Chapter 15 Visit

11.9K 375 28
                                    

Zein Point Of View

"Nasaan sya?" tanong ko dun sa pulis na nag-assist sa amin pagkapasok.

Iginiya nya kami sa may private room kung saan kami-kami lang tatlo nina Ace at Headmistress ang maiiwan doon.

Parehas kaming umupo ni Ace sa harap nya na kung saan sinalubong nya kami ng kaniyang ngisi. Agad namang lumabas yung pulis ng senyasan sya ni Ace.

"Anong sadya nyo sa akin?" kalmado nyang wika, ngunit nanatili syang nakangisi.

Ipinatong ko sa lamesa ang dalawa kong kamay saka mataman syang tinitigan.

"Itigil mo na ang plano mo" diretsang sagot ko.

Namayani sa apat na sulok nitong silid ang malademonyo nyang tawa. Walang kakupas kupas ang ugali nya tsk.

Naikuyom kong parehas ang kamao ko ng mag maang-maangan sya "Wala akong alam sa sinasabi mo Zein"

Kinalma ko ang sarili ko at muling nagtanong.

"Itigil mo na ang panggugulo sa PHU" tanging iling lang ang isinagot nya sa akin damn this!

"Bakit nagpadala ka ng limang estudyante para manggulo sa PHU! Bakit muli mong binabalik ang dating HELL UNIVERSITY! KUNG SAAN MADAMI NANG ESTUDYANTE ANG NAGDUSA!" sigaw ko. Di ko na kayang ikalma ang sarili ko sht! I'm losing my control again.

Naramdaman ko ang paghawak ni Ace sa kanang balikat ko, sign na kailangan kong kumalma tulad ng napag-usapan namin kanina.

"Darling." Halos pabulong nyang wika.

Mariin kong naipikit ang dalawang mata ko. Pagkamulat ko tumambad sa akin ang seryosong mukha ni Madame Violet.

"Lubayan mo na ang PHU, kelanman hindi mo na ito pag-aari pa," pagdidiin ko" magkakamatayan muna tay—"

"Nagdusa?"mahina itong napatawa. Mataman syang tumingin sa akin "diba dapat magpasalamat ka pa sakin huh—Zein?"

May kung ano akong naramdaman sa tuwing binabanggit nya ang pangalan ko. Sinamaan ko sya ng tingin, mata sa mata.

"Mung di ko sana kayo ikinulong sa paaralang pag-aari ko, makikilala mo ba si Supremo?"

Saglit akong natigilan sa sinabi nya. Napatigin ako kay Ace. Nginitian nya lang ako pero mababakas sa mata nya na nasaktan sya. Damn! Ang tanga mo Zein!

"Kung pagdurusa lang ang naranasan nyo sa pamamahala ko anong tawag sa nabuong pagmamahalan nyo?"

Di ko inintindi ang muli pa nyang sinabi. Nanatili akong nakatingin kay Ace. Nginitian ko sya sabay mouth word ng 'sorry darling' saka ako muling humarap sa headmistress.

Sumusobra na sya!

"Forbidden love? Fuck! Wag mong ipamukha sakin Zein na wala akong naidulot na maganda sa inyo! Dahil kung hindi sa akin hindi magtatagpo ang landas nyo!" pagalit na turan nya sakin.

Napayuko ako. Tama sya, kung hinayaan nya kaming makalabas ng mga kaibigan ko hindi ko sya makikilala. Hindi ko makikilala ang supremo na nagpabago ng buhay ko. Napaangat ang tingin ko saka tumigin kay Ace ng hawakan nya ang isa kong kamay na nakapatong sa lamesa.

"Hindi ikaw ang naging daan para magkakilala kami" panimula nya, naramdaman kong pinisil nya ang kamay ko.

"Puso namin ang may dahilan kaya naging kami" seryoso nyang saad habang nakatingin sa headmistress.

Unti – unting sumilay ang ngiti sa aking labi. Napahigpit ang kapit ko sa kamay ni Ace ng muling tumawa ang headmistress. Baliw na sya.

"Puso? Fuck! Dahil sa tangnang puso yan! Nagkanda letche-letche ang lahat! " pagwawala nya. Pero hindi sya makagalaw ng maayos dahil nakaposas ang parehas nyang kamay sa may likod ng upuan. Expected na naming magwawala sya kaya nakiusap kami sa pulis na iposas sya sa ganong posisyon.

The New Generation (Hell Univesity FANFICTION) Where stories live. Discover now