BM 3: What's Happening?.

6.5K 174 7
                                    

Third person's POV

"Where's, Shou?"
Tanong ni Jax sa isa sa mga kasama niyang naglalakad sa isang malawak at mahabang pasilyo.

"In his room"
Tumango naman siya at nauna na sa mga kasamang maglakad. Lumiko siya sa isang madilim na pasilyo at sa dulo non ay may isang pinto. Kumatok muna sya ng tatlong beses bago pumasok.

"Shou"
Tawag pansin niya sa lalaking nakaupo sa tapat ng bintana habang nakatanaw sa mga nagkikislapang bituin.

"She's not with you. I can't feel her presence"
Sagot nito ng hindi siya nililingon.Nanindig naman ang balahibo niya sa lamig ng boses ng lalaki, sumabay pa ang pagihip ng malamig na hangin.

"Ayaw niyang sumama."

"Then force her. Do everything just to get her and bring her here immediately."
Kahit hindi niya nakikita ang expression ng lalaki ay ramdam niya na seryoso ito.
Napapailing naman siya.

"Shou, ano bang meron sa kanya at Gustong-gusto mo siyang madala dito? She is just an ordinary girl."
Halos mapapitlag siya ng lumingon sa kanya ang lalaki. Nasalubong ng asul niyang mga mata ang berdeng mga mata ni shou.

"There is no time to talk, Jax. Go there and get her."
Malamig na sagot nito at muling ibinaling sa labas ang tingin.
"I can not miss this opportunity."
Wala na siyang nagawa kundi ang mapailing at tuluyan ng lisanin ang Mansion upang balikan ang babae.

______________

Lia's POV

I will get you!
I will get you!
I will get you!

Mabilis akong napabangon at halos mapahawak pa ako sa dibdib ko dahil naninikip ang dibdib ko.

My gosh! Anong klaseng panaginip 'yon?
Isang babaeng nakaitim ang pilit na umaabot sa akin papunta sa kadiliman.

Shocks! Maloloka yata ako sa panaginip na 'yon.

"Gising kana pala. Kumusta ang pakiramdam mo? May masakit ba sayo?"
Naramdaman ko nalang na bigla akong niyakap ni nanay.

Eh? Anong nangyari?

"Ayos lang ako nay, ano po bang nangyari?"

"Hindi mo maalala? Bigla ka nalang nawalan ng malay pagkapasok mo ng bahay."
Napakunot naman ang noo ko at pilit na inalala ang nangyari. At pagtapos ng ilang segundo bumalik na sa isip ko. Pagkatapos kong kausapin yung Jax ay pumasok na ako sa loob at pinagsaraduhan siya, tatawagin ko na sana si nanay non pero nawalan na nga ako ng malay.

"Halika kumain kana, pinauna ko na ang mga kapatid mo. Tayo nalang ang magsabay."
Inalalayan naman niya ako papunta sa lamesa. Kahit mahirap kami maswerte parin ako dahil siya ang naging nanay ko dahil kahit kailan hindi niya kami pinabayaan. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag nawala siya sakin.

Puro kwentuhan lang kami habang kumakain. Hindi nga namin namalayan na mag iisang oras na kaming nasa lamesa.

"Ako ng bahala dito, magpahinga kana"
Sabi ni nanay habang nagliligpit ng pinggan.

Umiling naman ako. "Hindi nay, ako ng bahala dito kayo napo ang magpahinga."
Nagpipilitan pa kami hanggang sa siya na ang sumuko.

"Sige, Magbabanyo lang ako."
Nginitian ko siya at tinanguan kaya dumeretso na siya sa banyo.

🎶"I must be crazy now
Maybe I dream too much
But when I think of you
I long to feel your touch" 🎶

Kanta ko habang nagliligpit ng pinagkainan namin ni nanay. Nag eenjoy ako sa pagkanta ng makarinig ako ng kumakatok.

BUY ME (Fantaseries #1) [COMPLETED]Kde žijí příběhy. Začni objevovat