Chapter 19 Surprised?

10.2K 294 47
                                    

I dedicate this chapter to NicoleEvaristo14 dahil natawa ako sa comment nya. Inosente po ako sa last UD ko hahahahah

---------------------------------

Zein Point Of View

Nang sumilay ang ngiti sa labi ni Ace kusang gumaan ang loob ko. Matapos ko syang mahalikan sa pisnge, binalak nyang halikan din sana ako sa pisnge ngunit hindi nya naituloy sa halip ay napalingon kaming dalawa kay Dave na nagtatakbo pababa ng hagdan at nagsisigaw.

Nakaguhit sa mukha nito ang pagkabahala at konting pagkasiya. Weird. Pero ang mas nakakalito pa ay may hawak hawak itong cellphone habang hinihingal ng kaunti sa kakatakbo.

Bumwelo muna ito ng panandaliang paghinga bago magsalita " May tumatawag" ani nya.

Napabitaw ang pagkakahawak ko sa shirt ni Ace at humarap kay Dave na nakakunot ang noo ko. Ano namang kinalaman namin ni Ace kung may tumatawag man? masyado bang espesyal ang taong yun para tumakbo pa si Dave papunta samin ni a--

"Si Vanessa daw..."

Vanessa Point of View

Madilim.

Sa mga oras na ito, iyan ang nakikita ng mga mata ko. Sa madaling sabi, nakapiring pa rin ako sa mga oras na ito. Buong byahe nanatili akong tahimik pati na ang mga kasamahan ko sa loob ng sasakyan. Tila ba naputulan kaming lahat ng dila sa mga oras na yuon.

Isang oras ang lumipas at naramdaman kong tumigil na ang sasakyan. Wala akong kaide-ideya kung saan nila ako dinala at kung anong kelangan nila sakin, basta ang alam ko kelangan kong maging alerto.

Maya maya pa ay narinig ko ang pagbukas ng pintuan nitong van.

"Baba." maawtoridad nitong utos sakin. Imbis na masindak ako sa boses nito palihim akong napangisi.

Sa pagkakataong ito malaya kong magagawa ang gusto ko. Pwedeng pwede akong tumakas at kalabanin sila sa paraang kaya ko dahil nga sa wala akong katali tali sa kamay ko. Pero parang may nagtutulak sakin na kailangan ko lang sumunod sa kanila.

Bumaba naman ako ng sasakyan. Pagkababa ko ay naramdaman kong inalalayan ako nung isa sa mga lalaki papasok sa di ko malaman kung saan.

Panandalian kaming tumigil ng katabi ko at tila may kinakausap ito. Palihim akong nakinig sa usapan nila.

"WITB?" pambungad na ani ng katabi ko

Sa-sandali a-ano raw? WITB?

"Sa loob." turan ng kausap nya. Na-naiintindihan n-nya yun?

Ilang sandali pa ay naramdaman ko na lang na naglalakad ng muli ang mga paa ko sa kadahilanang hinihila na akong muli ng katabi ko. Pero parang naiwan ang utak ko sa pinagtigilan namin kanina. Putek! gulong gulo na ako!

"WITB?" bulong ko. Anong meron sa mga letrang yun at labis akong napapaisip at nababahala? Hindi kaya isang short message? Napailing na lang ako ng wala sa oras sa kagagahan na naisip ko.

Sino namang matinong tao ang makakaisip ng ganoong pamamaraan ng short message? alphabet of letters?

Te-teka--

"Andito na tayo"

Di ko pinansin ang sinabi nya bagkus ay napahawak ako sa ulo ko ng bigla itong kumirot. Sumasakit ang ulo ko sa kakaisip.

Nahanap ko na lang ang bigla ang sarili ko na nakaupo na ngayon sa isang silya. Kahit na nakapiring ako ay may naaaninag akong ilaw sa pwesto ko at ang buong paligid ay madilim na. Parang isang senaryo sa isang palabas kapag hostage ang isang bida. Ang kaibahan lang ay nakapiring lang ako. No more ties, but full of lies ang mga nakakubli sa paligid ko. Nararamdaman ko iyon at hindi ako tanga.

The New Generation (Hell Univesity FANFICTION) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon