BM 16: VIOLA

2.3K 63 2
                                    


Anna's POV

Pagkarating namin sa Wolf Mountain ay pinagtitinginan kami ng lahat. Yung iba naka form ng tao at yung iba naman ay wolf.

Nakasakay parin ako sa likod ni shou hanggang sa makapasok kami sa Mansion nila na nasa pinakaloob looban ng gubat.

Pinababa na niya ako at nag transform na ulit siya into Human.

"Ron, saan ka nanaman ba galing?!"
Bungad sa amin ng isang lalaki na halos kasing edad lang ni Dad na 40+
Bigla siyang napalingon sa dereksyon ko.

"At sino naman siya?"
Tanong pa nito.

"Nakita ko siya sa gubat, sinugod siya ng tatlong tauhan natin."
Sabay tingin nito sa tatlong wolf na naging tao na maging ang ama niya. Pare-parehas silang sugatan.

"Binalak niyong kumain ng Kapwa Crown?"
Galit na tanong ng ama ni Ron. Hindi naman sumagot ang tatlo.
"Dalhin sila sa ilalim at parusahan"
Uto pa nito at may ilang human wolf ang lumapit sa tatlo at binitbit sila.

"Patawarin mo kami amang hari!"
Pagsusumamo ng mga ito pero sinundan lang sila ng tingin ng hari hanggang sa makababa sila sa parang isang basement.

"Ipag paumanhin mo ang kalapastangan ng mga tauhan ko"
Napatingin ako sa ama ni Ron na bahagya pang yumukod.

"N-nako po ayos lang! Pasalamat din po ako dahil dumating si Ron"
Sabi ko nlamang. Nakakahiya kasi. Ito ang unang beses na makakaharap ko ang pinuno ng mga wolf.

"Ron, dalhin mo na siya kay Viola para ipagamot"
Tumango naman si Ron at iginaya na ako papunta sa hindi ko alam kung saan pero sa loob parin ng mansion.
Yumuko pa ako para magbigay galang bago tuluyang umalis.

"Hahaha"
Napatingin ako kay Ron ng tumawa siya.

"Bakit ka natatawa?"
-ako

"Ang cute mo kasi"
Sagot niya sabay tingin sakin ng nakangiti.
Feeling ko naman namula ang mukha ko.

Wag mo akong tignan ng ganyan! Waaah! Bata pa ako! >.<

Matapos naming lakarin ang may kahabaang hallway ay pumasok kami sa isang kwarto. Nadatnan namin ang isang dalagang babae na nakaupo sa tabi ng bintana habang nakatanaw sa labas.

"Viola"
Tawag pansin ni Ron kaya agad namang lumingon yung babae.
Napasinghap ako ng makita ang mata niya na puting puti.

"Ron, bakit naparito ka? May nasaktan ba?"
Tanong nito sa napakamalumanay na tono.

"Oo pero hindi siya isang wolf. Si---ano nga palang pangalan mo?"
Sabay tingin niya sakin.

Ay! Di panga pala ako nakakapag pakilala.

"Anna. Ako si Anna"
Sagot ko.

"Ahh, anna. Nasugatan siya"
Sabi pa ni Ron. Ngumiti naman ang babae. Napaka ganda niya.

"Ah ganon ba. Sige ihiga mo na siya sa kama, ako ng bahala sa kanya."
Sagot naman nung Viola at tumayo na palapit sa kama. Pakapa kapa pa ito sa paligid niya kaya agad siyang inalalayan ni Ron.

"Sige"
Sagot din ni Ron bago tumingin sakin.

"Iwan muna kita dito, kakausapin ko lang si ama"
Tumango nalang ako kaya umalis na siya. Pagkasara ng pinto ay napatingin ako kay viola ng magsalita siya.

"Ako nga pala si Viola, ang manggagamot ng Wolfians. Mahiga kana dito"
At tinapik niya ang kama sa tabi niya.
Tumango naman ako kahit hindi niya nakikita at naglakad na palapit sa kama para humiga.

"Saan mo naman nakuha ang mga pinsala mo?"
Tanong niya habang sinisimulan na akong gamutin.

"Kay veronica, pero pagaling na sana ang mga ito kung hindi lang ako sinugod ng tatlong wolf"
Sagot ko kaya tumango siya. Nagtaka ako ng bigla siyang bumuntong hininga.

BUY ME (Fantaseries #1) [COMPLETED]Where stories live. Discover now