Special Chapter: Kurt Shaun Raven Montreal Arellano

3K 68 20
                                    

This chapter is dedicated to Raven. Haha, bali marami siguro itong typo. Pagpasensyahan niyo na. Enjoy!

RAVEN'S POV:

Nasa opisina ako ngayon ni mommy. Ako kasi ang gumagawa ng mga sale's report na dapat sana si mommy ang gagawa kaso nga lang ay ayaw ko naman siyang mapagod pa kaya ako na lang.

Sa totoo lang, tamad ako sa mga ganito kaso kailangan. Kasalukuyan akong nagbabasa ng mga proposals ng biglang bumukas ang pintuan.

Pagtingin ko dito ay bumungad sakin ang mukha ni France Kysler na nakangiti at may dala-dalang sisidlan ng lunch.

"Hi!" Nakangiting bati nito. Napangiti na lang rin ako at itinigil muna ang pagbabasa.

"Hi, anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya. Lumapit ito sa mesa ko at umupo sa upuang nasa harapan lamang.

"Well, I'm here para dalhan ka ng pagkain. Ano ka ba naman Bessy, hindi ka na naman kumain ng umagahan." Parang batang maktol nito sakin sabay abot ng kanyang dala.

Napabuntong-hininga na lamang ako at napangiti ng konti. Bessy, yan lang ang kaya niyang ibigay sakin.

Ang sakit mang isipin pero parang yun na lang yata ang aasahan ko sa kanya. Hindi na ako umaasa na magkakagusto rin siya sakin dahil hindi niya ako mamahalin tulad ng pagmamahal na ibinibigay ko mismo sa kanya dahil hanggang kaibigan lamang ang pagtingin nito sakin. Ramdam ko yun and it fucking hurts!

Yes, I love her..ever since the day that I first laid my eyes on her. Maganda si France, matalino, mabait, magalang, classy, sexy at lahat na yata ng hinahanap ng isang lalaki ay nasa kanya na. She is my ideal woman.

"Hoy! Lutang ka na naman, bessy!" Nabalik ako sa kasalukuyan when she snapped her fingers in front of me.

Nakatayo na pala siya sa harapan ko, hindi ko man lang namalayan.

Napailing na lamang ako. "Ah, sorry. Salamat pala para dito ah." Wika ko sa kanya. Nginitian ako nito saka nag cross-arm pa sa harap ko.

Pinaningkitan niya ako ng mata. "Sabihin mo nga sakin, may nagugustuhan ka na bang babae?" Tanong niya sa seryosong tono.

I was shocked to what I've heard from her. Ibinuka ko ang aking bibig pero kaagad ko rin naman itinikom saka napaiwas na lang ng tingin sa kanya. Ayokong sagutin, ang sakit kaya.

"Kakain muna ako." Saad ko saka kinuha ang dala nitong lunch. Binuksan ko ang lalagyan at nakitang adobong baboy, Sinigang at kanin ang laman nun.

Kukunin ko na sana ang kutsara ng bigla niyang hawakan iyon kaso nga lang nauna ako sa paghawak. I get froze, hawak ko ang kutsara habang siya ay nakahawak na sa kamay ko.

"I..uhm. Gusto ko munang kumain." Ani ko sa mahinang tono. Mabuti naman at hindi ako masyadong nautal.

Hinawakan nito ang magkabila kong balikat kaya napaharap ako dito. Seryoso ang mukha nito at wala kang mababakas na kahit anong emosyon, ano bang nangyayari sa kanya?

"Sabihin mo na kasi kung meron." Pangungulit pa nito. Papalag sana ako ng mas higpitan niya pa ang kapit. Langya, ako ba talaga lalaki dito?

Kung kami ang magkakatuluyan, baka battered husband ang labas ko nito. Tsk, on the other hand nagbabakasali lang naman.

"Alam kong meron. Sinong babaeng yan ah!? Naku, huwag lang sanang hitad. Ipakilala mo ako sa kanya at ako dapat ang magdedesisyon kung pasok ba o hindi." Mataray na saad nito sakin.

"Ha? Ano bang sinasabi mo?" Nakangiwing tanong ko sa kanya.

"Gusto ko ngang malaman!" Sigaw nito sa harapan ko kaya napaiktad ako sa gulat. Walangya naman, kahit kasi sabihin kong siya ay hindi yan maniniwala.

Ms. Tomboy Is Arranged Marriage To Mr. Popular Heartthrob (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon