Chapter 27: Heartbreak

4.5K 153 8
                                    

Sa lahat po nang naghintay, ito na po ang chapter 27. Salamat po sa paghihintay. At please po, paki vote po ito.

SKY'S POV:

"Okay class, that's all for today." Yan nalang ang narinig ko sa professor namin. Agad naman akong nag-inat saka kinusot-kusot ang mata ko dahil nakatulog pala ako habang nagtuturo ito.

"Hoy, Sky! Bakit ganyan mukha mo? Nakatulog kapa sa klase. Ano ba kasi ginawa mo? Di kapa umuwi nang dalawang araw sa bahay. San ka natulog? Ano ba gina--" Di na niya natapos ang sasabihin niya dahil tumayo na ako at dere-deretsong lumabas nang clasaroom.

Wala akong ganang makipag-usap ngayon, puyat ako dahil sa mga papeles na pinirmahan ko. Tsk, andami kaya nun.

Habang naglalakad ako sa hallway patungo sa cafeteria ay may nadaanan akong glass window. Tiningnan ko ang aking itsura doon at tama nga ako, mukha akong sabog. Napailing nalang ako at hinipan ang bangs na nakatabon sa mata ko.

Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad at sa wakas ay nakarating na rin sa cafeteria. Papasok na sana ako nang may humablot bigla sa kamay ko at sapilitan akong kinaladkad. Pinabayaan ko nalang, wala naman kasi ako sa mood para makipag debate pa.

Maya-maya ay bigla nalang kaming tumigil kaya napatingin ako sa paligid. Dinala lang naman niya ako sa likod nang school at makikita sa aking harapan ang isang pintuan.

Napakunot ako nang noo. Bakit ako nandito? Alam kung tambayan nila ito dahil hindi ito ang kauna-unahang nakapunta ako dito.

Binuksan niya ang pinto saka hinatak na naman ako papasok. Pagkapasok namin ay kaagad kung iginala ang mata ko sa paligid.

Para talaga itong bahay, malinis at mukhang pinagawa talaga. Ang tanong, bakit niya ako dinala dito?

"Bakit ako nandito?" Bored kong tanong.

Akala ko ay sasagutin nito ang tanong ko pero sinagot lang ako nito nang ibang tanong. "Gutom ka na ba?" Tumango nalang ako, katamad kayang magsalita. Tsk! Ayoko na rin magtanong, baka di na naman niya sagutin.

May nakita rin akong sofa kaya nahiga ako dun. Tumingin ako sa kisame at napagtantong, sumama pala ako sa taong ilang araw ko nang iniiwasan. Naku naman! Pero wala akong choice, pagod ako at kulang pa sa tulog. Hay, mamaya ko na poproblemahin yan.

Pumikit na ang dalawa kong mata hanggang sa nakatulog na ako.

KYLER'S POV:

Iniwan ko sa sala si Sky at pumunta sa kusina para kunan siya nang pagkain. Nakita ko kasi kaninang parang stress at kulang siya sa tulog kaya dinala ko siya dito.

Nakatulog rin siya kanina habang nagtuturo si Prof. Mendez. Nag-aalala ako sa kanya lalo na nung marinig ko ang tinanong at sinabi kanina ni Gail nung kinausap niya si Sky.

Napabuntong-hininga nalang ako saka binuhat ang tray na may lamang pagkain para sa kanya.

Naabutan ko siyang natutulog sa sofa habang medyo nakaawang pa nang kaunti ang mapupulang labi nito.

Ang ganda niya talaga. Sayang at hindi niya kayang ibalik ang pagmamahal na ibinibigay ko sa kanya. Napangiti nalang ako nang mapait dahil sa katotohanang yun.

Ms. Tomboy Is Arranged Marriage To Mr. Popular Heartthrob (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon