Chapter 20- Let her go

441 6 2
                                    

Lorrien's POV

" I don't care if I may sound bitch here, but I'm warning you stay away from my husband or else I will ruin your life no one can stop me, I can do that and I used to do that to those bitches who are blocking my way."

Paulit-ulit nagrerewind sa isip ko ang sinabi ni Janine bago niya ako iwanan. Hindi ko alam kung dapat ba akong matakot sa mga sinabi  niya pero alam ko namang wala akong ginagawang masama.

" I have my reasons Lorrien but I want you to know that  everything I did it's all for you. I love you and I will love you until the day I die "

" You know very well that I don't want any other woman either but we need to do this"

" I love you more than my life and that's why I'm doing this. Im doing this for you. "

Bigla na lang tumulo ang mga luha sa mga mata ko. Paano nga ba kami napunta sa ganitong sitwasyon. Bakit ba ng hirap hirap sumaya yun lang naman ang gusto ko pero bakit hindi ko makuha?

Ang tagal kong hinintay na sabihin niya sa akin na ako pa rin, na ako lang ang mahal niya pero bakit ngayon ko pa nalaman kung kelan ang gulo na ng lahat. Bakit kung kelan ako huminto sa pag-aasa tska naman siya babalik at eto naman ako babalik ulit sa pagiging tanga.

" Stop crying it's killing me"

Lumapit siya at pinunasan ang mga luha sa pisngi ko. Hinawakan ko ang kamay niya.

 " Aldrine"

Tinignan ko siya at nakita kong nasasaktan din siya kagaya ko. Ang sama ko na ba talagang tao? Niyakap ko siya at naramdaman kong tumugon siya sa yakap ko.

" You don't have to explain anything, I heard everything and I understand"

Bakit ba hindi ko na lang mahalin si Aldrine para okay na lang lahat. Bakit kung kelan parang ayos na at tanggap mo na, na wala na, biglang malalaman mo na may pag-asa pa pala tapos babalik ka na naman sa pagiging tanga?

" I'm so sorry"

Paulit ulit na lang ako nag-sosorry sa kanya pero pauulit ulit ko rin naman siyang sinasaktan. Hindi ko talaga maintindihan ang sarili ko sa isang salita lang ni efreem huminto na naman ang mundo ko.

" for what, for not loving me back. It's okay it's not your fault?"

Humiwalay siya sa pagkakayap sa akin at ngumiti siya pero kita pa rin sa mga mata niyang nasasaktan siya at ang masakit alam kong ako ang dahilan pero wala akong magawa.

" I'm so sorry for hurting you again"

Tumalikod at lumakad siya pero huminto siya sa hindi kalayuan at humarap sa akin.

" Minsan kailangan mong mamili kung kasiyahan mo o ang kasiyahan ng iba at hindi ako magagalit kung pipiliin mong sumaya"

 " Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko, naguguluhan na ako"

" Alam nating pareho kung ano at sino ang makakapagpasaya sayo. Kailangan mo lang ng lakas ng loob para makuha at gawin kung ano ang makakapagpasaya sayo"

Humakbang ako papalapit sa kanya.

" kahit na mali, kahit na alam kong makakasakit ako ng ibang tao"

" Sa pag-ibig minsan kailangan mong kalimutan ang tama at mali para maging maligaya. Minsan kailangan mong tumaya kahit alam mong wala ka naman talagang panama. Mas mabuting masaktan at makasakit kasi sinubukan kesa magsisisi sa huli."

" Paano ko magagawang manakit ng tao para lang sumaya kung alam kong ang taong sasaktan ko ay ang taong nagmamahal sa akin ng totoo "

" Ikaw na rin nagsabi diba na mahal ka niya, kasi kung mahal ka niya talaga maiintindihan ka niya kahit saktan mo pa siya. Lorrien makinig ka sa akin, huwag mo kong isipin, kahit ngayon  naman isipin mo kung ano yung gusto mo, yung makakapagpasaya sayo. Sumugal ka, ipaglaban mo siya at ang nararamdaman niyo para sa isa't-isa at kung sakaling matalo ka andito lang ako tatanggapin kita ng buong puso. "

" hindi ko alam kung ano ginawa ko sayo kung bakit mo ko minahal ng ganito, ang dami mo ng ginawa, ilang beses ka ng nagparaya. Simula noon hanggang ngayon ako pa rin iniisip mo kahit hirap na hirap ka na"

" do you know what is the hardest thing to do, it's to watch the one you love, love someone else, but I don't want to be selfish and stop you to follow your heart. I want you to be happy. So I'm letting you go, but that doesn't mean I'm giving up on you."

Tumakbo ako papalapit sa kanya at niyakap ko siya ng mahigpit, rinig ko ang pintig ng puso niya.

" sa pag-ibig Lorrien kailangan pareho kayo ng nararamdaman. Kaya kahit gustuhin ko pang akinin kita hindi ko magawa kasi alam kong hindi ako, hindi pa rin ako. Kung ako lang masusunod ngayon din itatakas kita at ilalayo  sa kanya pero naisip ko magiging masaya ka ba, magiging okay ka ba pag wala siya?"

Aldrine's POV

Naiinis ako sa sarili kasi hindi ako ang mahal niya. Tanga na kung tanga pero mahal ko siya. Martyr na kung martyr pero wala ganito talaga ako dun ako ako kung saan magiging masaya ang taong mahal ko kahit masaktan pa ako.

Nagparaya ako para sumaya siya, ang babaeng mahal ko si Lorrien Madrigal. 

Pero sa oras na masaktan ulit siya babawiin ko siya kahit pa hindi ako ang mahal niya.

Andito lang ako maghihintay, mag-aabang, magbabakasakaling dumating yung panahon na mapagod na siyang humabol ng humabol sa taong mahal niya.

at sa panahong umiiyak ulit siya at hindi na niya kaya handa akong saluhin lahat ng sakit para sa kanya.

 ________________________

sorry po sa matagal ng pag-update nwalan kmi ng net..

COMMENT. RECOMMEND.VOTE

next chapter po ay makikila natin si Aldrine..

Thinking of YOU...Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum