Chapter 6: Another Day With A Trouble (EDITED)

6.5K 146 26
                                    

KENDRA'S POV:

It's another day again. Maaga akong nagising para mapaghandaan ang klase namin ngayon at syempre ginawa ko na ang morning routine ko bago isinuot ang uniform na nakita ko sa closet ko kanina, siguro kanina lang din ito dumating dahil wala pa naman ito kahapon pagtingin ko. Baka isa sa mga maids o butlers and naglagay.

 Baka isa sa mga maids o butlers and naglagay

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(Credits to the owner of this picture)

Medyo maiksi ang checkered na blue skirt. May white long sleeve din itong kasama na pinatungan ng black coat at blue checkered neck tie. Pagkatapos ko itong maisuot ay kaagad ko itong pinaresan ng black knee sock at black shoes para bumagay. Pagtingin ko sa salamin ay napangiti ako. Maganda siya dahil mukha akong Koreana dahil dito. Napailing na lamang ako at pagkatapos ay bumaba na kaagad para kumain.

"Nasaan si Sky, manang?" Tanong ko sa isang maid na naghahanda ng umagahan namin pagkarating ko dito sa kusina.

Napatingin naman ito sakin at napangiti. "Hindi pa po bumababa, miss Gail." Sagot nito sakin.

Napanguso ako. "Pakitawag naman po siya oh." Magalang na pakiusap ko sa dito kasabay ng pag-upo ko sa isang silya.

"Yes, miss Gail." Tugon niya at nag bow muna bago umalis. Nauna na lamang akong kumuha ng makakain at inilagay ito sa plato ko. Maya-maya lang ay may narinig akong yapak galing sa hagdan kaya napatingin ako dito. Kaagad naman akong ngumiti pagkakitang-pagkakita ko sa kanya.

"Good morning Sky!" Bati ko dito saka napatingin sa suot niyang uniporme. "Our uniform really suits you well, Gosh! " Pahayag ko sa kanya na may kasama pang pagtili. Eh, sa mahilig talaga akong tumili eh. Wala kayong paki!

She snorted. "Fuck, shut up!" Naiinis na wika niya sa malamig na tono. Nakakatakot talaga siya minsan, napanguso na lamang ako at bago pa ako mabugahan dito ay tumahimik na lang akong kumain. Umupo naman siya sa harapan ko at kumain na rin kasabay ko. Pagkatapos naming kumain ng agahan ay nauna na siyang tumayo kesa sa akin.

Kaagad naman akong napatingin dito at malamig lang rin ang tinging ipinukol sakin nito. "Dalian mo na diyan, baka mahuli pa tayo sa klase." Wika niya kaya dinalian ko ng tumayo at sumunod sa kanya papunta sa pagmamay-ari niyang kotse. Kaagad akong sumakay sa passenger's seat saka nito binuhay ang makina at nagdrive paalis kasama ako. Tahimik lang kami sa byahe ngunit hindi ko maiwasang hindi mapasulyap sa nakakunot niyang uno paminsan-minsan and after a few minutes ay nasa harap na kami ng aming papasukang eskwelahan.

Napatingin ulit ako dito at hindi maiwasang mapabuntong-hininga. Ano ba ang nangyayari sa babaeng ito? 

"Princess, bad mood ka yata?" Tanong ko sa kanya habang pababa kami ng kotse niya. 

Nanlilisik naman itong bumaling ng tingin sakin kaya napangiwi ako. "Paano ba namang hindi? Tsk, those stupid old hags. They want me to wear this stupid girl uniform." Inis na asik nito sa tanong ko na may bahid pa ng lamig sa tono nito. Napailing na lamang ako, ano pa nga ba ang bago?

Ms. Tomboy Is Arranged Marriage To Mr. Popular Heartthrob (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon