"Nagaalala lang naman kasi kami sa 'yo. Kung bakit kasi napakahilig mong gumawa ng mga bagay na nagpapalala sa amin!" Pinanliitan ako ng mata ni Xy kaya naman napailing nalang ako. "Pasensya naman! Seryuso niyo naman"

Nabaling ang paningin niya sa president ng supreme student na hanggang ngayon ay walang imik parin na nakatayo sa isang sulok nitong silid. Mukhang naiilang narin sila sa seryusong presensya ng lalaki kaya naman hindi rin sila mapakali.

"Aalis muna kami Hyrreti." Saad ni Xy tsaka niya hinila si Veine at Demiana palabas nitong silid.

"Alis narin ako, Hyrreti. Magpagaling ka at huwag ka munang gumawa ng gulo!' Paalala saakin ni Veine na tinugonan ko lang naman ng isang pagtango. Sumunod narin siya kina Xy at Demiana na ngayon ay naglalakad na palabas ng silid.Naiwan tuloy kami nitong President ]na 'to na mukha ng angry bird dahil sa magkadugtong niyang mga kilay. Napailing nalang ako.

"What?" I heard him sigh bago siya naglakad papunta sa kamang hinihigaan ko. Hindi ako nakaimik ng bigla niya nalang ipinatong ang palad niya sa noo ko. May lagnat ba ako? Napasapo din tuloy ako sa noo ko at doon ko lang napansin na mainit nga ako.

"Where's the Alpha?" Hindi ko alam pero iyon nalang bigla ang lumabas sa bibig ko. I'm just curious kung ano ba talagang nangyari matapos kong matulog habang buhat-buhat niya ako? At kung papaano kami nakabalik?

"He's in the tormenting facility—-"

"Wait—what?" Anong ginagawa niya doon?

"He needs to stay in there for a week. He failed to follow his blood diet and right now, he is dangerous." Pareho kaming natahimik matapos niyang sabihin ang mga 'yon.

So, he's in the tormenting facility right now? I wonder how painful it is for a vampire to stay in that kind of facility. Hindi ko pa nakikita ang lugar na iyon pero marami akong naririnig tungkol sa mga pagpapahirap na ginagawa sa mga bampira once they break one of the rules in this school.

Napailing nalang ako ng umiral na naman ang pagiging mahilig ko sa deadly adventure ng pumasok sa isipan ko ang posibleng hitsura ng pasilidad na iyon. Just like what J.K. Rowling said, to the well-organized mind, death is but the next great adventure. So, I guess I have a very well-organized mind then. As expected from a monster like me.

"Sleep and take a rest. Call me when you need something." Seryusong saad niya bago siya tumayo at nagsimula nang maglakad papunta sa pintuan nitong silid. Akmang bubuksan niya na sana iyong pintuan ng tawagin kong muli ang pangalan niya. I need to ask him about something. Alam kong bukod sa Alpha ay siya lang ang nag-iisang bampira na makapagsasabi saakin ng tungkol sa bagay na gumugulo ngayon sa isipan ko.

He turned to face me kaya naman bumuntong hininga muna ako. "By any chance, d-do you know a girl named Luna?" Tanong ko na mukha namang hindi niya inaasahan dahil halata sa mukha niya ang pagkagulat. Agad din namang napalitan iyon ng seryusong emosyon.

"Do not put yourself into trouble, Hyrreti—- "

"I'm into trouble already Faolan. Just tell me who the hell is Luna. That's not me—"

"No! She's not you. Luna is..." Napabuntong hininga muna siya tsaka niya ibinaling ang paningin niya sa may glass wall na kung saan tanaw ang kumikinang na tubig ng lawa ngayon.

"She is Sebastian's other half." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Other half? As in soulmate? Pakiramdam ko ay bigla nalang nawalan ng kapasidad ang isipan ko na makapag-isip. Tama ba ang narinig ko?

"Never mention her name in front of the Alpha or to any other person who belongs to the Kleinhaus family. She's the reason why the Kleinhaus empire is still in grieve right now. She killed both the mother and father of Sebastian so never mention her name in front of him. I don't want you to get into trouble, Hyrreti. Just please—stay out of this matter!" Pagkatapos niyang sabihin ang mga salitang iyon ay lumabas na siya kaagad sa silid na ito dahilan para maiwan akong mag-isa.

NIGHT BLOOD UNIVERSITYWhere stories live. Discover now