Chapter 7: Will to live

Start from the beginning
                                    

Napalunok siya. "G-guys...". 

"Why?" I asked. Para na siyang maiiyak na ewan.

"May quiz daw tayo sa Philosophy! Nagpa-surprise quiz siya sa kabila!" bulalas niya. 

"Ah 'yon lang ba?" saad ko. Hindi ko gawaing mag-aral o mag-review, de bale nalang kapag sinisipag ako o sadyang kailangan na talaga. Tinignan ko naman si Chord nang hindi manlang siya kumibo. Naabutan ko siyang kumakain at parang sila lang ng pagkain niya ang nilalang sa mundo. Hindi na tinitigilan.

"Oy beks, may quiz daw tayo," saad ko. Inangat naman niya ang paningin niya at nakakunot ang noo nito. 

"Oh, anong gagawin ko?" pagtataray nito at sumubo ulit.

"Hindi ka manlang ba magre-review?" tanong naman ni Janina. Napatango ako. Pansin ko rin kasi na hindi talaga nag-aaral itong si Chord o nagre-review manlang tuwing may mga quiz o recitation. Kahit nga mag-notes hindi niya ginagawa. At least, ako, kahit hindi ako mag-review, nare-recall ko naman 'yong mga dinis-cuss kasi nga sinulat ko 'yon.

Retention is the best policy.

"Alam niyo," pagsisimula ni Chord at ibinaba ang kutsara niya. Humigop muna siya ng tubig at tsaka ulit tumingin sa amin.

"Critical thinking naman 'yong iqui-quiz natin kay Sir. Aaminin ko, litong-lito pa ako sa True, False, Doubtful na 'yan at saka sa categorical syllogism, pero hindi naman kailangan 'yun i-review kung saulado mo na 'yong mga rules." dagdag niya at niligpit ang baunan niya. 

"Pero hindi ba't mas mabuti kung feeling mo handa ka para atleast, hindi ka masyadong mangangamba?" tanong ko. 

"Ganito lang 'yan," saad niya nang matapos siyang maligpit. Itinaas niya ang dalawa niyang paa at nag-indian sit sa upuan niya. So unladylike. "Sa buhay ba, alam mo kung anong mga problema ang darating sa'yo?" 

"Malamang hindi--"

"Ayun nga. Hindi natin alam kung ano 'yong mga problema na pwede nating makaharap. Kunwari, 'yong ginagawa ng school na mga earthquake drill, isa 'yong paghahanda para sa The Big One, tama? Pero paano tayo makakasiguro na masusunod lahat ng 'yon pagnariyan na ang delubyo?" pagpapaliwanag niya nang hindi manlang ako pinapatapos magsalita. Tinaasan ko siya ng kilay at pumalumbaba sa direksyon niya.

"So, anong pinapalabas mo? Na wala lang 'yung mga preparations na nilalaan sa atin? Haven't you heard of the saying, failing to prepare is preparing to fail?" pagbara ko. I'm not getting her point at all. At bakit ba kasi napunta sa ganitong usapan ulit?

Huminga nang malalim si Chord at umiling-iling. "Hindi 'yon ang ibigsabihin ko, Reid. Ang sinasabi ko kasi, it's not the preparations we should rely on. Oo, nakakatulong 'yon para maging at ease tayo at makumbinsi ang mga sarili natin na ready tayo. But the thing is, it's our actions during the dilemma that counts. Kasi kung tutuusin, nasa paraan mo pa rin 'yon ng pag-handle sa isang sitwasyon. Kahit pa nag-review ka ng sandamakmak na libro tungkol sa Philosophy, kung hindi mo kayang maisabuhay 'yon, hindi ka makaka-survive sa test lalo na't puro applications 'yon." 

Tumango nalang ako. I get it. Wala nang sense sa pakikipagtalo sa kaniya dahil alam niya kung ano ang sinasabi niya. That's Chord, nothing more, nothing less.

"Um guys, tapos na kayo? Parating na kasi si Sir Vincent?" singit naman ni Janina na kanina pa palang nanonood sa sumbatan namin ni Chord. 

Ngumiti lang ako ng tipid at sinulyapan si Chord. "Oo, tapos na kami." 

Maya-maya lang ay pumasok na nga si Sir Vincent. Huminga ako nang malalim. Pakiramdam ko na-warm up na agad utak ko sa pinagtalunan namin ni Chord kani-kanina lang. Sisiw nalang siguro 'yong test.

Tortured GeniusWhere stories live. Discover now