Tumango ako sa kanya.

"Gusto mo ba ipakilala na kita kay Kuya Nick? 'Di ba crush mo sya?" I teased him.

Mabilis na hinampas ni Kit ang balikat ko.

"Gago! Dati pa yun, di na ngayon. Atsaka baka magalit ang fiancé ko."

Naningkit yung mga mata ako upon hearing the phrase 'fiancé ko'.

Hmmm!

"Fiancé?! Don't tell me pumayag ka na ron sa gusto nila Tito na makipag-arrange marriage ka?!" hindi ko napigilang mapasigaw.

Parang kailan lang ay umiiyak pa sakin si Kit dahil nalaman nyang gusto syang ipakasal sa taong 'di nya naman mahal or kilala man lang.

Tapos ngayon may pag-angkin na sya?

"Ganun na nga Ai'Yo. Kasama namin yung fiancé ko sa Sydney vacation namin kaya nagkaroon kami ng time to know each other. Ayun, mabilis naman kaming nagkagaanan ng loob kaya pumayag na rin ako..."  he explained shyly.

Napansin ko rin na medyo namula ang pisngi ni Kit nun maalala ang vacation nila.

Confirmed! Mukhang gumugusto na nga ang bestfriend ko.

"Okay. Maganda ba yang fiancé mo na yan? Ipakilala mo sakin para makilala ko naman."

Kailangan kong makilatis ang mapapangasawa nitong bestfriend kong pinaglihi sa dimples.

"Gwapo si Pree, Ai'Yo. Hindi maganda."   pagtatama sakin ni Kit.

Ohh! Lalaki pala ang fiancé nya.

Hindi na ako nagulat dahil common thing na lang naman dito sa Thailand ang same sex relationship.

Atsaka may nabalitaan na akong same sex arrange marriage bago pa yung sa kanya.

"Ipapakilala ko na lang sayo si Pree kapag libre na sya sa trabaho. Marami pa kasi syang hinahabol ngayon dahil nga ang tagal nyang nagbakasyon kasama kami." dagdag pa ni Kit.

"Ahh okay, nagwo-work na pala yung fiancé mo? Akala ko ay ka-edaran lang natin sya."

"Oo Yo, nagwo-work na sya. Sya na ang nagha-handle ng company nila. Hindi natin sya ka-age pero 'di naman sya ganun katanda. 25 years old lang si Pree."

"I see."

Tumango-tango na lang ako kay Kit.

I dunno why pero bigla akong nakaramdaman ng inggit dito sa bestfriend ko.

Si Kit kasi ang pinagpala sa lalaking lahat.

Mayaman ang pamilya nya at mayaman rin ang mapapangasawa nya.

Tapos based pa sa mga sinabi nya ay mukhang gusto rin talaga sya nung Pree.

Buti pa sya secured na ang romance at finance!

How to be like Kit po?

Sana ako rin makahanap ng mayamang tao na magma-mahal at mag-aahon sakin sa kahirapan.

'Di na importante kung babae or lalake, ang mahalaga ay mapera.

Wala eh, sarili ko lang kasi ang aasahan ko kung gusto kong tumaas ang status ko sa social ladder ng Bangkok.

Sigurado naman kasi ako na kulang pa sa mga stepbrother ko ang yaman ng daddy nila.

Hindi na ako umaasa na mapapamanahan ako ng kahit ano dahil sampid lang ako dito.

'Di rin naman kasi sila ganon kayaman. May-kaya ang right term to describe their wealthiness.

"Yo dalan mo ako ng juice sa kwarto."

ThirstyМесто, где живут истории. Откройте их для себя