BM 7: PARTY

4.8K 119 1
                                    

Eve's POV

Pagkababa ko ng living room ay nakita ko si Shou na prenteng naka upo sa sofa habang naka de kwatro. Nakatalikod siya sakin kaya tinawag ko siya.

"Shou"

Napalingon naman siya sakin at pinasadahan ako ng tingin mula paa hanggang ulo. Naiilang tuloy ako, baka kasi di bagay sakin ang suot ko.

Pinahiram sa akin ni Anna ang Red Off shoulder dress niya na may Split sa ride side na abot hanggang legs ko. Ihh! Ang sexy ko! *O*

"Gorgeous"
Sambit niya kaya pakiramdam ko namula ako. Gusto ko sabihing gwapo din siya kaso nakakahiya!

Naka Black suit naman siya na well-fitted sa sexy niyang body! Wiw, hang pogi niya *O*.
Totoo bang may asawa akong ganito ka gwapo? Parang di yata ako makapaniwala.

"Baka naman matunaw na ako niyan?"
Nakangisi niyang tanong kaya naman natauhan ako. Shoot! Nakakahiya!

Ngumiti nalang ako ng pilit tsaka siya tinanong.

"Saan ba tayo pupunta? Bakit kailangan kong mag suot ng ganito?"
Kahit pakiramdam ko ang sexy sexy ko hindi parin ako komportable.

"Party"
Sagot niya sabay hapit sa bewang ko kaya sobrang lapit ng mukha namin sa isa't-isa.
Di ko tuloy mapigilang tignan ang kulay green niyang mga mata pababa sa matangos niyang ilong hanggang sa mapula niyang lips.

Hoomaygaaahd! Red lips wag mo akong akitin! >.<

"Hahaha you're blushing"
Natatawa pa niyang sabi dahilan para maitulak ko siya at umayos ng tayo.

"T-tara na"
Nauna na akong maglakad sa kanya palabas ng mansion.

Nakooo! Nag iinit nanaman ang pisngi ko! >///<

"Wait for me honey!"
Sigaw niya at ilang saglit lang naramdaman ko na ang kamay niya na kumapit sakin.

______

Gabi na ng makarating kami sa tapat ng isang malaking building.
May iba't-ibang kulay ng ilaw ang nag fa-flash sa itaas ng building na siguradong pinag mumulan ng party.

"Come on"
Nakangiti niyang inilahad ang kamay niya sa harap ko. Di ko manlang namalayan na nakababa na siya at pinag buksan ako ng pinto.

"S-salamat"
Inabot ko naman sa kanya ang kamay ko palabas ng limousine at sabay na nag lakas papasok sa loob ng Building.

"Good evening, Mr.Rowanson"
Bati ng lalaking receptionist kay Shou sabay tingin sakin.

"She's my wife"
Napakunot naman ang noo ko ng makita ang seryoso niyang mukha. Parang kanina lang ang lapad ng ngiti niya ah?

"G-good evening, M-mrs.Rowanson"
Nginitian ko naman siya. Ramdam ko kasi 'yung kaba niya eh. Bakit naman siya kinakabahan?

"Let's go,honey"
Hinila na ako papasok ni Shou kaya nagpatianod nalang ako. Sumakay pa kami ng elevator hanggang rooftop.

*Ting*

Pag bukas ng elevator ay agad na bumungad samin ang napakalas na tugtog at napakaraming bisita na may iba't-ibang ginagawa.

Naramdaman ko ang pag higpit ng hawak sakin ni shou kaya napatingin ako sa kanya. Lumabas na kami ng elevator, tangay-tangay niya lang ako kahit san siya mag punta.

Takot ba siyang mawala ako? >///<
Ang assumera mo teh! Hahaha

"I'm glad you came, Shou"
Salubong sa amin ng isang lalaking halos kasing edad lang namin at inabutan niya ng wine glass si Shou.

"Yeah, Happy 20th birthday"
Oh, so birthday party pala ito.

"Thanks but no need to mention my age"
Sagot niya sabay tingin sa dereksyon ko.
Mukhang ngayon lang niya ako napansin.
"Oww, who's this beautiful lady?. Hi I'm Gavin Cullen, you can call me Gav. "
Pakilala niya sabay kuha ng kamay ko at akmang hahalikan 'yun ng bigla nalang siyang mapahawak sa leeg niya dahilan para mabitawan niya ako.

"F-fuck! O-okay tama na, h-hindi na ako makahinga!"
Itinaas niya ang dalawang kamay tanda ng pagsuko at ilang saglit pa hinimas niya ang kanyang leeg habang habol ang hininga.

Eh? Anong nangyari?

"Anong nangyari? Ayos ka lang ba?"
Nag aalala kong tanong doon sa lalaki at nilapitan siya.

"Y-yeah I'm okay, pero kung pwede lang wag kang lumapit sakin ng sobra. Ayaw ko pang mamatay hehe."
Napaatras pa siya ng konti habang nagkakamot ng batok.

Ha? Anong pinag sasabi niya?

"Honey, come on let's go to our table"
Hinila na ulit ako ni Shou. Napapansin ko lang ha! Kanina niya pa ako hinihila ng hinihila! Tapos ako naman pahila lang din ng pahila! Err.

Nakita ko namang sumunod samin si Gav.

"Guys, Shou is here!"
Anunsyo ni Gav sa isang grupo na nag kukumpulan sa isang table. At isa na doon si Anna.

"Ate, Eve!"
Napatayo si anna at agad akong nilapitan.

"Halika, dito ka sa tabi ko umupo"
At hinila nanaman ako. Ano? Sino sunod na mang hihila sakin? -_-

"Guys meet ate Eve." - anna

"H-hi"
Bati ko habang pinasadahan ko sila ng tingin. May apat pang babae bukod kay Anna at tatlong lalaki.

"And Ate eve meet our friends"- Anna

"Hi! I'm Creya and this is my twin Crey"
Pakilala ng isang babae na kulay puti ang buhok na may pulang highlight sa dulo ng unahang buhok niya. Shoot! Ang astig naman non.

"That's me"
Napalingon naman ako sa isang lalaki na nag taas ng kamay. Nilingon niya lang ako saglit tsaka binalik ang tingin sa librong hawak niya. Same silang dalawa ng kulay ng buhok at ng mga mata which is Yellow.

Mukha nga talaga silang twin at kung hindi mag sasalita 'yung crey, aakalahin mong babae siya. Iihh! Ang cute nila!

"I'm Alwira"
Pakilala naman ng isang babae na may shoulder length brown hair. Bilugan ang mga mata niya at parang kulay dagat ang mga mata niya kumikinang.

"My Girlfriend and soon to be wife"
Biglang singit ni Gav na bigla nalang kumapit kay Alwira.

"Oh! Mag lalandian nanaman kayong dalawa!"
Singhal sa kanila ng isang babae na may dark violet  sa taas at light sa lower part ng buhok.

"Draven oh! Ang bitter nanaman ni Oria!"
Nakapout na sumbong ni Gav. Hindi ko alam kung sinong Draven ang tinutukoy niya kaya sinusundan ko lang kung saan sila tumitingin.

"Tsk"
Sagot lang nung lalaking may Black and gray na buhok sabay ayos ng suot niyang salamin.

"And this is Ate Sastria"
Sabay turo niya sa babaeng may dark green hair and light green eyes.
"And Kuya Flinn"
Turo niya din sa lalaking blonde ang buhok at blue eyes.

Okay! Sila ng lahat ay may kakaibang kulay ng mata! -_-  ako lang black.

"Masanay kana sa dalawang 'yan ate, di talaga mahilig mag salita 'yang mga 'yan"
Bulong niya sakin kaya napatango nalang ako. Mukha ngang masungit silang dalawa.

"Here's your drink."
Nagulat ako ng iabot sakin ni Flinn ang isang wine glass.
"I'm Flinn"
Seryoso niyang pakilala at bumalik na ulit sa pwesto. Napatingin ako sa mga kasama ko ng tumahimik sila.

Anong problema?

Tinignan ko sila isa-isa hangga sa huminto ang tingin ko kay Sastria na seryosong nakatingin sakin.

Eh? Ano bang problema.

"Hindi siya umiinom ng alak."
Mas nagulat ako ng kunin ni Shou yung baso at tuloy-tuloy iyong ininom.

Hala! Gusto ko pa namang tikman :(
Nakatingin lang ako sa kanya habang iniinom niya 'yung wine.

Mukhang masarap

_____________

PLEASE VOTE AND COMMENT <3

BUY ME (Fantaseries #1) [COMPLETED]Where stories live. Discover now