Chapter 8- New people in my life

536 11 1
                                    

Lorrien's POV

Bigla ko na lang naibuga ang tubig na nainom ko. Dinilat ko ang mga mata ko, may nakita akong mga tao sa paligid ko. Buhay pa ako, paanong nangyari ang mga ito?

"Naku apo, okay ka lang ba?" tanong ng isang matandang babae siguro mga nasa 60's na siya. Pinagmasdan ko siya ng mabuti, may katabi siyang isang binata na basang basa siguro ay kasing edad ko. Siya siguro ang sumagip sa akin.

" Buhay pa po ako?" bigla na lang lumabas sa bibig ko. Hindi ko alam kung dapat ba ako magpasalamat kasi hinayaan ng Diyos na mabuhay pa ako o malungkot kasi hindi pa pala ako nakatakas sa lahat ng sakit.

" Buti na lang at nasagip ka nitong si Migs, nag-alala kami sayo" sabi ng matanda. Kita sa kanya ang pag-alala naalala ko tuloy ang lola ko sa kanya. Namiss ko tuloy bigla ang mayapa kong lola.

" Salamat po sa inyo" sabi ko sa kanila. Nagpapasalamat ako sa pagliligtas nila sa akin.

Tinignan ko lang sila at binigyan ng isang malaking ngiti. Bigla namang umalis si Migs, mukha siyang masungit pero dapat pa rin akong magpasalamat sa kanya kahit na binalak ko naman talagang magpakamatay pero nakakatuwa kasing isipin na may mga katulad pa nilang handang tumulong.

" tawagin mo na lang akong Lola Mercy apo, Ang gnda mo naman. Tapos yung binatang tumulong sayo. si Migs yun. san ka ba tumutuloy iha? nagbabakasyon ka ba, sino kasama mo, anu nga pangalan mo iha?"

" Ako nga pala si Lola Mercy tapos yung nagsagip sayo ay ang apo ko na si Migs. Ang ganda mo naman apo. Nagbabakasyon ka ba dito, saan ka tumutuloy.Anong pangalan mo? Buti na lang talaga at nailigtas ka ng apo ko." sabi ni lola. Natutuwa ako kasi naalala ko sa kanya ang lola ko. Sobra kamin close noon dati.

"Lorrien po, sa isang hotel po ako malapit dito nagsastay" sagot ko sa kanya.

" Ap,o sa amin ka na lang tumira habang nandito ka para may makasama din kami" sabi ni Lola Mercy. Nakakahiya naman baka maging abala pa ako sa kanila.

" Ay, huwag na po masyado na pong nkakahiya. Ang laki na nga po ng naitulong ninyo." sagot ko kay Lola. Kahit gusto kong tumira sa bahay nila pero nahihiya talaga ako.

" Sumama ka na sa amin, nang hindi mo naiisipang magpakamatay" sabi ni Migs. Bigla- bigla na lang siyang sumusulpot. Paano niya nalaman na magpapakatamay ako, nakita niya ba ang lahat?

Makalipas ang mahabang pakiusapan at kulitan ay napilit din nila akong sa kanila na alng magstay. Nakakahiya talaga pero sabi naman nila ay mas magiging masaya daw kung makakasama nila ako doon. Pumayag na rin ako kasi ang bait nila sa akin kaya nakakahiya namang tumanggi, sila na nga ang nagmamagandang loob.

" Apo, dito ang kwarto mo. Kung may kailangan ka wag kang mahihiyang lumapit sa akin." sabi ni Lola sabay turo ng kwarto na gagamitin ko.

" Salamat po talaga lola. Nasaan po si Migs para makapagpasalamat na rin ako sa kanya" tanong ko kay Lola. Hindi ko na kasi siya nakita pagkarating namin sa bahay nila.

" Baka nasa kwarto niya lang yun. Lalabas din yun mamaya kapag kakainin na. Sige mag-ayos ka muna ng gamit mo at maghahanda lang ako ng kakainin natin." sabi ni Lola sabay ngiti.

" Salamat po talaga Lola" sabi ko at tuluyan  na ngang umalis si Lola papuntang kusina para maghanda ng aming pagkain.

Pagkapasok ko sa kwarto ay inayos ko na ang gamit ko. Nag-shower na rin ako, nagbabad ako sa mainit na tubig. Nag-isip-isip na rin ako tungkol sa pagpapakamatay ko kanina. Siguro may plano pa ang Diyos kaya hindi niya hinayaang mapahamak ako. Pagkatapos kong magbihis at mag-ayos ng sarili ay bumaba na ako para matulungan si lola sa paghahanda ng pagkain namin. Natutuwa talaga ako sa kanya kasi kagaya ng namayapa kong lola ay napakamakwento niya rin.

Thinking of YOU...Where stories live. Discover now