BM 22: Everlia's Death

2.3K 69 6
                                    

Continuation po sya bago magsimulang alalahanin ni Everlia lahat.

Eve's POV (everlia)

"Dahil mang aagaw ka! Pero hindi porke nasayo ang una niya magiging sayo narin ang huli. Sakin... sakin siya magtatapos Everlia."

Mabilis na napunta sa kamay ni Evelia ang espada ni Shou.

"Kamatayan mo, kapalit ng lahat ng buhay na narito."
Sambit pa nito at iniamba na ang espada ni shou sa akin.

"Kahit galit ako sayo, pinili parin kitang tulungan ng mga panahong lumapit ka sa akin na naghihirap. At kahit ginamit mo lang ako, hindi ko pinagsisisihan ang mga nangyari dahil muli ko siyang nakita. Mahal ko siya Evelia, kahit patayin mo pa ako hinding hindi iyon mag babago."
Sambit ko, at tulad ng sinabi ko sa pagkakataong magkikita kaming muli ay ipaglalaban ko na siya.

Gagamitin ko sa kanya ang sarili niyang kapangyarihan.

Itinaas ko ang kamay ko at pilit na kinontrol ang espada na hawak niya. Tila hindi niya iyon inaasahan kaya nagawa kong agawin sa kanya ang espada at ihagis palayo. Ginamit ko ang natitira kong lakas para tumayo at hinarap siya.

"Kung noon wala akong nagawa, hindi na ngayon. Makikipaglaban ako sayo hanggang kamatayan"
Sambit ko.

"Subukan mo ako, Everlia"
Pang hahamon pa nito.

Pinaglaho ko ang aking sarili, pero nakikita ko parin ang bawat galaw niya. Nanatili lang ito sa pwesto niya at hindi manlang gumagawa ng kahit anong kilos.

Alam ko na pinakikiramdaman niya ang presensya ko. Malakas siya inaamin ko, mas malakas sakin. Kaya nga ako naging sunud sunuran noon sa kanya.

Sumulpot ako sa likod niya at naglabas ng apoy sa mga kamay ko at ibinato sa kanya ngunit nagulat ako ng bigla siyang mawala hanggang sa maramdaman ko ang presensya niya sa likuran ko.

"Sinong tinitira mo doon mahal kong kapatid?"

Bago pa ako makakilos ay naramdaman ko na ang kamay niya sa balikan ko at nakaramdam ako ng malakas na boltaheng unti-unting lumalamon sa katawan ko.

"Aaaaaaahhh!!!!"
Hiyaw ko sa tindi ng sakit pero natawa lang si Evelia. Tinigilan niya lang ako ng mapaluhod na ako sa sahig.

Huminga akong ng makailang ulit at pilit na itinaas ang aking kamay.

"P-papatayin kita"
Mahigpit kong ikinuyom ang palad ko at nanlaki ang mga mata ko ng makaramdam ako ng paninikip ng dibdib.

'A-anong nangyayari?'
Halos sa isip ko nalang iyon nasabi dahil sa pagkagulat.

"Hindi mo magagamit laban sakin ang sarili kong kapangyarihan mahal kong kapatid."
Sagot nito na tila nababasa ang iniisip ko.

Napahawak ako sa dibdib ko ng unti-unting bumilis ang tibok non na parang anytime ay sasabog na.

Hindi ko na malaman kung anong gagawin dahil bigla nalang mamimilipit at bibilis ang tibok ng puso ko.

Nakita kong lumapit siya sakin at lumuhod sa harapan ko para magkapantay kami.

"Maraming salamat kapatid ko pero kailangan ko ng bawiin sayo ang kapangyarihan ko."
Sambit niya bago pinikit ang kanyang mga mata at hindi rin nagtagal ay nakaramdam ako ng unti-unting paginit sa buong katawan ko.

Parang pinapaso ang loob at labas ng katawan  ko. Ito rin ang pakiramdam nung ibigay niya sakin ang kapangyarihan niya.

"Aaaaaaaaaaahhhhghgggggg!!!!!"
Hiyaw ko. Unti-unting lumalabas sa katawan ko ang usok na kulay puti at itim at habang patagal ng patagal ay unti-unti ko naring nararamdaman ang panghihina ng katawan ko hanggang sa tuluyan na akong sumalampak sa sahig, habol ang aking hininga.

BUY ME (Fantaseries #1) [COMPLETED]Where stories live. Discover now