Chapter 7- My life without him

538 12 4
                                    

 A/N : Wala po sanang silent readers.

_____________________________________________

Lorrien's POV

Napabuntong hininga na lang ako, ang hirap pa lang iraos ang isang araw na malayo sa taong mahal mo. Nakaupo lang ako sa beach at iniintay ang sunset. Mag-gagabi na naman, lumipas na naman ang isang araw na wala siya sa tabi ko. Hindi ko alam kung paano ang gagawin, kung paano bubuuin ang mundo kong nasira ng pinili niyang umalis sa buhay ko.

" Isang araw na naman ang lumipas, wala ka pa rin sa tabi. Masaya ka na ba sa kanya.Masaya ka ba ng wala ako?" nasabi ko kasabay ng pagtulo ng mga luha sa mga mata ko. Mga tanong na gusto kong malaman ang kasagustan ngunit natatakot akong masaktan.

Mali ba ako ng isipin ko na happy ending na ang kakalabasan namin? Akala ko dati kami na hanggang dulo, yung tipong wala ng bitawan at wala ng iwanan. Pero ngayon eto ako naiwang mag-isang umaasa sa mga pangakong nakalimutan na niya.

 Paano mo nga ba masasabi kung tama pang umasa kung alam mong wala na at tapos na talaga?

Paano ka susuko kung alam mo sa puso mo na ang taong bibitawan mo ay ang buhay mo?

Ano ang dapat kong gawin kung ang taong pinaka-iingatan ko ay nasa piling na ng iba?

Ang taong hirap bitawan kasi alam mong sobra kang masasaktan.

Bakit nga ba kung kanino mo pinaubaya ang puso mo, siya ang mananakit sayo?

Umihip ang hangin sa paligid, napayakap na lang ako sa sarili ko. Ang lamig ng simoy ng hangin na nagpaalala sa akin ang pakiramdam kung paano mag-isa. Ang taong gusto kong makasama sa lahat ng pangyayari ng buhay ko ay wala na ngayon sa tabi ko. Ang hirap pa lang mag-isa, ngayon ko lang nalaman noong mawala siya sa buhay ko.

How long should I hold on?

Ang sabi ng ibang tao kapag masyado ka na daw nasasaktan at nahihirapan, mas mabuti na daw na bumitaw. Dapat ko na ba siyang isuko? Dapat na ba akong bumitaw gayong sobra sobra na ang sakit na nararamdaman ko.

Ang sakit sakit na pero alam kong mas magiging mas masakit kapag huminto ako sa paghihintay at pagmamahal sa kanya.

Tumayo ako sa kinauupuan ko, walang salita ang makakapagsabi ng sakit na dinadala ng puso ko. Hindi matutumbasan ng luha ang bigat sa puso ko. Sumigaw ako, gusto kong ilabas ang nilalaman ng puso ko kasi alam kong sobra sobra na.

" EFREEM DELA VEGA MAHAL NA MAHAL KITA AT ANG SAKIT SAKIT NA"

Napaupo na lang ako habang nakayuko ang ulo ko, patuloy pa rin ang pag-agos ng luha sa mga mata ko. Ang hirap, ang sakit at ang bigat sa puso. Sana mailabas ko lahat ng sakit dito sa puso ko. Sana sa paghinto ng patulo ng mga luha sa mga mata ko ay mapawi ang hapdi sa damdamin ko.

 Dati naisip ko na ang pwedeng pinakanakakatakot na mangyari sa tao ay kapag namatay na tayo pero mali pala ako kasi mas nakakatakot at higit na mas masakit ang iwanan ka ng taong mahal mo. Bawat araw mahirap iraos, bawat luha ang hirap pigilin at ang damdamin na ang hirap intindihin.

Kapag namatay ka wala ka na namang mararamdaman, hindi tulad nito buhay ka pa pero parang patay ka na kasi gusto ng huminto ng puso mo sa pagtibok, yung mas pipiliin mong huwag na lang magising para lang matakasan mo yung sakit. Yung ang dami-daming taong sa paligid mo pero alam mong walang nakakaintindi sayo.

 Ang hirap, malungkot at sobrang sakit. Ganito pala ang pakiramdam para kang pinaparusahan. Sa bilyon bilyong tao kaya sa mundo, ilan ang nakakaramdam din ng ganito. Paano nila nakakayanang magpatuloy sa buhay?

 Naglakad ako papalapit sa dalampasigan. Natanong ko bigla sa isip ko " Kapag nakita kaya ni Efreem na hindi ko kayang wala siya, babalik ba siya"

Patuloy lang ako sa paglalakad, walang pakialam sa paligid. Naisip ko " Kung hindi na siya babalik, sana mawala lahat ng sakit"

Hindi ko na alam kung ano ba ang tama o mali, ang gusto ko lang naman mawala ang sakit.  Nagdasal ako " Lord, patawarin niyo po ako kung nais kung tapusin ang buhay ko pero naiintindihan niyo naman po diba? Na ang sakit sakit na talaga. Hindi ko na talaga kaya"

Pinikit ko ang mga mata ko at hinayaan kong agusin ako ng alon. Ito na siguro ang katapusan ko. . Naisip ko "Kung paano na kaya ang mga magulang ko. Paano ang mga kaibigan ko maiintindihan naman nila dba?"

Sana maintindihin nila kung pinili ko na lang takasan ang lahat ng sakit. Patawad kung naduwag ako, kung mahina ako. At hindi nag-tagal unti- unti akong nawalan ng malay.

_____________

Hello Reades!

Ano po ang masasabi niyo sa story ko, particularly sa chapter na ito? Gusto ko lang iclear na against ako sa pagpapakamatay, mali yun. Kasalanan ito sa ating Diyos.

Vote.Comment.Recommend and be a FAN

Thinking of YOU...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon