Chapter 2

28 2 1
                                    

That Love You Didn't Expected CHAPTER 2
written by cxrl

30 minuto na ang nakalipas ng umalis ako sa bahay. Nakasakay na ako ngayon sa isang taxi papunta sa terminal ng bus. Oo, bus lang gamit ko kasi wala akong alam sa pagda-drive ng kotse. Medyo mabagal ang daloy ng trapiko ah.

Pagkababa ko sa taxi, tumambad sa aking mga mata ang napakaraming tao sa terminal. Ang haba ng pila. Agad kong hinanap ang pila ng Airconditioned Bus pero wala na daw airconditioned bus, kaya napakuyom-kamao ako at pumila nalang sa non-airconditioned bus. Putek na toh! My face started to draw an image of irritation. I'm an impatience person pagdating sa ganito kahabang pila.

Sumampa na ako sa loob ng bus. Nasa bandang gitna at gawing kaliwa ako umupo. Sa bandang bintana. Ansarap kasi tingnan ang view ng nature. HAHAHAHA. Kaso ang init! Ano pa nga bang aasahan mo sa isang UNARCONDITIONED PUBLIC BUS? Diba?! Argh.

Ewan ko ba. Para akong nasusuka sa baho ng amoy ng mga non-airconditioned bus. Ewan ko kung yung makina ba nila o yung mismong bus. Di kasi talaga ako sanay sa hindi aircon na bus. Bumabaliktad sikmura ko. Argh. Hell talaga! Sana walang traffic ng makababa na ako dito.

Napansin ko na nasa gawi ko na ang konduktor. Inirapan ko sya at muling pinagmasdan ang magandang view. Hays. Nagulat nalang ako ng marinig kong nagsalita itong si manong konduktor.

"Hoy! Ano, asan bayad mo?!" pagsigaw nito sa akin na parang galit na naiinis na ewan. I can't explain.

Naalala ko nalang, di pa pala ako nagbayad

"Nako, balak mo pa atang hindi magbayad ah! Ano toh, modus?!" pagsigaw nyang muli.

Napansin kong nakatingin na pala sa akin ang mga tao dito sa loob ng bus. Napahiya ako shit. Bat kasi kinalimutan ko magbayad. Lupa, lamunin mo ko! Waahh. Hiyang-hiya ako!

"Oh Manong, I'm so sorry that I forgot to pay for the transportation fee. And for your fvckin' information, it is not a modus. I'm a well-mannered person!" pageenglish ko sa kanya. Hmp!

"Paenglish-english ka pa eh. Yung bayad mo ibigay mo na!"

I sighed. Matapos nyang sabihin sa akin yun, iniabot ko na ang bayad ko sa manong na toh.

Inirapan ko sya habang kinukuha ko ang sukli sa bayad ko sa matandang yon.

Takteng araw toh! Ang malas. Kanina sa condo, nailuto ko ang expired na bacon. Pangalawa, NON-AIRCONDITIONED Bus pa nasakyan ko. Pangatlo, itong si manong na akala kasali ako sa modus operandi. Pangapat, itong TRAFFIC na toh na mala- forever. Ayyy veh, wala palamg forever. Hindi naman Friday The 13th ngayon pero bat ang malas ko. Argh!

Isang oras na ang lumipas at kinuha ko ang cellphone ko sa bag. Saka ako nag facebook. Dalawampung minuto rin akong nagi-scroll up and down sa fb kaya tinamad na ako. Wala naman akong kachat.

Hindi na gumagalaw ang bus. I wonder why. So I stood up to see what's going on. Argh! It's fvckin' traffic. Bakit ba kasi traffic. Putek na yan. Susuka na talaga ako! Ayoko na!!!! Aaahhhh. Hindi maipinta ang aking mukha dahil sa trapik at ayaw umusad ng mga sasakyan.

I get ny headphone inside my bag. I played the song Dying Inside To Hold You on a full volume.

Napaisip ako ng paraan para maibsan ang boredom ko. Napaisip ako na, mag-hanap ng gwapo na lalaki sa ibang bus na dadaan. Malandi na ba ako? Answer me. Charot. Ilang saglit lang at may nakita ako, shet veh. Eng gwepe nye. Parang nagpaparty ang mga organs ko sa kilig hahahhaha. Sana huminto ung bus nila. Hahahahhahah. Sana tumingin sya. Waaahhh. Napasigaw nalang ako ng makita ko syang tumitig sakin. Waaahh.

"ANO PANGALAN MO KYAH?!" pagsigaw ko. Nagtinginan lahat sakin pero wala nalang akong pake sa kanila. Hahahah. Halos magkadikit ang mga bus namin. Sasagot na sana sya ng biglang gunalaw ang bus namin. Nakakapanghinayang veh!!!! Sasagot na sya ehh! Kaso ayun, napurnada! Ayoko na sa earth!

Biglang tumigil ang bus namin. Nakamukmuk akong pinagmamasadan ang view sa labas. Napansin kong may paparating na isang bus, taimtim akong napasabi

"Sana bus yan nila Kuyang Pogi. Sana bus nila yan" sambit ko sa mahinang boses.

Dumaan ang bus at pagtingin ko sa mga pasahero, andun sya!!! Di ako binigo ng prayers ko. Ahihihi.

Nagpakyut ako habang sinusulyapan ko sya. Napansin nya akong nagpapabebe sa kanya. Ahahhaha. Itatanong ko na sana ang pangalan nya but I saw him raising a piece of a paper. I read it

"Love is to endure the pain and to sacrifice for all"
-Neil G.

Ayie. Keneleg ake henggeng bone marrow. Ahihihi. Umandar ng mabilis ang bus na sinasakyan ko. Hindi mawala sa isip ko yung pa-quote ni Koya. Hahhahha. Sige, isa na yun sa mga fave quote ko. Ahihihi. Huli na ng mapansin ko na wala na palang traffic. Nadismaya ako kasi di ko na sya makikita. Napaduck face ako. :( Xoxad naman. Hindi parin maalis sa mukha ko ang saya. Kakeleg telege.

Feeling ko sya na si DA ONE. Sya na si Mr. Right. Sya na ata ang lalaking makakasama ko sa harap ng altar. Pero pano ko sya makikilala? Too impossible. Imposibleng magkita pa kami. Napakalawak ng Pilipinas. Bahala na, kakausapin ko nalang si Kumareng Destiny. Magpapatulong ako.

Lumipas ang dalawa at kalahating oras, narating ko na ang bayan namin. Meaning to say, ilang minuto nalang mula ngayon ay bababa na ako dito sa bus na toh.

10 minutes later...

Pagbaba namin sa sasakyan, inirapan ko ulit si manong konduktor. Sumakay ako ng tricycle papunta sa subdivision namin dito sa Batangas. Hindi parin mawala sa isip ko si Koya. Neil G daw sya. Pano ko naman mahahanap yun sa FB noh! Andami kayang Neil G sa mundo. Hmp.

Pagbaba ko sa tricycle, bumungad sa akin ang aming malaki bahay. Malaki ito but not the mansion type. Tama lang para sa isang CPA Lawyer ko Daddy at isang Business Woman and resto owner kong Mommy.

Pagpasok ko sinalubong ako ng ngiti ng mga kasambahay dito. I asked them.

"Where is Mom?"

"Nasa kwarto nya po Ma'am Leiah" sagot nya sa magalang na boses.

Kinuha ng maid ang bag ko. Kaya shoulder bag na lamang ang naiwan sa akin.

Tumungo ako sa kwarto ni Mommy. Pansin ko ang kaunting pagbabago dito sa bahay. Yung mga chandeliers ay napalitan na ng bago. Pati narin ang mga pintuan, nagkaroon na ng designs. Even though there's some changes happen in this house, I still don't want to stay here for so long.
I reached mother's room.

I knocked on the door.

"Who's there?" pagtatanong ni Mommy

"It's me, your daughter." sagot ko na may matamlay na boses

"Oh. There you are. Pumasok ata may sasabihin ako"

Unti unti akong pumasok sa malamig na kwatro ni Mom.

"Kumusta ang byahe?"

"It's fuckin' boring, Mom"

"I didn't expected to ride on a non airconitioned bus" dugtong ko.

"I guess youre tired, am I right?

"Yes I am. So what's the reason that I am here?" pagtatanong ko

"Pagbabantayin kita ng resto for one month"

"WHUT?! MOM?! SERIOUSLY?!" gulat na sagot ko

"Mom, I'm a TOURISM Student, not a Business student. Malay ko ba sa pagpapatakbo ng resto" dugtong ko.

"Tuturuan ka ni Tita Peach mo. We'll leave tomorrow. Goodluck!" sagot nya.

Iniwan akong nakatulala ni Mom dahil sa mga sinabi nya. Napako ako sa aking kinalalagyan. I really hate to be the Acting Manager of a restaurant.

That Love You Didn't ExpectedWhere stories live. Discover now