Chapter 43- The moment that would break your heart

333 6 2
                                    

Aldrine's POV

" Nakakainis alam ba yun" sabi niya. Sabay hampas sa akin, hindi pa rin maalis ang ngiti sa mga labi ko.

" Kung ayaw mo na sa akin, sabihin mo na lang.. Hindi yung ganyan wala akong makuha mula sayo" reklamo niya, patuloy ang pag-agos ng luha sa mga mata niya.

Inilapit ko ang mukha ko sa kanya, napaatras siya sa kinauupuan niya. Hinawakan ko ang pisngi niya sabay dikit ng noo ko sa kanya. Binigyan ko siya ng napakagandang ngiti.

" Sa tingin mo ba tanga ako?" tanong ko sa kanya.

" Sige na ako na ang tanga pero kung hindi mo na ko mahal. Wag ka namang paasa" reklamo niya.

" Tsk. Hindi mo naman sinagot yung tanong ko. Sa tingin mo ba tanga ako?" tanong ko ulit.

" Hay naku, ano ba Lorrien. Syempre hindi ako TANGA para TANGGIHAN ka. "sabi ko. 

" Nakakainis pinakaba mo ako dun. *sob*" reklamo niya sabay pa rin ang paghikbi.

" Shhh wag kang maingay" sabi ko. Nilapat ko ang labi ko sa kanya. Ramdam kong tumulo ang mga luha niya, hinalikan ko siya ng buong pagmamahal at sinagot niya rin ako ng buong puso. Pinag-saluhan namin ang isang halik na puno ng pagmamahal, lumalim pa ang aming halik. Naging mas mapusok at mapag-hanap, ako ang unang bumitaw.

" That was.." sabi sabay buntong hininga ng malalim.

" Hindi ko alam na.." dagdag ko pa sabay iiling-iling. Nakita kong namula si Lorrien, tinitigan niya ako ng mapang-akit.

" Huwag mo kong titigan ng ganyan, iba ang takbo ng isip ko ngayon. Baka kung ano ang magawa ko sayo" sabi ko sa kanya. Baka hindi ako makapagpigil at mahubaran ko na lang siya basta basta.

" Hindi naman ako tututol boyfriend" sabi niya, napailing ako sa mga sinasabi niya. 

" Naughty girlfriend. Sabi ko na nga ba pinag-nanasahan mo ko. Pero sorry na lang dahil kahit mahal kita at gustong gusto na kitang dalhin sa langit ngayon ay naniniwala pa rin ako na mas maganda kung iharap muna kita sa altar at mangako tayo sa harapan ng Diyos sa pamamagitan ng kasal"sabi ko. Napangiti siya ng malapad.

" Hanggang kiss at yakap na muna tayo, mas maganda yung gawin kapag kasal na tayo. Nang hindi tayo magkasala sa harapan ng Diyos. Mahal kita at dapat lang na respituhin din kita at papatunayan ko yun sa paghihintay sa tamang panahon" sabi ko.

" Ang palad ko naman talaga" sabi niya. Sabay sadal ng ulo niya sa akin.

" Ngayon mo lang nalaman, pambihira ka talaga." bulong ko sa kanya.

" I love you" sabi niya.

" I love you more" sabi ko.

*The Next Day*

" Good Morning Benitez, Good Morning Miss Beautiful" sabi ni Domingo.

" Mukhang napasarap ang tulog niyo." pang-aasar niya sa amin,

" Demonyo ka" sabi ko. Niyakap ko ng mahigpit si Lorrien.

" Alam ko, kunin ang babae at si Benitez" utos niya sa mga tauhan niya.

" A-aldrine" sigaw ni Lorrien.

" Hayop ka, anong gagawin mo sa kanya? Bitiwan niyo ko" sabi ko habang nag-pupumiglas.

Thinking of YOU...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon