Chapter 32 Drug

4.1K 139 5
                                    

A/N: Hi! Forgive me for not updating for almost a year? Idunno hahaha. Sobrang busy lang sa school, kaya medyo natagalan. I hope makabawi ako dito. Enjoy Reading!

Zein's Point of View

"Zein, tara na." Anyaya ni ate sakin. Saglit na naputol ang tingin ko sa hamba ng pintuang pinaglabasan nina Ace kanina. Ibinaling ko ang tingin sa kanya sunod na tumango.

"Zein, gusto mong buhatin kita? Alam kong di pa maayos ang kalagayan mo." Suhestyon ni Mr. Razon, napatingin ako kay Vanessa na kasalukuyan nyang katabi. Tinanguan ako nito pahiwatig na tanggapin ko ang inaalok.

Napabuntong hininga ako, ibinalik ko ang tingin sa kanya. Sinsero itong nakangiti sakin paniniyak na ayos lang sa kanya. Sa pag iling ko unti unti itong nabura.

"Di na kelangan" ngumiti ako sa dalwa. "Ayos na'ko, di naman ako masyadong nabaldado kanina" ramdam ko ang pag apela nilang dalawa kaya inunahan ko na sila.

"Tara na."

Sa pag'apak ko sa pinakahamba ng pintuan, sumabog ang malakas na hangin sa pisngi ko. I shivered. Panibagong tanda ng tuluyang paghahari ng dilim sa liwanag. Napahigpit ang kapit ko sa magkabilang braso ko, saka ito marahang ibinaba ng ilang ulit. A soft gasp withdrew. Now, feeling the warmth effect of it.

Naging maingat ang lakad na isinagawa namin patungo sa kinaroroonan nina Mr. Razon. Pinapangunahan kami sa paglalakad nina Ate at Shark, samantalang todo ang pagbabantay ni Vanessa at Mr. Razon sakin na hindi ako hinayaang maglakad mag-isa. Talagang pumosisyon pa ang dalwa sa magkabilang gilid ko.

Weird feeling surfaced on me, even so, I can't deny that I feel secured right at this moment.

Sa paglalakad namin, inubos ko ang oras ko sa pagtingin sa mga imprastraktura ng paaralan, naaambunan ng sapat na liwanag galing sa mga bombilya. Tanaw ko na ang bawat pasilyo ay pinagkaitan ng liwanag, tanging ang pinakalabas lang nito ang merong liwanag.

Inalis ko na ang tingin doon, itinuon ko ang pansin ko sa kasalukayang tinatahak namin. Gaya ng senswal na senaryo sa bawat pasilyo, ang paligid ay nabalutan ng dilim. Only thing that give us assurance to move an inch is the moon, ruling the sufficient light ahead of us.

Naudlot lang ang paglakad namin sa patunog ng isang matinis na ingay, pagdedeklarang ibang oras na ang sumapit.

Wala sa sariling inangat ko ang tingin ko. I smiled unconciously, as I see it. This will never changed. Maybe the colored, but certainly it'll always shined endlessly. Sky painted in dark color, planted with beaming stars and moon.

Isang magandang senaryo na kahit kailan hindi aangkop sa sitwasyon namin ngayon. Madilim at hindi alam ang susunod na mangyayari.

Nakarinig ako ng isang tikhim, dahilan para mapako ang tingin namin lahat sa kanya.

"Malapit na tayo." pagdedeklara ni Ate, pinagpatuloy na nitong muli ang paglakad, mabilis naman itong sinundan ni Shark.

Naiiling namang sumunod sa kanya sina Mr. Razon at Vanessa. Habang ako, nanatiling nakatayo. Bumundol bigla ang kaba sa dibdib ko. Napahawak ako dito.

Kamusta na kaya sila?

Raze's Point Of View

In'on ko ang flashlight na binigay nina Onel samin ni Ace. Tumagos naman ang kulay puti nitong ilaw sa pinaka lense ng flashlight.

Iginala ko ito ng malinaw kong makita ang paligid. Pasado ala sais y media na ng gabi, sa pagkakatanda kong sabi ni Onel samin. Ala sais pa lang pero halos kapantay na nito ang dilim ng hatinggabi. Kahit pa sabihin nating merong ilaw na nagmumula sa mga mangilan ngilang' poste nitong paaralan, hindi pa rin sapat.

The New Generation (Hell Univesity FANFICTION) Where stories live. Discover now