Chapter 23 Know Their Side

10.4K 286 38
                                    

Dedicated sayo! Nakakatuwa ang mga comments mo hihihi mwuah!

-------------------------------------------------------

Zein Point Of View

"Sumama kayo samin, may kelangan kayong malaman Zein"

Di ko lubusang mawari kung bakit pamilyar ang dating ng boses nya sa pandinig ko. Bago ako tuluyang magpabulag sa boses nya ay nagawa kong lumingon sa pinagpwestuhan namin kanina na mejo malayo na ang agwat namin sa kanila. Saksi ng dalawang mata ko ang unti unting pagbagsak ng mga estudyante sa sahig dulot ng berdeng usok.

Sa di malamang dahilan muli kong ibinaling ang tingin sa unahan. Kusang nagpadala ang katawan ko sa pagsunod sa babaeng patuloy pa rin akong hinihila papalayo sa berdeng usok na bigla bigla na lang lumitaw kanina.

Habang tumatakbo, di ko maiwasang mapatingin sa kamay nyang mahigpit na nakahawak sa pulsuan ko. Di ko makita ang kabuuang mukha nito dahil sa harap ito nakatingin na syang nagga'guide sa direksyong pupuntahan namin.

Balak ko sanang lumingon sa likod para tingnan ang kasamahan ko kung nakasunod ba sila samin dahil sa tingin ko ay kami ang nangunguna sa pagtakbo.

Subalit rumehistro ang inis sa mukha ko ng mas lalo nya pa akong hinatak sa pagtakbo kaya naman di ko nasubukang tumingin pa sa likod. What's up with her?

Ilang saglit pa ay narating na namin ang pinakalabas ng PHU. Bumalandara samin ang isang mahabang sasakyan na itim na saktong kararating lamang. Maya maya pa ay kusa na nyang binitawan ang pagkakahawak sa kamay ko. Napatingin ako sa markang pula na naiwan nya duon. Di ko alintana kung mamaga man yun o magpasa. Napaismid na lang ako.

Umihip ang malakas na hangin at nilipad ang kulot na duluhan na buhok ng nasa unahan ko.Unti-unti naman syang humarap sakin. Nakasalubong ko ang mukha nitong natatakluban ng isang manipis na telang itim, tanging mata lang ang hindi nakataklob sa kanya pero kitang ko kita ko kung sino sya.

"Shit" I blurted out.

Ngumisi ito sakin at unti unti saking lumapit. Napapikit ako ng bigla nya akong yakapin. Damn this can't be a surreal one. Kasabay ng paghiwalay nya sa pagkaka yakap sakin ay ang pagdating ng iba.

Nahanap ko na lang ang sarili kong nakatingin kay Cedric papalapit sa kanya. "Jena, You okay?" magkakilala sila? Packing shit.

"Yeah." She answered back at muling tumitig sakin. "Ced, you should say it on Zein she looks like not. Look." Napatingin naman bigla sakin si Cedric. Mahina akong napamura. Ano bang gusto mong mangyari Jena?

 "Shut up Jen" suway sa kaniya ni Cedric at tipid na ngumiti sakin bago muling humarap kay Jena. What's with them? Are they lovers?

Napaharap bigla ako ng may kumulbit sakin at siniil ako sa mahigpit na yakap.

"I miss you Zein" bulalas nya. Napangiti ako bigla. I missed this bitch. Ginantihan ko naman ng mahigpit ding yakap ang yakap nya.

Kumalas naman agaran kaming dalawa sa isa't isa.

"Sabi ko naman sayo diba kusa akong lilitaw" sabi pa nya habang nakangisi.

"Shut up Vanessa." Suway ko. Bigla akong napangisi. " You'll pay your debt starting today" pagdudugtong ko dahilan para gumuhit ang kunot sa noo nya. I'm starting to love this scene.

"To whom I'm indebted huh?" sagot nya pabalik. Saglit akong sumilip sa likuran nya at nakita ko si Jerome na mukhang hinihintay lang matapos ang pag-uusap namin.

"Check it for youself" I smiled saka sinenyasan si Jerome na lapitan nya na si Vanessa.

Iniwan ko na si Vanessa at nagtungo kay Ace na nasa isang gilid at patuloy na inoobserbahan ang paligid. Pinili kong tabihan sya. Gaya nya ay inobserbahan ko din ang mga taong kasa-kasama namin sa mga oras na ito.

The New Generation (Hell Univesity FANFICTION) Where stories live. Discover now