BM 26: AKIN LANG!

2.5K 73 2
                                    


Third person's POV

"No oh, not Viola"
Sambit ng babae na may malawak na ngiti.
Napakunot naman ang noo ni Evelia sa sinabi ng babae.

"Paano kayo nakatakas?"
Tanong na lamang ni Evelia

"Hindi na importante 'yon, ang mahalaga nasa harapan mo na kami ngayon at pinagmamasdan kung gaano ka kaawa-awang tignan. Mukhang hindi ka sinipot ng groom mo"
Litanya ni Viola na may nakakalokong ngiti.
Tila tinablan naman si Evelia dahil napatiim bagang ito at masama ang tingin sa kanya.

"Nasaan si shou?"
Si Evelia na malalim na ang boses.

"I'm here."
Napalingon naman ito sa kanyang gilid.
Seryoso ang mukha nito.

"What is the meaning of this shou?!"
Sigaw niya sa binata.

"Stop acting like an angel, Evelia. I can't believe na isang demonyo ang nagtatago sa likod ng mala anghel mong mukha"
Sagot nito dahilan para matigilan si Evelia.

"How dare you!"
Sigaw niya at sa sobrang galit ay itinaas niya ang kamay sa dereksyon ni Shou pero bago pa niya magawan ng masama ang binata ay sumulpot na sa harapan niya si viola.

"Ako ang harapin mo my dearest twin"
Sagot nito sa may malamig na tono dahilan para matigilan si Evelia.

'Her voice'
Sa isip ni evelia ng makilala ang boses ng dalaga.

Maging sila shou, anna, ron, Reyla at iba pang nandoon ay nagulat din.

"E-everlia? P-paanong"
Sambit pa nito kaya agad na napangisi si everlia.

"Paanong buhay ako?"
Bigla namang natawa si Everlia. Unti-unti ay nagbago ang itsura at katawan nito hanggang sa maging si everlia na talaga siya.

"Line mo noon, line ko na ngayon. Anyway, thanks to viola dahil pinahiram niya sakin ang pagkatao niya. Until now shock parin ako dahil mayroon akong kapangyarihan na ganito."
Hindi maipagkakaila ang saya sa bawat salit nito.

"Huh! Kayang kumopya ng katauhan ng iba? Sa tingin mo ba matatalo ako ng kapangyarihan mong yan?"
Nakangising sagot ni evelia pero mas lalong lumawak ang ngiti ni everlia.

"Ganon naba talaga kababa at kahina ang tingin mo sakin? Baka nakakalimutan mo, kahit pagbali-baliktarin mo man ang mundo kakambal mo parin ako!. Kung gaano ka kalakas ganon din ako, kung hindi ka mamamatay ganon din ako. Magkaiba man ang kapangyarihan nating dalawa, wala parin tayong pinagkaiba. Nauna mo lang natuklasan ang sayo samantalang ang akin, nung pinatay mo ako. Pero salamat narin dahil kung hindi mo ginawa 'yon habang buhay akong magiging mahina at sunod-sunuran sayo."
Sagot din nito.

Tahimik at matiim na nakikinig ang lahat, naguguluhan at hindi malaman ang gagawin.

"Oo, sobrang baba ng tingin ko sayo bukod pa don ay kinamumuhian kita ng sobra! Kaya nga ayaw kong malaman ng lahat na may kambal akong katulad mo! At kahit ano pang sabihin mo, hinding hindi mo mahihigitan ang lakas ko!"
Sabi pa ni Evelia at itinaas ang dalawang kamay.

"Umalis na kayo"
Sambit ni Everlia kay shou na nasa likuran niya.

"Hindi, hindi kita pababayaan. Hindi sa pagkakataong ito, Everlia"
Sagot nito at nagtungo sa tabi niya.

"Ginagalit niyo talaga ako!"
Sigaw ni evelia at naglabas ng kuryente sa dalawang kamay niya at itinira sa dereksyon ng dalawa na mabilis na nakaiwas sa magkaibang dereksyon.

"Akin kalang shou! Akin kalang!"
Sigaw nito at si shou ang pinuntirya.
Nagkakagulo na ang lahat sa paligid.

Ang ibang wolf ay sinugod si Evelia pero pinatalsik niya lang ang mga ito. Samantalang ang mga Vampire naman ay ginamit ang bilis nila para lapitan ang babae pero bago paman makalapit ang mga ito ay parang may barrier na humarang sa kanila at ikinulong sila sa loob. Nagpupumilit na lumabas ang dalawang Vampire na nasa loob non na parang unti-unting nauubusan ng hangin hanggang sa sumabog ang katawan ng mga ito dahilan para mapahalakhak si Evelia.

Matapos pagaksayahan ng oras ang dalawa ay ibinalik na niya ang atensyon kay shou.

Naglakad siya palapit sa binata na may hawak ng espada at nakaamba sa kanya.

"Bakit shou? Bakit mas pinili mo siyang kampihan kesa sakin?"
Tanong ni evelia na puno ng hinanakit na tono.

"Dahil hindi naman talaga ikaw ang mahal ko! Alam mo na si Everlia ang una kong nakilala. Paulit-ulit kong sinabi sayo na nagustuhan na kita nung una palang tayong magkita pero hindi ka umamin na hindi ikaw yon!"
Sagot ni shou na may halong galit at pagkadismaya.
"Isa kang sinungaling, hindi ko kayang makasama ang isang tulad mo!"
Dugtong pa nito na mas nakapagpatindi ng galit ni Evelia.

"Kung hindi ka mapapasakin, mas mabuti nalang na mamatay ka"
Sambit nito sa malamig na tono. Ipinikit niya ang mga mata at sinubukang higupin ang kaluluwa nito pero walang nangyayari kaya natigilan siya.

"Bakit walang nangyayari?"
Tanong nito sa sarili.

"Dahil akin yan, AKIN LANG!"
Muling natigilan si evelia ng marinig ang boses ng kakambal sa kanyang likuran.
Ng makabawe ay mabilis niya itong hinarap at tinira ng kuryente niya pero agad na naglaho si everlia sa harap niya.

"Naiinis kana ba kambal ko?"
Sambit nito na nasalikuran ulit ni Evelia. Humarap sa kanya ang kambal kaya mabilis niya itong tinira ng kuryente tulad ng kapangyarihan ni evelia dahilan para tumalsik ito palayo.

"Kung kaya kong kopyahin ang katauhan ng isa tao, kaya ko ring kopyahin ang kapangyarihan ng kahit sino. Kahit ikaw pa"
Sabi ni everlia na malawak ang ngiti.

Mabilis namang nakabangon si Evelia, halos  masunog ang kalahati ng gown nito dahilan para ma expose ang halos kalahati ng bewang niya.

"Talagang sinusubukan mo ako"
Halos mag alab ang mga mata ni evelia sa tindi ng galit.

Lumutang ito sa ere, at sunod-sunod na tiniri ng apoy ang paligid. Parang wala na ito sa katinuan.

"Papatayin kita, papatayin ko kayong lahat!"
Sigaw nito at humalakhak ng pagkalakas lakas.

"Shou! Ikaw na ang bahala sa lahat ng nandirito! Ilayo mo silang lahat dito!"
Utos ni everlia sa binata.

"Pano ka?"
Tanong ni shou na puno ng pag aalala.

"Wag mo akong alalahanin! Kaya ko na ang sarili ko"
Sagot ni everlia ng may ngiti kaya wala ng nagawa si shou kundi ang sumunod.

Mabilis itong tumakbo at inalalayan ang lahat palayo sa center crown.

"Shou!"
Napalingon ang binata kay alwira, kasama nito ang mom at dad niya maging sila anna.

Bumalik na ang buhay nito ng mamatay si Veronica sa tulong narin ni Heiler.

"Ron, dalhin mo sila sa Wolf Mountain!"
Utos ni shou sa binata na agad namang tumango.

"Shou! Paano ka?"
Tanong ng kanyang mom.

"Hindi ko po pwedeng iwan si Everlia dito ng mag isa."
Sagot niya na puno ng tapang.

________________

Muling ginamit ni Everlia ang kuryente para patamaan si Evelia pero mabilis itong nakaiwas. Bumaba ito mula sa pagkakalutang at muling hinarap ang kakambal.

"Ako ang bumuo ng mundong ito, kaya kung wala ako wala rin ito!"
Sigaw nito sabay halakhak.

"Hindi ko hahayaang mangyari yon"
Sagot ni everlia na puno ng determinasyon.
"Magkakamatayan muna tayo"
Dugtong pa nito.

"Matagal ko ng hinihintay yan"
Sagot pa ni Evelia na malawak ang ngiti.

_________

PLEASE VOTE AND COMMENT <3

BUY ME (Fantaseries #1) [COMPLETED]Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα