Chapter 31: Rain's Childish Side

5.6K 149 35
                                    

RYNDREI'S POV:

Hay naku, umaga na naman. Bumangon ako sa kama saka tiningnan ang oras. It was exactly 7 o'clock in the morning.

Napagdesisyonan ko nalang na kunin ang towel ko saka pumasok sa banyo para maligo. Pagkatapos ay nagbihis ako nang isang maluwang na T-shirt saka isang short na panlalaki.

Ginulo ko lang ang buhok ko saka bumaba na papuntang sala. Ang nadatnan ko lang dito ay si Kendra. Asan na naman si kambal?

"Ryn, andiyan ka na pala. Nagpahanda na ako sa mga maids nang makakain." Nakangiting turan sakin ni Kendra.

"Okay Ken susunod na ako. Nakita mo ba si Kambal?" Tanong ko dito.

"Hindi pa nakakab--Oh, ayan na pala eh." Sagot nito habang nakatingin pa sa aking likuran.

Pagharap ko dito ay bumungad sakin ang nakangiting mukha ni kambal. Sandali, parang may iba.

Kaagad itong lumapit sakin at niyakap ang braso ko.

"Kambal? Bili moko ice cream." Nakapout na saad nito sakin.

"Ha? Mamaya na kambal. Kakain pa tayo nang agahan." Pagtatanggi ko sa kanya. Tama naman eh, ang aga-aga pa kaya para sa ice cream.

"No! Gusto ko ngayon na!" Parang batang maktol nito saka ako binitawan at pinag crossed ang dalawang braso.

"Eh kasi kamb--" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil nakita kong may tumulong luha sa pisngi nito. Arghhh! Ayan na naman siya eh.

"Ayaw mo lang talaga ako bilhan!" Naiiyak na maktol niya habang sumisinghot-singhot pa.

Nataranta naman ako kaya kaagad ko itong niyakap. "Sige kambal, bibili na lang tayo ngayon." Sabi ko nalang dito. Hay naku! Ang hirap talaga kapag meron siya ngayon.

Bigla namang nagliwanag ang mukha nito dahil sa sinabi ko. Bigla itong ngumiti saka tumalon talon pa.

"Yehey! Tara na kambal." Aya nito sakin.

"Magbibihis muna ako." Paalam ko dito saka umakyat ulit papunta sa kwarto ko.

Kumuha lang ako nang black T-shirt saka ripped jeans at isinuot ang Nike shoes ko. Dali-dali akong nagbihis dahil baka mainip na yun at iiyakan na naman ako. Tsk!

Pagkatapos kong magbihis ay bumaba na kaagad ako at lumapit sa kanya.

"Ulan!" Nakangiting bungad nito sakin saka ito lumapit at humalik sa pisngi ko. Andito na naman ang side niya na to. Bumaling ang tingin nito sa pinsan namin.

"Kendra? Ayaw mo sumama samin?" Inosenteng tanong nito kay Gail.

"Ahehe, kayo nalang Rain." Nag-aalinlangang sagot ni Gail.

"Okay." Tanging sagot nito at hinila na ako palabas nang bahay. Hindi naman siya excited nuh? Note the sarcasm readers.

Pinasakay ko nalang siya sa sasakyan ko saka ito pinaharurot papunta sa malapit na ice cream parlor.

Una akong bumaba saka ako pumunta sa side niya at pinagbuksan siya nang pinto.

"Thanks Ulan." Ani nito. Ngumiti lang ako sa kanya saka siya iginaya papasok sa loob nang store.

Pagkapasok ay kitang-kita kaagad ang pagkinang nang mga mata nito. Ilang taon ko na bang hindi nakikita ang side niya na to? Matagal-tagal na rin simula nang iwan niya kami.

Kaagad siyang tumakbo papunta sa counter at umorder nang melon flavored ice cream. Nakangiti naman akong lumapit sa kanya.

"Sa kanya po, buko pandan flavor nalang. Pareho 1 gallon lahat." Sabi nito sa nagtitinda habang nakaturo pa sakin ang isang kamay nito.

Ms. Tomboy Is Arranged Marriage To Mr. Popular Heartthrob (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon