BM 21: FLASHBACK

2.4K 71 4
                                    

Before nyo basahin. I suggest na pakinggan niyo yung "Kung sakali by Michael Pangilinan"😍.

_____

Third person's POV

"Magaling"
Sambit ng babae sa harapan ni eve. Kung titignan ay hindi manlang nabawasan ang kagandahan nito. Nakangiti ito ng matamis.

"E-evelia?"

"Ako nga mahal kong kambal"
Nakangiti pa nitong sagot.

"P-paanong-"

"Paanong buhay ako?"
Natatawa nitong tinapos ang dapat na sasabihin ni eve.
"Dumanaas ako ng hirap pero kahit kailanman ay hindi ako mamamatay, Everlia. Replica ko lamang ang pinagluksaan mo."
Sagot pa nito dahilan para makaramdam ng inis si Eve.

"B-bakit mo ginawa 'yon?"
-eve

"Mahina ako ng mga panahon na iyon kaya naisip kong ikaw muna ang lumaban para sakin. Ibinigay ko sayo ang kapangyarihan ko ng saganon ay magtagumpay ka at hindi ko akalain na magagawa mo ang bagay na ito para maprotektahan ang lahat ng taga Crown. Isa kang henyo mahal kong kambal."
Sagot pa nito. Nandilim naman ang mukha ni Eve.

"G-ginamit mo lang ako. Nanaman"
Sambit nito na puno ng hinanakit.

"Nanaman? Hanggang ngayon hindi mo pa rin makalimutan ang nakaraan? C'mmon Everlia, Ako ang talagang minahal ni shou. Ako lang"
Sagot nito sa may madiing tono pero agad na napangisi si Eve.

"Pero na sa akin ang lahat ng Una niya. Ako ang unang nakilala niya, ako ang unang hinalikan niya.....at....ako ang unang.....pinakasalan niya"
Sagot din ni Eve dahilan para makaramdam ng galit si Evelia.

Muli nanamang nanumbalik sa alaala ni Eve ang nangyari pagkatapos buuhin ni Evelia ang bagong mundo para sa tulad nilang hindi pang karaniwan. Tinipon ng kambal niya lahat ng iba't-ibang mga lahi at dinala sa mundong tinawag nilang CROWN. Si Evelia ang namuno sa lahat, masaya ang lahat sa labas pero malungkot at nag iisa si Evelia sa loob ng isang madilim na kwarto. Ayaw ni Evelia na may makaalam na mayroon siyang kakambal. Kung anong dahilan? Hindi niya rin alam at dahil mas malakas sa kanya ang kakambal ay wala siyang magawa kundi ang sumunod sa lahat ng sasabihin nito. Isang gabi habang nagtitipon ang lahat sa labas upang ipag diwang ang unang taon ng Crown ay palihim siyang lumabas ng kanyang silid at nagtungo sa may garden kung saan nagaganap ang kasiyahan. Nasa pinakagilid siya upang walang makakita sa kanya. Tahimik niya lang na pinag mamasdan ang iba't-ibang lahi na masayang nakikipag halubilo sa iba pang mga lahi.

"Gusto ko ring makihalubilo sa kanila"
Sambit nito sa sarili.

"E bakit nakatunganga kapa diyan?"

Halos mapatalon siya sa gulat ng may magsalita sa likuran niya. Nanlaki ang mga mata niya ng makita ang isang lalaki na nakatayo ng tuwid habang naka cross arm.

"Ah-eh a-aalis na ako"
Tatakbo na sana siya paalis ng hawakan siya sa braso ng lalaki. Napatingin siya sa kamay nitong nakahawak sa braso niya at sa lalaki.

Napalunok siya at hindi malaman kung anong gagawin.

"Bakit naman? Diba gusto mo pang makihalubilo sa kanila?"
Tanong nito na nakakunot ang noo.
Mabilis naman siyang umiling.

"H-hindi na nalang, natatae na kasi ako kaya kailangan ko ng bumalik sa loob"
Palusot niya. Hinawakan niya ang kamay ng lalaki at tinanggal ito sa pagkakahawak sa kanya bago tuluyang tumakbo paalis.

Naiwan namang natatawa ang lalaki at iiling iling na bumalik sa pagdiriwang.

Pagkarating ni Everlia sa kanyang kwarto ay napahawak siya sa kanyang dibdib. Hindi dahil sa hingal kundi dahil sa bilis ng tibok ng puso niya.

BUY ME (Fantaseries #1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon