Chapter 12 Plan

13.2K 374 44
                                    

Jerome Point of View

" Hayp ka Matt! " sigaw ni Raze at muling sinuntok si Matt.

Napatakbo na lang ako sa pwesto ni Raze para pigilan ito.

"Puta parang tanga kaming naghahanap ng sagot sa nangyayaring kademonyohan sa PHU tapos, " tumawa ito ng mahina " alam mo pala lahat?. Wag mong sabihin na may alam ka din dun sa pagputok ng baril sa tagaytay? "galit na wika ni Raze

Maski ako ay nagalit kay Matt. Imbis na matuwa kami dahil sinabi nya samin ang mga nalalaman nya mas nanaig samin ang galit. Nyemas naman! Ang dami na nya palang nalalaman bakit hindi nya sinasabi sa amin? Siguro naisip nya na parang tanga kaming naghuhulaan kung ano nga ba ang mga nangyayari ngayon.

Tumingin ako kay Matt na ngayon ay nasa sahig at nagpapahid ng dugo sa kanyang labi.

"Saglit anong pagputok ng baril?" segunda ni Vanessa.

Napabuntong hininga ako. Mahabang paliwanagan na naman.

"Natatandaan nyo ba yung gabing sinabihan tayo ni Matt na maghintay muna bago sumapit ang alas dose?" tanong ko

Nakita ko namang tumango si Vanessa at Mia. Wala si Allison dahil pinatawag sya sa quarters nya kanina.

"Kasabay ng pagputok ng fireworks ay ang pagputok ng bar---" naputol ang sasabihin ko ng magsalita si Matt

"Oo" wala sa sarili nyang sagot.

Naikuyom ko ang kaliwang kamay ko. Kanina ko pang pinipigilan ang galit ko, mukhang masusuway ko ito.

Kusang gumalaw ang kamay ko at nasuntok na lang si Matt. Ibang klase e.

"Jerome tama na!"sigaw ni Vanessa

Mahina akong napatawa. Tama na? kulang pa nga yan sa lahat ng pagtatago ng mga nalalaman nya.

"Tutal nagkakalokohan lang naman tayong lahat dito. Mabuti pang umuwi na tayong lahat" hirit ni Raze na masama pa rin ang aura.

"Tangina umuwi?! Puta naman Raze! Naisip mo ba ang kalagayan nina Zein sa PHU?"

Natigilan kaming lahat ng sumigaw si Matt na ngayon ay nakatayo na.

"Anong gagawin mo kapag umuwi ka? Mag-iinom dahil sa kapabayaan mo sa school na pinapalakad mo? O baka naman maghahanap ng babae dahil wala si Allison?" galit na wika ni Matt.

" Matt! " sigaw naming lahat

Natigilang muli kami ng tumawa ito ng mahina at marahan na pumalakpak.

"Sige kampihan nyo sya, tutal dyan naman kayong magaling lahat diba? " panimula nya. Saksi ko ang pagkuyom ng isang kamay ni Raze.

The New Generation (Hell Univesity FANFICTION) On viuen les histories. Descobreix ara