Chapter 18: 3rd Day Continuation

4.9K 156 18
                                    

Here's a Christmas update from your author. Hehe I hope you will enjoy this😘

JUSTINE POV:

Heto na naman ang pinaka gwapong nilalang sa buong mundo readers. Kakatapos lang nang game namin sa volleyball and guess who win the game? Syempre walang iba kundi KAMI lang naman. Ganyan talaga basta mga gwap--

"Hoy gunggong! Nasa earth tayo." Sabi ni Zhaira sa tabi ko. Sinamaan ko naman siya nang tingin.

"Makagunggong ka naman, feeling mo ang ganda-ganda mo. Hindi naman, tsk!" Pangungutya ko sa kanya.

"Maganda naman talaga ako ah?" Naka ngusong saad niya. The hell! Ang cute niya tignan. Ang sarap halikan, ano kaya ang feeling na halikan siya? The fuck! Ano ba tong iniisip ko? Naman eh!

"Kanina kapa tulala diyan. Siguro mga babae na naman yang sa madumi mong utak nuh?" Nakakunot noong tanong niya.

"Hindi ah!" Pagtanggi ko saka binaling ang tingin sa unahan. Hindi naman talaga eh.

"Pwede ba? Tumahimik na nga kayo, magsisimula na ang motocross oh!" Bored na saad samin ni Kyler. Andito pala to?

"Andito ka pala bro?" Tanong ko sa kanya. Sinamaan niya naman ako nang tingin. Nag peace sign nalang ako. Mahirap na baka masakal ako niyan.

"Everyone listen, I have good news and bad news." Announce nung Emcee. Tumahimik naman lahat nang tao dito ngayon.

"The bad news is hindi matutuloy ang motocross dahil ayaw pumayag nang mga may ari nitong school." Sabi nito ulit.

Nagkaroon agad nang samu't saring reaksyon ang mga tao dito. Kahit nga kami eh.

"Bakit naman?"

"Sus, ipagpatuloy niyo yun!"

"Epal naman eh!"

"Bakit na naman daw?"

"Ang KJ naman nila!"

Tiningnan naman namin si Kyler. "Kyler bakit hindi pumayag ang parents mo?" Tanong ni James dito. Oo nga naman.

"Ewan." Bored na sagot niya. Tsk, ano pa nga ba ang aasahan diyan?

"Woaahhh! Silence everyone, may good news pa naman eh. And that is, instead of motocross, motor racing ang gaganapin!" Masayang announce nito. Napalitan naman nang hiyawan ang kaninang mga galit at pagtataka nang mga tao dito.

"Akala ko di na talaga matutuloy eh." Sabi naman ni Nerd. Tsk, parang hindi talaga siya nerd eh.

"Atleast naman mas safe yan kesa sa motocross." Saad naman ni Zhaira. Oo nga naman, first time ko mag agree sa babaeng to.

"Let's start people!!!!!!" Sigaw ulit nang Emcee.

Pag sigaw nang Emcee nun ay sari-saring hiyawan nang mga tawo ang maririnig dito.

Ms. Tomboy Is Arranged Marriage To Mr. Popular Heartthrob (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon