unti kayong nalugi."

 " Alam ko naman na gigisng ka, na lalaban ka. Alam kong hindi mo kakayaning umalis. Naisip ko, paano pagkagising mo wala na ang lahat sayo. Kakayanin mo ba? Wala na ang marangyang buhay, alam kong hindi mo kakayanin. Hindi ko makakayang makita kang naghirap kung alam ko sa sarili ko na may magagawa naman ako."

Lumipas ang mga araw at linggo, lalong naging malubha ang sitwasyon mo. Unang beses Lorrien, nagdasal ako, tumawag ako sa Diyos ng dahil sayo. Lumuhod ako nagmakaawa, na pagalingin ka niya. 

Isang araw, kinausap ako ni Janine...

" Efreem, alam kong nalulugi na ang kompanya nila Lorrien at pag nagtagal pa. Magsasarado na ito at baka pati ang pangtustos sa gamutan ni Lorrien di na kayanin." sabi niya sa akin.

" Di na ko magpapaligoy ligoy pa, pakasalan mo ko Efreem at ako na ang bahala sa lahat. Isasalba ng kompanya namin ang kompanya nila Lorrien at kami na rin ang bahala sa gastos niya sa hospital" sabi niya

" Di ko kaya Janine, di ko kayang iwanan si Lorrien" sabi ko sa kanya. Lumuhod ako at nagmakaawa para sa tulong niya pero matigas siya.

" Di naman kita pinipilit, basta tandaan mo nasa kamay mo ang buhay ng mahal mo" sabi niya sabay talikod.

+++++

" Siguro nga mali ang naging desisyon ko, pero ginawa ko ang lahat ng ito para sa kapakanan mo. Mahal kita at pinatunayan ko yun sa pamamagitan ng isang sakripisyo."

VOTE.COMMENT.RECOMMEND

Thinking of YOU...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon