Silent Scream - Prolouge

5.5K 243 42
                                    

SILENT SCREAM
By Its_Daphii

---

Prolouge

"Manong Driver, malayo pa ba tayo sa resort nila Aki? Bored na bored nako." Tanong ko sa driver nila Aki na nagmamaneho ng sasakyan ngayon.

E paano ba naman alas tres na ng madaling araw pero ito parin kami. Tinatahak ang madalim na daan papunta sa Resort ng kaklase ko. Ang sakit-sakit na ng pwet ko at gustong-gusto ko nang tumayo.

"Medyo malayo pa po Ma'am. Hindi ko pa natatanaw yung malaking simbahan na malapit sa Resort nila Sir. Aki e."

Hays. Nakakainis. Hindi ko naman magamit yung phone ko dahil low battery na. Bakit pa kasi napuno yung maliit na bus na inarkila namin at kailangan pa naming humiwalay ng sasakyan sa mga kaklase ko. May tatlo akong kasama dito. Pero ayun, tulog na tulog sa likod. Wala tuloy akong makausap.

Humarap nalang ako sa bintana at pinagmasdan ang lugar na dinadaanan namin. Walang masyadong poste sa gilid ng daan para magbigay ng liwanag. Wala rin akong matanaw na mga bahay-bahay. Puro puno lang ang nakikita ko at para kaming nasa gubat kung tutuusin.

Papikit nako ng maramdaman kong tumigil ang sasakyan at tinawag ako ni Manong Driver.

"Ma'am? M-Ma'am.."

Minulat ko ang mata ko at dali-daling humarap sa kanya ngunit di ko inaasahan ang nakita ko sa harapan ng sasakyan namin.

"M-manong driver. I-atras mo."

"Pero Ma'am, delikado. Baka mahulog tayo sa bangin."

"Wala akong pake! Basta i-atras mo!" Sigaw ko sa kanya.

Dali-daling inatras ni Manong Driver ang sasakyan. Pero bago pa man kami maka-atras..

"AAAAAAAAAHHHHHHHHHHH!"

END OF PROLOUGE

Started: 04/22/18
Ended: 09/02/18

---

Silent ScreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon