Chapter 14 Knock! Knock!

13.7K 458 63
                                    

Dedicate sayo >:) natutuwa ako sa mga comments mo thank you mwuah~

 

Zein Point Of View

Sa ilang araw na lumipas, ligtas naman kaming nakalabas sa PHU.

Napagpasyahan naming lahat na ilihim na lang sa kapulisan ang kasalukuyang nangyayari sa PHU. Sa paghihinala naming baka sila ay madamay pa. Mas mabuting kami na lang ang tatapos at magbabaong muli sa gulong sumibol muli.

Ibalik natin sa dating hindi ito magiging saklaw pa ng gobyerno para iwas na rin sa gulo at sa ikatatahimik ng aming mga loob.

Sa kabilang banda, wala pa rin kaming balita kay Cedric hanggang ngayon. Ni anino nya walang nagtangkang magpakita sa amin. Di namin alam kung papaniwalaan pa ba namin yung tinext samin ni Cedric na si Francisco Augustine nga ba yung nakita nya o false alarm lang.

Mahirap maniwala sa isang bagay na walang kasiguraduhan.

Napaayos ang upo ko sa kama ng biglang bumukas ang pinto nitong kwarto ko. Iniluwa nun sina Vanessa, Jerome, Mia, Dave at Matt. Maging si Shark at Ate Allison ay andito.

Napangiti ako ng lumapit papunta sa kama ko si Shark saka ko inabutan ng isang uri ng prutas.

"Eat that."malamig nyang sabi saka umupo sa may single chair saka nagbasa ng hawak nyang makapal na libro.

Sweet.

Itinabi ko muna sa may katabing table yung bigay sakin ni Shark. Napatitig ako kay Ate Allison na ngayon ay naghihiwa na ng apple sa may mini table.

"Kelan ka daw ba madidischarged dito sa hospital Zein?" saad ni Jerome na kukuha sana ng apple na nahiwa ni ate pero tinapik lang ni ate ang kamay nito.

"Ewan ko" sagot ko pabalik.

Hindi nakaligtas saming lahat ang masamang titig ni ate kay Jerome na ngayon ay nakasimangot na.

"Isang piraso lang ang damot damot" bulong ni Jerome pero naririnig naman namin.

Mahina kaming napatawang lahat ng may bumulusok na kutsilyo sa direksyon ni Jerome na mabilis naman nyang nailagan. Still nakasimangot pa rin ito na parang wala lang sa kanya ang nangyari.

"Here" wika ni ate na inabot sakin ang nahiwa nyang apple, tinanggap ko naman saka sinimulang kainin ito.

Bigla kaming nakarinig ng tatlong palakpak galing kay Dave na sa tingin ko ay ginawa nya para makuha lahat ng atensyon namin.

Lumakad ito sa may pinakagitna saka tumingin sa akin.

"Hindi ka ba nabobored dito Zein?" tanong nya.

Ngumiti lang ako sa kanya at nagkibit balikat lang. 

Sa totoo lang di naman talaga ako nabobored dito. Mas magandang nandito ako at nakakapag isip isip ako.

"Laro na lang tayo!" masayang wika ni Mia.

"Anong laro?" tanong ni Matt na prenteng prente na nakaupo dagdag mo pang nakapatong ang dalawang paa nito sa may maliit na lamesa.

The New Generation (Hell Univesity FANFICTION) Where stories live. Discover now