BM 25: True Colors

2.2K 74 2
                                    


Third person's POV

Pagkalabas ng mansion ni Evelia ay napabuntong hininga ito.

"I have no choice"
Sambit nito at itinaas ang kanyang kamay at hintuturo.

Unti-unting may usok na lumabas sa daliri niya. Paikot ikot ito hanggang sa kumalat sa buong Crown. Mula Wolf Mountain hanggang Center Crown.

________

Samantala, nagkakagulo na sa mansion nila Shou dahil sa hindi paguwi nila anna ng matigilan sila.

"Anong nangyayari?"
Takang tanong ni Shon(dad ni shou)

"Bakit feeling ko may hinahanap tayo?"
Nakakunot noong tanong ni Shiana(mom ni Shou)

Wala namang nakasagot sa kanila dahil lahat sila ganon ang nararamdaman.

____

Nang makapasok si shou sa kanyang kwarto ay inilabas niya ang singsing sa kanyang bulsa.

"Bakit nasakin 'to?"
Mariin niyang pinagmasdan ang singsing at pilit na inaalala ang isang bagay pero napahawak lang siya sa sentido niya.

"Shou"
Napalingon naman ang binata sa kanyang likuran.

"Eve?"

"Ako nga shou"
Sagot ni Evelia na may malawak na ngiti.

"Anong ginagawa mo dito?"
Tanong ni shou.

"Binibisita kalang"
Sagot ni Evelia na biglang nadako ang tingin sa singsing kaya naningkit ang mga mata niya.

"That ring. Where did you get that? Alam mo bang ang tagal ko ng hinahanap 'yan?"
Naglakad palapit si Evelia kay shou at kinuha mula sa binata ang singsing.

"I don't know, hindi ko maalala kung paano yan napunta sakin"
Sagot ni shou na nakakunot ang noo.

Ngumiti naman ang babae.

"It's ok, at least nasa iyo."
Sagot nito at mabilis na niyakap ang lalaki.
Habang yakap niya ito ay pinag masdan niya ng maigi ang singsing at sinubukang isuot pero hindi ito magkasya.

"Miss na miss na kita"
Sambit na lamang nito. Nag dadalawang isip man ay yumakap nalamang pabalik si shou.

'No!'
Natigilan si shou ng may marinig na boses ng isang babae sa kanyang isip. Napansin naman iyon ni Evelia kaya agad siyang humiwalay sa pagkakayap.

"May problema ba?"
-evelia.

"Wala naman"
Sagot na lamang ni shou pero hindi parin maalis sa isip niya yung boses ng babae. Parang pamilyar kasi sakanya 'yon.

Ngumiti naman si Evelia.

"Mayroon akong good news sayo"

"Ano yun?"
-shou.

"After so many years, napagisip isip ko na siguro ito na ang tamang panahon para sa inaalok mo"
Sagot nito dahilan para matigilan si shou.

"I want to marry you shou, as soon as possible"
Dugtong pa nito.

"Are you sure?"
Hindi makapaniwalang tanong ni shou.
Mabilis namang tumango ang babae at ngumiti.

"Yes."

Isang linggo na ang nagdaan simula ng sabihin ni Evelia na gusto niyang magpakasal kay shou. Kumalat ito sa buong CROWN at ang lahat ay masaya maliban sa apat na hanggang ngayon ay nakakulong parin. Nasabi din sa kanila ni Evelia ang tungkol sa kasal na gaganapin, tatlong araw mula ngayon. At nalaman narin ng apat na walang sinoman ang nakakaalala sa kanila kaya hindi sila hinahanap.

BUY ME (Fantaseries #1) [COMPLETED]Where stories live. Discover now