BM 12: TWIN?

3.3K 95 7
                                    


Shou's POV

"Talagang hinahamon mo ako. Tignan natin kung hanggang saan ang tapang mo."
Mabilis na naglabas si Veronica ng latigo.

Si eve naman ay nanatiling nakatayo at seryoso.
Bakit ganito? Ngayong nakita ko na ang totoo niyang kapangyarihan parang ibang tao ang nasa harapan ko. Pulang pula ang mga mata niya.

Unang sumugod si Veronica, iwinasiwas niya ang latigo kay eve. Nabahala ako ng hindi manlang niya iniwasan ang lahat ng atake ni Veronica.

"Huh! Ni hindi mo manlang naiwasan ang mga atake ko"
Ngisi ni Veronica ng huminto siya sa pag atake.
Punong puno na ng sugat sa buong katawan si Eve, maging ang makinis niyang mukha ay nagalusan narin.

"Tapos kana?"
Walang ganang tanong niya na ikinainis ni Veronica pero agad iyong naglaho at napalitan ng gulat ng makita ang unti-unting paghilom ng sugat ni eve. Pati ang dugo sa buong katawan niya ay parang sinisipsip ng balat niya.

"P-paanong"
Halos hindi nito matapos ang sasabihin sa pagkabigla.

"E-eve"
Napalingon ako kanila crey at Gavin na gulat na gulat. Halos manginig ang mga ito sa sobrang takot dahil sa nakikita.

Maging sila Jax, Draven at Sastria ay nagkamalay nadin at hindi makapaniwala sa nakikita.

"Who are you?!"
Sigaw pa ni Veronica.

"You don't know me?"
Tanong din ni eve.

"Kaya nga tinatanong kita diba?  Stupid!"
Gigil na sagot ni Veronica. Ngumisi naman si eve at sa isang iglap, nawala siya sa harap ni Veronica. Naalarma naman ang babae pero huli na dahil nasa likod na niya si Eve.

"Nakalimutan mo na agad ako? Ikaw pa naman ang inaasahan kong unang makakakilala sakin"
Sabay ngisi ulit nito. Tila naman natigilan si Veronica.

"E-velia?"
Hindi makapaniwala nitong sambit.

"Nope" naiiling na sagot ni Eve. Anong ibig niyang sabihin?

"It's Everlia, evelia's Twin"
Muling natigilan si Veronica pero mas malaking impak sakin ng sinabi niya.

S-she's not Evelia?
Para akong natuod sa kinauupuan. Gulong-gulo at tulalang nakatingin sa kanya. Biglang napadako sakin ang tingin niya kaya nagsalubong ang mga mata namin.

Hindi si Evelia ang nakuha ko? Pero paanong nangyari yun kung presensya ni Evelia ang nararamdaman ko sa kanya? At mas lalo akong natulala ng maalala ko ang nangyari kaninang umaga.

Napayuko nalang ako. Kaya ba, walang naging reaksyon ang puso ko ng sabihin niya ang tatlong salitang 'yon? Kaya ba wala akong maramdaman at hindi ko masabing mahal ko rin siya kasi hindi naman talaga siya ang taong hinahanap ko?

Napakatanga mo shou!!!

Veronica's POV

Evelia's twin? Paanong nangyari na may kambal siya?  Ni minsan walang nabalitang may kambal siya!

"Ang tagal kong hinintay na makarating dito at makasalamuha ang mga taong dahilan ng pagkamatay ng kambal ko."

So nagtagumpay kaming patayin siya? Huh! That demon! She deserve to die! Sa sobrang tuwa ay hindi ko mapigilang matawa.

"Ang akala ko tumakas lang siya sa mundong 'to, 'yun pala patay na siya. Hahahaha hindi ako makapaniwalang napatay namin si Evelia, ang babaeng lumikha sa mundong ito, ang pinakamalakas sa buong CROWN."
Hindi ko mapigilang magbunyi dahil sa nalaman.

"Tama...At salamat sa inyo dahil hindi ko na kailangan pang dungisan ng dugo niya ang mga kamay ko."
Agad na nawala ang ngiti ko dahil sa isinagot niya. Tama ba ang pagkakaintindi ko? Gusto niyang mamatay ang kambal niya?

BUY ME (Fantaseries #1) [COMPLETED]Where stories live. Discover now