Chapter 10 Bloody Hours

15.7K 426 33
                                    

Zein Point Of View

Kanina pa akong pauli-uli dito sa PHU na sa tingin ko ay halos libutin ko na. San na ba kase nagsusuot si ace? kanina lang sinusundan ko sya tapos bigla-biglang nawawala.

Hinipan ko ang buhok na humara sa mukha ko. Pagod na ako.

Naisipan ko munang umupo sa isang bench at sandaling namahinga.

Ipipikit ko muna sana ang dalawa kong mata ng nahagip ng mata ko ang isang grupo ng kalalakihan. Kumunot ang noo ko ng mapalingon silang lahat sa akin at binigyan ako ng tig-iisa nilang ngisi.

Sa paglagpas nila sakin ay ang pagkakita ko ng mga patalim sa mga likod nila.

dagger...

gun...

knife...

at pako...

Da hell! bakit meron sila nun?

Sa pagkakaalam ko sinabi sa orientation na bawal ang pagdadala ng patalim na syang inutos ni raze sa lahat?

Posibleng makalimutan nila yun, dahil matinding punishment ang matatanggap nila. Balak ko sanang tawagan si Raze para ipaalam ang nasaksihan ko kaso biglang nag-appear ang pangalan ni Vanessa sa caller I.D.

"Hello?" bati ko

"ZEIN! nauna na kami sa inyo ni Ace, san ba kase kayo nagsusuot kanina pa namin kayong hinahanap sa PHU" sigaw nya sa kabilang linya kaya agad kong nailayo ang cellphone sa tenga ko. Minabuti kong lagyan ng distansya ang pagkakalapit ng cellphone ko sa tenga ko. "nga pala kasama mo na ba si Ace?" pagdudugtong nya

Nakagat ko bigla ang kuko ko. Yun na nga ang problema, hayst!

"Oo kasama ko na si ace," pagsisinungaling ko

Alam kong babalik at babalik uli sila Vanessa dito kapag nalaman nilang mag-isa lang ako. Nagpaalam na agad ako kay Vanessa sa tawag bago pa nya malaman na nagsisinungaling lang ako.

Siguro mamaya ko na lang sasabihin kay Raze.

 Tumayo na ako sa pagkakaupo at nagsimulang hanaping muli si Ace.

Kanina ko pang napapansin na bilang lang ang mga estudyante na pakalat kalat at ang nakakalito pa ay halos lahat sila ay may hawak na patalim. 

Sa di kalayuan naagaw ng atensyon ko ang isang babae na sinisipat ang hawak nyang patalim na kutsilyo. Napalingon sya sa may gawi ko at binigyan ako ng isang ngisi.

Damn it! ano bang meron sa mga ngisi nila?

Inilibot ko ang mata ko sa paligid. Lalo pang nadagdagan ang pagkalito ko sa kakaibang ikinikilos ng mga estudyante.

Parang naghahanda ang lahat sa isang paparating na gera. Kabilaan ang paglalagay nila ng patalim sa gilid ng kanilang mga baywang. Saka ko lang napagtanto na parami ng parami ang mga estudyante sa paligid.

Gaya ng inaasahan ko nakaramdam bigla ako ng panghihinayang. Ang mga estudyanteng mala anghel na pumasok dito ay parang bula na nawala.

"Aaahhhhh!! bullsht!!"

Mabilis na umalarma ang ulo ko at hinanap kung saan nanggagaling ang kabilaang daing. Nahanap ko na lang ang sarili ko sa isang babae na sa tingin ko ay ang nagbigay sakin ng ngisi sakin kanina, na ngayon ay naliligo na sa sarili nyang dugo. Fuck!

Anong nangyayari?

Kahit na ilang agwat ang pagitan ko sa kanila, kita ko ang pagdaus-usan ng makikintab nyang luha na syang tumatama sa sinag ng araw.

The New Generation (Hell Univesity FANFICTION) Where stories live. Discover now