I tried to smile.

"Ayos lang po ako, Nanay. Maayos po ako. Nasa mabuti akong kalagayan. Hindi po ako nahihirapan. I— I am so okay. Don't worry.."

"Oh, my baby, our baby Isha.." Muli niya akong hinalikan sa magkabilang pisngi, sunod ay sa noo. Napaiyak ako muli sa reyalisasyon na totoo siya ngunit sa panaginip lamang. Naramdaman ko ang unti-unting pag-gaan ng pakiramdam ko.

Oh, no, no, no! Ayoko pa!

"Nanay!" I cried. Humigpit ang yakap niya sa akin. Niyakap ko siya nang mas mahigpit. "Sama na po ako sayo. Babalik na po ako. Isama niyo na po ako. Miss na miss ko na kayo.." I cried harder.

"If I just can, anak.."

"Please po, ayoko na malayo sa inyo.." Lalo kong naramdaman ang pag-gaan ko. Tila unti-unti na akong nawawala sa dimensyon na 'to. And it is heartbreaking. "Sama ako, sama ako, Nanay!"

"Sorry wala akong maggawa. Anak gusto kita isama pero, hindi ko alam kung paano..."

Bahagya akong lumayo sa kaniya. Bumaba ang tingin ko sa aking katawan at nakita na hindi niya na ako mahawakan. She cried harder and tried to touch me, to reach me. Ngunit tumatagos na ang hawak niya. Sinubukan ko rin ngunit tumagos na lamang ako sa kaniya.

"Anak, Patrisha anak, hihintayin ka namin ng Tatay mo. Mahal na mahal ka namin. Umuwi ka na sa amin, anak ko..." she said.

"Nanay.." Iyon na lang ang nasabi ko dahil tila may humihila na sa akin palayo. Sobrang sakit ng nararamdaman ko sa aking puso. Bakit hindi pwede na sumama na lang ako sa kaniya? Bakit kailangan na malayo pa ako sa kanila?

"Azriella! Azriella, wake up!"

Hindi ko na alam kung nasaan ako. Iyak lamang ako ng iyak. Makakabalik pa ba ako sa kanila? Miss na miss ko na sila.

"Please Azriella, wake up.."

Natigilan ako nang makarinig ng mga boses. Halo-halo iyon ngunit may nangingibabaw. Pinapagising na nila ako? Pero ayoko na. Gusto ko na lamang dito at hihintayin ko na magkita ulit kami ni Nanay.

"Come on, gumising ka na...please.."

Tinakpan ko ang tenga at umiling-iling. Ayoko na. Dito lang ako. Hihintayin ko si Nanay. Magkikita ulit kami, magyayakap at magsasama. Lagi ko na lang siyang hihintayin dito. And maybe next time, kasama niya na si Tatay.

"Patay na siya, Master.."

"You fucking shut up, Deliah! Isang salita mo pa, papatayin na kita! Umalis ka!"

Ayan na naman ang pakiramdam na may humihila sa akin. Wala akong nagawa kung hindi magpatianod. Sunod ay naramdaman ko ang marahan na pag-alog sa akin. Napamulat ako ng mata at agad na suminghap ng hangin. Ramdam na ramdam ko ang pagod ng katawan. Napatingin ako sa may tabi ko at nakita siya na hawak ako sa magkabilang balikat. Natulala siya at nakatitig lamang sa akin.

"Ate Ganda! Ate Gandaaaa!" Napalingon ako sa kabila at nakita si Simon na iyak nang iyak. Sumampa siya sa kama at niyakap ako. Umiyak siya sa may leeg ko. "H'wag mo kaming iiwan, ate. H'wag kang mamamatay."

Napakurap-kurap ako. Pinilit ko na itaas ang kamay at hinaplos ang makapal at malambot niyang buhok.

"S-simon.." paos ang boses ko nang tawagin siya. Tinignan niya ako at puno ng lungkot ang mata niya. Pinunasan ko ang kaniyang luha. "N-natulog lang ako. H-hindi pa mamamatay si Ate Ganda.." saad ko. Kinusot niya ang mata.

"Pero tumigil ang tibok ng puso mo kanina, Ate! Pagpasok ko sa kwarto mo para gisingin ka, ang putla mo na. Hindi na mapula ang labi at pisngi mo. Ang lamig na rin ng katawan mo. Takot na takot kami, Ate. Umiyak na din si Morphy at umalis siya dahil 'di niya kaya..." saad niya. Napaawang ang labi ko. Dumako ang tingin ko kay Siana na nasa may paanan ng kama at hilam ang luha sa mata.

Beauty and the DemonWhere stories live. Discover now